Prologue

13 0 0
                                        

Altar Server


Ala sais ng umaga sa linggo nang tumonog ang kampana ng simbahan, maraming mga tao ang nagpunta para magsimba. Lahat ay kompleto para lang makadalo sa Misa.

May mga matanda, mga bata, mag pamilya, mag kasintahan, at lalaki't babae. At ang iba sa kanila ay galing ibang baranggay.

Tumayo ang lahat habang kumakanta nang magsimula na ang entrance procession, naglakad ang mga sakristan kasama ang pari.

Si Eric ang may dala ng processional cross habang sina Michael, Gaiel, Daron, at ang isang kaibigan din nila na si Kier ang nag dala ng Candles. And the rest is mga kasamahan na nila.

Nang makarating na sila sa part kung saan gaganapin ng pari ang misa ay nag head bow sila bago umalis.

Naiwan naman sila Eric, Gaiel, Kier, at ang isa pa nilang kasama.

Nakaupo sila ng matuwid at nakikinig ng mabuti sa greating ng pari.

Nagsimula na din ang penitential rite, ito ay ang paghingi natin ng patawad sa ating mga kasalanan sa diyos.

Sumonod naman ang Gloria, ito naman ay panalangin ng pari at ng mga taong nagsimba. Liturgy of the word naman at opening prayer bago ang first reading.

Sa responsorial psalm ay dimapigilan mag yawn ni Eric dahil sa pinipigilang antok. " Eric may napapansin kaba sa katabi mo?" Mahinang sabi ni Kier na katabi niya din. Sakto lang iyon para madinig niya.

Nilingon ni Eric ang isa niya pang katabi na tahimik lang, pero napapansin nilang may kakaiba dito.
Namumutla kasi ito kanina pa at nakatulala lang.

Hindi na lamang nila iyon pinansin at nakinig na lamang sa second reading.

Hanggang sa simula ng communion ay patuloy si Eric sa pakikipaglaban ng antok niya.

Lumabas naman ang dalawang sakristan na sina Michael at Daron sa isang pintuan mula sa kilid kung saan nagmimisa ang pari.

May dala silang bread at wine at maingat na inilagay ito sa table bago sila umalis. Pagkatapos ng communion ay prayer na.

Napalingon ulit si Eric sa kaniyang katabi nang marinig niyang may binubolung ito. Hindi niya maintindihan iyon kaya nagtaka na talaga siya.

Nang matapos na ang misa ay kanya kanyang naghahanda nang umowi ang mga nagsimba.

Bumalik sina Eric, Gaiel, Kier, at ng isa pa nilang kasama sa sacristy pagkatapos nilang magsilbi sa Misa.

" Tapos na?" Tanong ni Michael na tipid naman tinanguan ni Eric.

" Anyare diyan?" Tanong niya ulit na nakatingin sa isa nilang kasamahan.

Nakayuko ito at nanginginig ang mga kamay nito, may binubolung na lingguwahing hindi nila maintindihan.

Lumapit si Eric dito at hinawakan ito sa balikat. " Pre ayos ka lang ba?" Tanong niya dito.

Hindi ito sumagot pero unti - unting itinaas nito ang kanyang ulo ngunit iba na ang mga mata nito.
Itim.

Bago pa man makapag react si Eric ay mabilis siyang sinakal nito sa leeg, mahigpit iyon kaya nahihirapan siyang makahinga.

Pilit siyang kumakawala
sapagkakasakal nito sa kaniya.

" Eric!" Sigaw ni Gaiel

" Hoy Gago!" Si kier na napamura dahil sapagkakagulat.

Agad na pinigilan nila Gaiel at Kier ito. Boung lakas nilang hinila ang kasamahan hanggang tuloyang makawala si Eric sa mahigpit na pagkakasakal nito.

Habol habol ni Eric ang kaniyang hininga ng makawala siya.

Nagkagulo ang buong simbahan.

May mga nagsisigawan.

May mga nagmamadaling lumabas.

At may ilan namang nananalangin gaya nila Michael at Daron.

" Tawagin niyo si Father Thomas Dali!" Sigaw ni Kier sa kanila na kaagad din nilang ginawa.

Mabilis silang tumakbo paalis doon at nagtungo sa kumbento.

Ilang sandali ay dumating ang pari, may dala dala na itong cross, holy water, at Bible. Tumingin ito sa kanila bago sa sinapian na hawak hawak nila Gaiel at Kier ngayon.

" Umatras muna kayo." Mahinahong utos niya sa kanila.

Naging tahimik sa loob ng simbahan nang sinimulan ng pari ang panalangin niya.

Tahimik silang nanonood habang kumakabog ang mga dibdib sa takot.

Dahil sa araw na iyon ay nakapag desisyon ang limang magkakaibigan na umalis sa kumbento at pinili ang kanilang pagaaral.

Nagbago na din ang kanilang mga buhay simula nang lumipat sila sa city para doon mag aral ng koliheyo at magtapos din.

Ang hindi nila inaasahan ay mas magiging malala ang pagbabago ng kanilang buhay dahil sa kanilang
Katangahan, kabobohan, kagagohan, at kasiraan ng ulo.

The Four Idiots Stories to obsess over. Discover now