Panimula

13.7K 239 108
                                    

A/N: Pasensya na po sa mga mababasa niyong kamalian sa akda kong ito. This is my first story and I didn't pay attention that much to technicals. Enjoy reading, anyway!

SWEET SERENDIPITY
By: vanessabree

Do not distribute, publish, copy, modify, or exploit any derivatives of this story in any way. Please obtain permission.

-The Author

*UNEDITED*

Glitches are all over the chapters.



------------------------------------------------

"Aemy Bresselly!"

Alam ko na agad kung sino 'yon.

Di ko na kailangan pang lumingon para tingnan. Si mommy 'yon. Nagagalit na naman siguro.

Anong oras na ba?

Nine? 10 AM? Ayaw ko pang bumangon.

Gusto ko nalang matulog hanggang bukas, hindi ba pwede iyon? I don't want any disturbance. Pagod na pagod ako kahapon.

Yesterday was the sweetest. Third monthsary namin.

I can't believe it. Engaged na ako. Kahit secret proposal lang ang nangyari. Ang saya saya ko. Kahit tatlong buwan palang, masayang masaya ako.

Tinitingnan ko ngayon ang suot kong singsing. It's beautiful. Too beautiful I can't resist but stare at it. I'm gonna be married soon.

Yes. I will be tied to him forever. And it excites me everytime I'm reminded by this ring.

Raunald Angelo Sy.

Pero parang may mali. Ah basta! Papakasalan ko siya.

Mahal ko siya.

"Aem! Ano ba?! Babangon ka ba o hindi?! Nanggaling si Allan dito kaninang 8 AM, umalis na! Nainis na yata kasi ang hirap mong gisingin! Will you get up now? Go! Get up! Get up!"

Pumasok na pala si mommy sa kwarto ko. At ayan, tinutulak, kinikiliti, kinukurot na niya ako. Why can't I sleep the whole day? Ayoko pumasok sa trabaho. Tsk.

"Aemy! Ang dami nang tao sa FG! Bangon na!" Sigaw ulit niya.

"Okay! Okay! Just... please mom. Ten minutes. I'm still sleepy. Anong oras na ba? Balikan mo ako after ten minutes. Please?" Sabi ko gamit ang isang malambing na boses. Nakatalukbong parin ako ng kumot.

"Batang 'to! Eleven na! Lunch break na mamaya! Allan told me you need to be there! Or he's going to pull out his shares at mag isa ka na sa business! Gusto mo ba 'yon?!" Nagulat ako at biglang bumangon.

"What?! Eleven na?! Mommy why didn't you tell me oh goodness gracious!"

Dali dali akong kumuha ng towel at naligo na. Patay na naman ako sa bestfriend ko. Sigurado akong ang init init na ng ulo no'n.

Five minutes lang yata ang tinagal ko sa cr.

Nagbihis ako agad.

Shorts, v-neck shirt, messy bun, airmax, wayfarer. I'm good to go! Summer naman ngayon.

Madalas ako magdress pero sa tingin ko mamamatay ako sa init pag nagdress at nag makeup ako ngayong araw. I need to be comfortable. Pagkatapos kasi ng trabaho, sa condo ni Raunald ako didiretso. I miss him already.

Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon