Every night at exactly 9:00 PM, nasa isang maliit na coffee shop lang ako. Pare-pareho ang order ko—iced spanish latte—and pareho rin ang inuupuan ko.
Table Seven.
Pero isang gabi, may nakaupo na sa usual table ko.
"Excuse me... that's my seat."
Tumingin ang lalaki sa 'kin at ngumiti.
"May titulo ba 'yan? Nakapangalan sa'yo?"
Nairita ako.
Pero hindi ko alam na magiging paborito ko pala ang lalaking ito.
Punong-puno ang cafe kaya wala akong choice kundi maki-share ng table.
"Mukha kang masungit," sabi nito.
"Mukha ka ring madaldal."
Ngumiti lang ako.
"Ako pala si Klert."
Pero hindi ako sumagot.
"Ako rin, nice to meet you."
Napailing na lang ako. But for some reason, natawa ako. Hay!
Isang gabi naging dalawa. Dalawang gabi naging isang linggo.
Hindi namin namamalayan, naging routine na pala.
Dalawang drinks.
At usapang kung anu-ano.
Nalaman niya na mahilig ako sa sunsets at ayokong pinapakita sa ibang tao kapag umiiyak ako.
Nalaman ko naman na favorite niya ang old songs at hindi siya umiinom ng kape kapag hindi matamis.
Lagi akong may dalang notebook.
"Ano 'yang sinusulat mo Arie?" tanong ni Klert.
"Mga bagay na hindi ko kayang sabihin."
"Pwede ko bang basahin minsan?"
"Nope."
"Sa susunod?"
"No."
Ngumiti siya.
"Sige. Maghihintay ako."
Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko.
What the hell is happening?
Umulan nang malakas isang gabi.
Sarado na ang cafe pero pareho pa rin kaming nasa labas.
Tahimik lang. Hanggang sa nagsalita si Klert.
"Arie...bakit parang lagi kang may dinadala?"
Napatingin ako sa kanya. Nobody ever asked me that. Kaya sa unang pagkakataon, nagsalita ako.
Tungkol sa parents ko na hiwalay.
Sa pakiramdam na palagi akong kulang.
At sa pagiging malungkot kahit maraming tao sa paligid ko.
Hindi siya nagsalita.
Nakinig lang siya.
At somehow, sapat na 'yon.
Kinabukasan, wala si Klert. Wala rin kinabukasan. At wala pa rin sa sumunod na araw.
Napatingin ako sa bakanteng upuan sa harap ko.
Ang weird.
Ngayon ko lang na-realize na nasanay na akong may kausap tuwing alas-nueve ng gabi.
At mas weird...
Na nami-miss ko siya.
Pagkatapos ng limang araw, bumalik si Klert.
"Saan ka galing?" bungad kong tanong.
Nagulat ako sa sarili kong reaksiyon, at ngumiti siya.
"Na-miss mo ba 'ko Ariella?"
"Hindi no! Ew."
"Sobrang defensive."
Napabuntong-hininga siya.
"My mom got sick. Umuwi ako."
Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Then, without thinking, niyakap ko siya ng mahigpit.
Pareho kaming natigilan. Pagkatapos, mahina itong tumawa.
"Okay... so na-miss mo nga ako."
I blushed. Heck!
Kinabukasan, iniabot ko ang notebook sa kanya.
"Basahin mo."
Nagulat siya.
Pagbukas niya, puro maliliit na sulat ko.
Mga pangarap ko sa buhay.
Mga takot na naiisip ko tuwing gabi.
At mga bagay na hindi ko kayang sabihin.
Hanggang sa makarating siya sa Page 89.
'I think I'm falling for the guy who accidentally stole my seat.'
Napatingin siya sa'kin.
Namumula ako na hindi ko alam anong gagawin ko.
Ngumiti siya na para bang inaasahan na niya na ito ang sasabihin ko.
"Tagal ko nang hinihintay na aminin mo."
Ang first date namin? Sa coffee shop pa rin.
Sa Table Seven pa rin.
May dala si Klert na tatlong dilaw na rosas.
"Bakit tatlo?" tanong ko sa kanya.
"Isa para sa babaeng may-ari ng table na 'to."
"Isa para sa best friend ko."
"At isa para sa babaeng gusto kong makasama kahit matapos pa ang 9 PM."
Hindi ko na alam kung anong mas matamis.
Itong kape ko ba.
O ang lalaking nasa harap ko.
Makalipas ang ilang taon, graduate na kami. May trabaho na. Mas busy na.
Pero kapag may oras, bumabalik pa rin kami sa parehong coffee shop.
Sa parehong Table Seven.
Napangiti ako habang hawak ang kamay ni Klert.
"Alam mo, buti na lang inagaw mo 'yung upuan ko."
Tumawa siya. "Hindi ko inagaw."
"Talaga?"
"Hindi. Hiniram ko lang."
"At hindi mo na binalik."
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Hindi na. Kasi minsan, may mga bagay na hindi mo na gustong bitawan."
At para sa'kin, kasama roon ang Table Seven...
at si Klert.
CZYTASZ
Table Seven (ONE SHOT)
RomansTable Seven was supposed to be just another table in a small cafe-a seat reserved for strangers, brief conversations, and unfinished cups of coffee. But for Arie and Klert, it became the place where they shared stolen glances, late-night talks, and...
