Akira Sendoh - Broken Heart

24 0 0
                                        

Akira POV

Mula ng maghiwalay kami ni Aira nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Nag quit ako sa basketball at lahat ng bisyo ginawa ko para lang makalimutan sya, kasi ang akala ko makakatulong yun, pero nagkamali ako kasi nawala lahat ng mga taong mahal ko. Hindi ko na kilala kung ako paba yung Akira Sendoh na tinitingala ng marami.

Nawalan ako ng career ng dahil sa kanya, at lahat ng mga kaibigan ko sinukuan na ako, pero hindi ko sila masisisi kasi ako mismo ang nag taboy sa kanila palayo.

Pinilit kong mag bago at kalimutan sya! kaya naman ng maka graduate ako ng college sinikap kong mag hanap ng magandang trabaho, kasi gusto kong may marating kahit na hindi na ako isang sikat na basketbolista.

Umalis ako ng Kanagawa para makalimutan si Aira, kasi kung mananatili pa ako dun baka lalo ko lang maalala yung pananakit na ginawa nya sakin. Tumira ako sa Nagoya ng ilang taon kaya naman wala na akong naging balita sa team basta ang alam ko lahat sila galit sakin.

Balak kong bumalik ng Kanagawa para puntahan ang team, dahil gusto kong pormal na huminge ng sorry sa mga nagawa ko sa kanila, lalo na kay coach at kay captain kasi nag quit ako at umalis sa Ryonan ng walang paalam.

Malaki ang pinagbago ko sa ilang taon kong paninirahan sa Nagoya! para nga akong hindi si Akira Sendoh. Ganun pala talaga kapag nagmahal ka magbabago ka.

Ngayon naka move on na ako kay Aira, naisip ko na wag ng magmahal hindi sa ayoko kundi dahil takot na akong masaktan. Ayoko ng masaktan ulit at bumalik sa dating ako, kasi hindi ko alam paano babangon ulit kapag nasaktan nanaman ako.

"Sendoh sigurado kang babalik ka ng Kanagawa? Paano kong magkita kayo ni Aira dun." tanong ni Zabbe.

Si Zabbe ang kaisa isang bestfriend ko na hindi ako iniwan kahit na ang sakit ko na sa ulo. Ewan ko ba paano sya nakakatiis kahit na ilang beses ko na syang pinagtabuyan.

"Zabbe naka move on na ako sa kanya. Ikaw hindi ka ba sasama sakin para makita si Kenji? Matagal mo rin syang hindi nakita mula ng maghiwalay kayo."

Hindi kami pareho ng pinagdaanan ni Zabbe, pero pareho kaming nasaktan sa mga taong minahal namin. Si Kenji mas pinili nya ang career nya kesa kay Zabbe habang ako naman niloko ni Aira at sumama sa iba.

"Napanood mo pala na nakauwe na sya. Wala na akong balak makita si Kenji pagkatapos ng ginawa nya sakin. Dito na lang ako sa Nagoya." sagot nya.

Alam kong hindi pa nakakamove on si Zabbe. Anim na taon kasi ang relasyon nilang dalawa at hindi yun ganon kadaling kalimutan.

Pagkatapos kong mag impake nagpaalam na ako kay Zabbe. Hindi na ako nagpahatid sa kanya kasi baka gabihin lang sya.

Ilang oras din bago ako nakarating ng Kanagawa. Inabot na nga ako ng gabe kaya naman naisip ko na mag hotel nalang bago pumunta sa dating bahay namin.

Mula ng mamatay ang mga magulang ko naiwan sakin ang bahay sa Kanagawa, pero napabayaan ko naman yun mula ng lumipat ako sa Nagoya.

Naghahanap ako ng hotel ng makita ko si Rukawa na nakatayo. Sinubukan ko ulit syang tignan baka kasi nagkamali lang ako pero si Rukawa talaga ang nakita ko. Hindi ko sya agad nakilala kasi napaka rami ng hikaw nya sa tenga at meron din syang tattoo sa magkabilang braso.

Lalapitan ko sana sya ng makita kong lumapit ang isang babae sa kanya at sunggaban sya ng halik. Para tuloy akong nanibago sa Rukawa na nakilala ko ng high school.

Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa loob para mag check in. Ang daming tao at halos mag boyfriend/girlfriend ang nandun, kaya hindi agad ako naasikaso kaya naman naupo na lang muna ako kasi masakit na ang paa ko kakalakad.

Habang nakaupo napatingin ako sa isang reception na sinisigawan ng isang customer. Halos pagtingin na ito ng mga tao dahil sa lakas ng boses ng lalaki.

"Sir I'm sorry, pero wala po ang pangalan nyo dito. Kung gusto nyo po mag check in na lang po kayo ulit." natatakot na paliwanag ng receptionist.

"Gusto mong mag check in ako? Nakikita mo ba kung gaano kahaba ang pila tapos gusto mo mag check in ulit ako. Nagpa book ako sa inyo kahapon pa tapos sasabihin mo wala ang pangalan ko sa list. Kung gusto mong wag ng humaba pa to ipariority mo ko kasi kung hindi mo gagawin yan magkakagulo dito." sabe ng customer.

Kitang kita ko sa mukha ng receptionist na natatakot ito, kaya naman naisip kong tumayo na para kausapin ang lalaki.

"Teka lang bakit naman ganon. Hindi ba masyado naman VIP kung ikaw agad ang uunahin, unfair yun sa mga taong nakapila kanina pa." ngumiti pa ako sa lalaki na para bang iniinis sya.

"Sino ka ba? Alam mo kaya may mga taong bobo at tanga dahil sayo kasi pinagtatanggol mo ang mga kagaya nila." pag iinsulto pa nitong sabe at hindi na ako nakatiis na hindi tumawa.

"Kaya siguro may mga tao rin na walang modo dahil sa mga kagaya mong walang respeto. Miss unahin mo na nga to baka kasi labasan na yan dito kapag pumila pa yan." pang iinis ko sa kanya at nagtawanan ang mga tao.

Kumindat na lang ako receptionist at hindi na muling nag salita pa ang lalaki na para bang napahiya ito. Bumalik ako sa upuan ko kanina at tinignan ang babaeng receptionist na mukhang wala ng takot na mababakas.

Ilang minuto din akong naghintay bago ako nakapag check in at inasikaso ako ni Vally

"Sir salamat kanina. Kung wala kayo hindi ko alam kung anong gagawin." sabe ni Vally.

"Wala yun. Napaka ganda ng pangalan mo bagay sa maganda mong ugali." kumindat pa ako sa kanya saka kinuha ang card at susi ko.

SLAM DUNK ONE SHOT Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora