"Guys, laro na tayo! Mag-online na kayo, may tournament ngayon!" Alexa shouted sa group call.
"Wait lang, kain lang ako," sagot ni Lexus habang ngumunguya.
"Kain nang kain!" natatawang sabi ni Alexa.
"Bakit? Love yourself first," depensa ni Lexus.
"Yan siya eh, pagkain talaga inuuna," sabi ni Maria.
"Love yourself first daw kaya single tayong lahat!" dagdag ni Cael.
Nagtawanan silang lahat.
Matapos ang ilang oras na paglalaro at panalo sa tournament, biglang nagkaroon ng ideya si Cael.
"Guys, may nakita akong peryahan online. Malapit lang dito. Tara!"
"G ako basta may pagkain," mabilis na sagot ni Lexus.
At doon nagsimula ang gabing hindi nila malilimutan.
---
Habang nasa biyahe sila, hindi pa rin natigil si Cael sa pang-aasar.
Nang huminto sila sa isang madilim na bahagi ng daan upang kunin ang pagkain sa trunk, si Maria ang bumaba.
Pagkabukas niya ng trunk ay napasigaw siya.
"AHHHHHHH!"
Sa loob ay may tila ulo ng tao at mga buto.
Nanginginig ang mga kamay ni Maria.
"Hindi... hindi totoo 'to," bulong niya.
Paglapit ni Alexa ay napasigaw rin ito.
Ngunit maya-maya ay nagtawanan sina Lexus at Cael.
"It's a prank!" sigaw ni Cael.
Hindi natuwa sina Maria at Alexa.
Habang bumabalik sila sa sasakyan, walang nakapansin na sa likod ng mga pekeng buto ay may isang aninong tila gumalaw.
---
Makalipas ang ilang minuto ay may nakita silang liwanag sa gitna ng madilim na kagubatan.
Isang perya.
May Ferris wheel.
May roller coaster.
May mga ilaw.
May musika.
Ngunit wala silang nakitang ibang bisita.
"Wala bang tao rito?" tanong ni Maria.
"Gabi na kasi," sagot ni Cael.
Hindi nila alam na wala talaga dapat perya sa lugar na iyon.
---
Matapos sumakay sa iba't ibang rides, napunta sila sa isang lumang haunted house.
Sa loob ay malamig at tahimik.
Amoy sunog at bulok na kahoy.
Kumakaluskos ang sahig sa bawat hakbang.
Biglang tumigil si Cael.
"Oy... sino yung nasa hagdan?"
"Wala naman," sagot ni Lexus.
Ngunit nang lumingon silang lahat, biglang tinutukan sila ni Cael ng flashlight.
"BOOO!"
Napaiyak si Maria at tumakbo.
Sinundan siya ni Alexa.
Si Lexus naman ay sumunod.
Naiwan si Cael.
At doon niya nakita ang isang maitim na pigurang nakatayo sa kabilang silid.
Nakatitig lamang ito sa kanya.
Nang kumurap siya...
Mas malapit na ito.
---
Nagkahiwa-hiwalay silang lahat sa loob ng haunted house.
"Guys!" sigaw ni Maria.
"Lexus! Cael!" tawag ni Alexa.
Ngunit walang sumasagot.
Isa-isa silang naglaho sa dilim.
Hanggang si Lexus na lamang ang natira.
---
Habang naghahanap ng paraan palabas, may nakita si Lexus na lumang pinto.
Pagbukas niya nito ay napunta siya sa isang bakanteng lugar.
Wala nang perya.
Wala nang ilaw.
Wala nang rides.
Kagubatan lamang.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang sasakyan ni Cael.
Sa tabi nito ay may lumang karatula:
FIESTA CARNIVAL - 1996
At isang lumang balita.
Mahigit dalawampung katao ang namatay matapos masunog ang perya.
Nanlamig si Lexus.
Hindi pala totoong perya ang kanilang pinasukan.
---
Habang papunta siya sa sasakyan, muling lumitaw ang perya.
Ngunit ngayon ay sunog na ito.
Kalawangin.
Wasak.
At puno ng mga anino.
Sa gitna ng Ferris wheel ay nakita niya sina Maria, Alexa, at Cael.
Nakatayo lamang.
Nakangiti.
Ngunit puro itim ang kanilang mga mata.
"Stay with us..." sabay-sabay nilang bulong.
Tumakbo si Lexus.
Pumasok sa sasakyan.
At umalis nang hindi lumilingon.
---
Kinabukasan, bumalik ang mga pulis sa lugar.
Ngunit wala silang nakitang perya.
Wala silang nakitang haunted house.
Bakanteng lupa lamang.
Hindi na rin natagpuan sina Maria, Alexa, at Cael.
Makalipas ang isang taon, habang gumagamit ng cellphone si Lexus, may natanggap siyang mensahe mula sa unknown account.
Kasama nito ang isang larawan.
Nakatayo sina Maria, Alexa, at Cael sa harap ng Ferris wheel.
Nakangiti.
Puro itim ang kanilang mga mata.
At sa ilalim ng larawan ay may isang mensahe.
"We're still waiting for you."
THE END??
YOU ARE READING
We Were Never Alone
HorrorWe went looking for a good time. Something else was waiting for us. Now, only one of us remains. A prank. A carnival. One night. But the dead don't let go that easy. They said the 1996 Fiesta Carnival was abandoned. They were wrong. Now I...
