𝐒𝐇𝐀𝐍𝐄'𝐒 𝐏𝐎𝐕
Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking mga balakang, na tila sinusubukang ikulong ang aking kaluluwa sa ilalim ng kanyang mga kamay. "Hindi mo na kailangang magkunwari pa," bulong ni Kyle sa pagitan ng paghingal. "Dito sa harap ko, ikaw ang totoong Shane."
Sa bawat paggalaw niya pakiramdam ko ay unti-unti akong tinutunaw. Ang init ng kanyang katawan ay dumadaloy sa bawat ugat ko at nilalamon ang anumang natitirang katinuan ko. Hindi ko na alam kung saan magtatapos ang aking katawan at kung saan nagsisimula ang sa kanya. Kung dati ay may takot pa ngayon ay naging isang uhaw na hindi ko kayang pawiin nang ako lang.
"Kyle," tawag ko sa pangalan niya
Tumigil siya nang bahagya at nakatingin nang diretso sa aking mga mata na tila sinusuri kung gaano na ako kalalim sa kanyang laro. Ang kanyang mga mata ay madilim at puno ng isang uri ng pagmamay-ari na nakakatakot ngunit nakakaadik. Sa isang mabilis na kilos niya ay muli niyang pinagtagpo ang aming mga labi, isang halik na hindi na humihingi ng pahintulot kundi nag-uutos.
Sa gitna ng gabing ito habang ang mga tao sa labas ay naghihintay ng aking paglabas, nanatili kami sa loob ng holding room. Ang lugar kung saan ang aking pagkababae ay tuluyang naglaho at ang pag-aari ni Kyle sa akin ay naging ganap. Ang debut na dapat ay ang simula ng aking pagtanda ay naging huling gabi ng aking pagiging malaya.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, bumigat ang hininga naming dalawa. Ang silid ay puno na lamang ng tunog ng aming paghabol sa hininga at ang mahinang lagitok ng sofa sa ilalim ng aming bigat. Hindi siya lumayo at nanatili siyang nakadagan sa akin, ang kanyang mga mata ay hindi inaalis sa aking mukha na tila binabasa ang bawat bakas ng emosyon sa aking mga mata.
"Wala nang bawian, Shane," bulong ni Kyle habang ang boses niya ay seryoso at walang halong biro. "Paglabas natin dito, sa harap ng lahat, sa harap ng pinsan mo akin ka pa rin."
Tumango ako nang mahina, wala nang lakas para tumutol. Ang aking mga daliri ay nakabaon pa rin sa kanyang likuran at pilit na kumakapit sa tanging bagay na alam kong totoo sa sandaling iyon. Ang bawat bahagi ng katawan ko ay nanghihina na ngunit ang puso ko ay mabilis pa ring tumitibok. Hindi na sa kaba kundi sa isang uri ng pagtanggap sa katotohanang binihag na niya ako nang tuluyan.
Nang biglang narinig namin ang katok sa labas ng pinto.
"Shane? Nandiyan ka pa ba? Malapit na silang magsimula sa labas, hinahanap ka na ni Mom," boses ni Khalix
Nanigas ako sa ilalim ni Kyle. Ang kaba na akala ko ay nawala na ay biglang bumalik. Mas matindi ngayon dahil sa realidad ng sitwasyon. Tumingin ako kay Kyle habang ang aking mga mata ay puno ng pakiusap.
Ngumiti lang siya nang bahagya, isang ngiting mapanganib at mapag-angkin. Dahan-dahan siyang bumangon at sinimulang ayusin ang kanyang damit habang ako ay nanatiling nakahiga at pilit na pinapakalma ang aking sarili at sinusubukang hanapin ang lakas para tumayo. Ang aking asul na gown ay nakakalat sa sahig, isang paalala ng kaguluhang naganap sa pagitan namin ni Kyle
"Shane?" muling katok ni Khalix. "Okay ka lang ba? Bubuksan ko na 'to ah?"
Tumingin sa akin si Kyle at bago siya tuluyang magtago sa dilim ng bahagi ng silid ay hinaplos niya muna ang aking pisngi nang mabilis. "Sabihin mong magbibihis ka lang," bulong ni Kyle bago siya tuluyang mawala sa aking paningin.
Huminga ako nang malalim habang ang aking mga kamay ay nanginginig nang abutin ko ang gown ko sa sahig. "O-oo, Khalix! Sandali lang, nagbibihis na ako may konting problema lang sa zipper," sagot ko at pilit na ginagawang matatag ang aking boses kahit na ang buong sistema ko ay yayanig-yanig pa rin sa sensasyong iniwan ni Kyle.
