BAFFLED
"Ano na naman bang kasalan ko sayo?" Nakahalukipkip kung tanong habang seryusong naka tingin sa harap ng kotse.
"Kanina pa ako text ng text sayo. Kaya pala hindi mo pinapansin kasi tutuk na tutuk ka sa iba," mahina pero may diin sa sinasabi niya. Tinignan ko siya saglit bago kinuha ang phone ko sa bag. In-open ko ito at nagulat. 7 new messages, kaya binasa ko isa-isa ang mga tin-next niya sakin.
Asher:
"Musta yung research niyo, ayos ba?"
Asher:
"Vacant namin sa last subject mamaya, kaya mag p-practice kami ng bball"
Asher:
"Ano gusto mong kainin? Bibilhan kita."
Asher:
"Uwian niyo naba? Dumiretso ka nalang sa parking lot, dito kami mag hihintay sayo"
Asher:
"Tagal mo naman mag lakad, nakikita ko na ang iba mong kaklase"
Asher:
"Ano na? Saan kana, subrang bagal naman nitong mag lakad"
Asher:
"Wala ka bang bakal umuwi?"
"Wala naman pala tong kwenta ang mga tin-e-text mo," natatawang sabi ko habang binabasa isa-isa ang messages niya, ngunit imbes na matawa rin ay mas lalo lamang siyang napasimangot habang tahimik na nakatingin sa harapan at tutuk na tutuk sa pag d-drive.
"Natural, wala kang makikitang kwenta diyan kasi ni isa nga wala kang reply," malamig niyang sagot bago ako tinignan at ibinalik rin naman ka agad sa daan, napakurap ako habang na nangingiting isinuksok ulit ang cellphone sa bag ko saka siya nilingon ng tuluyan.
"Ok! Eh bakit parang galit na galit ka at parang gusto mong manakal ng tao?"
"Hindi ako galit at talagang gusto ko manakal kasi may mga tao talagang dapat sinasakal," walang emosyon niyang sabi dahilan para mapatigil ako saglit bago mapailing dahil halatang may topak na naman ang lalaking ito.
"Teka nga, sino ba nanakit sa damdamin mo at bakit parang gusto mong mangbato ng hollow blocks?" natatawang tanong ko habang pasimpleng sinusulyapan ang mukha niya dahil obvious namang may pinipigilan siyang inis, at sa totoo lang natatawa ako kasi para siyang batang inagawan ng candy sa sobrang sama ng timpla.
Tahimik lang siya sandali bago bahagyang napairap habang madiing hinigpitan ang hawak sa manibela. "Wala. May mga tao lang talaga ngayon na masyadong close sa hindi naman nila dapat ka-close. Nakakairita tignan."
"Edi wag mong tignan," sinulyapan niya ako ng masama kaya napa hagalpak ako sa tawa. Sirang sira talaga ang modo ng isang 'to.
"Lab, tuyo kaba?"
"Hindi"
"Sure?"
"Finn," malamig niyang tawag habang nakatingin parin sa daan, "kung gusto mong mabuhay ng matagal tigilan mo akong kulitin."
Napatawa ako nang mahina bago sumandal sa upuan. "Edi wow. Ang sungit mo naman ngayon. Dahil bato sa finals ng Inter-school championship sa friday o sadyang may dalaw kalang ngayon kaya masama na naman 'yang ugali mo?"
Bigla siyang natawa nang pagak pero halatang pilit lang bago ako sinulyapan. "Masama naman talaga ugali ko."
"Hindi naman ah," mabilis kong kontra dahilan para mapatingin siya sakin sandali, "mas lamang lang talaga ang topak mo minsan."
VOUS LISEZ
A Hundred Night and A Thousand Skies
Fiction généraleAfter spending the night together, Finn and Asher try to return to their usual banter, but something has changed. They feel a strange tension, and neither can stop thinking about the night they shared. They both wonder if it was more than just a dea...
