chapter 3: Friends' instinct

Start from the beginning
                                    

“Sige. Para makapagpaalam na ko kay mommy kung makakauwi pa ba ko o sa condo muna ako matulog ngayong gabi.” –sabi naman ni Brye. (Ang bait talaga ng babaeng to. Ayaw na ayaw pinag-aalala si tita.)

*bubbles ringtone – Jee’s phone

Coz. Your band should be here before 8pm. Your gig will start at 9. Di pala kayo ang last na tutugtog kasi meron akong friend na nag-recommend sa isang band. And they all good looking that I’m sure the crowd will go crazy. One of them named Stephen Joe Hernadez and he’s the lead singer. I just informed you because I heard that he will be your schoolmate next sem. See you later. And hi to Hyuu and Brye nga pala. Ingat!

(Stephen Joe Hernandez? Mukhang may sense nga ang pang-aasar namin ni Hyuu kay Brye. whahahaha)

“Oh friends! 9 daw kami tutugtog so before 8 nandun na tayo at ang bandmate ko para makapaghanda pa kami.” –sabi ni Jee maya maya ng may maisip.

“So your band will not be the last this night?” –Hyuu.

“Yeah. Sabi ni kuya Nathe may nag-recommend daw sa kanya na friend ng isang band na magaling talaga at mabubuhayan ng bongga ang crowd. He also said na gwapo daw ang mga members.” –ngumiti pa siya.

“Baka naman mamaya puro gwapo lang yan, tapos wala naman pala talagang talent.” –Brye. (Hay… kahit kalian talaga tong si Brye. Makarinig lang ng gwapo. Ang bitter!) Di niya naman ito masisisi dahil natuto na ata talaga ang kaibigan niya sa kapatid at pinsan nito na parehong na-broken heart dahil sa gwapo.

“Magtiwala na lang tayo sa pinsan ko Brye. Kilala mo naman si kuya Nathe hindi basta basta o-oo yon ng hindi niya napapatunayan na magaling talaga yung band na yon.” –Sabi niya na lang kay Brye na totoo naman talaga. (Ewan ko ba kung bakit bet ba bet ko yang Stephen na yan para kay Brye. Well, di lang naman ako pati rin si Hyuu).

Kaya nga natutuwa sila ni Hyuu sa tuwing inaasar nila si Brye kay Stephen kahit na di pa nila ito nakikilala ng personal. Nararamdaman kasi nila may mag-iiba kay Brye in a positive way nang dahil kay Stephen. (Maybe it’s called love).

[Hyuu’s part]

Tinabihan ni Hyuu si Jee ng lumabas na ang Prof nila at nagpaalam na magsi-cr si Brye. “Hey girl!” –tawag pansin niya kay Jee.

“Hey hey girl ka pa diyan. Parang ikaw ata ang rapper sating dalawa ha.” –natawa pa ito. (Hay naku!)

“Tawa ka. Dali na, seryoso na kasi." –Hyuu. Naku-curious na kasi siya kung bakit parang kanina pa nangingiti ito at parang may binabalak.

“Bakit?” –Jee

“May binabalak ka no? At kay Brye.” –napapansin niya din kasi kanina na titingin ito kay Brye tsaka ngingiti na parang may naalala.

Napangiti na lang ito tsaka sinabi ang tungkol sa last band na tutugtog mamaya sa bar ng pinsan nito.

“Di natin sasabihin kay Brye na si Stephen ang lead vocalist ng last band na tutugtog, let us her hear and see it for herself.” –kinikilig pang sabi nito.

“Jee, pano kapag nasaktan si Brye in the end? Pano kapag mali pala tayo sa instinct about Stephen? Baka mamaya tayo pa ang maging cause para masaktan si Brye. I don’t want that to happen.” –sabi niya maya maya ng maisip ang pwedeng maging consequence sa pagpapareha nila ni Jee kila Brye at Stephen.

“Hyuu. Naisip ko na din yan. Di naman natin pipilitin ang destiny na sila talaga no. We’re just helping na magkita sila. Hanggang dun lang. After that kapag hindi nag-work then let it be.” –paliwanag nito sa ginagawa nila.

Naintindihan niya na ito. Kilala niya ito at alam niya na tulad niya ay ayaw din nitong masaktan ang kaibigan nila. Mabait kasi si Brye at ayaw na nila itong makitang umiyak pa ulit ng sobra pagkatapos ng mga nangyari nung 3rd year high school sila.

*FLASHBACK

“Why? I even ask God… How does it turned like this? I thought my parents were satisfied with each other… they still looked so in love with each other kahit na nasa mid-forties na sila…” –sabi ni Brye habang umiiyak. Niyakap niya ito at nagsisimula na rin siya maiyak dahil sa sakit ng iyak ng kaibigan. Pumunta si Brye sa bahay nila Jee at tinawagan naman siya ng kaibigan para i-comfort si Brye.

Ngayon lang nila ito nakita umiyak ng ganon kaya naman naiiyak na din sila para dito at sa problemang kinahaharap nito. Sa lahat ng pinahahalagahan ni Brye ay ang pamilya nito iyon. Mahal na mahal nito ang pamilya nito at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip nila ni Jee na isang araw ay iiyak ito ng ganon dahil sa family problem.

Oo at nagkaka-family problem naman ito dati dahil normal lang naman iyon sa pamilya. Pero kahit kailan ay hindi ito umiyak dahil sabi nga nito at maayos din ang lahat. Pero ngayon nga ay umiiyak ito sa kanila at kinukwestyon na din si God kung bakit nangyayari iyon sa pamilya nito.

Tinawagan kasi ni Brye isang beses ang daddy nito at babae ang sumagot. Kaya naman inimbestigahan nito ang ama hanggang sa makita nitong may kayakap na babae ang daddy nito. Hindi pa sinasabi ni Brye ang tungkol don sa mommy nito at hindi pa rin nito kino-confront ang daddy nito.

Hanggang sa nalaman ng lahat ang tungkol doon at nalaman din nila na nagkakamali lang pala si Brye. Ang babaeng sumagot sa cellphone at ang babaeng kayakap ng daddy nito ay long lost tita pala nito. Kapatid iyon ng daddy nito at matagal ng pinapahanap ng daddy nito dahil sa huling kahilingan ng lolo’t lola nito bago mamatay ang mga ito.

*END OF FLASHBACK

Kahit na pagkakamali lang ang mga nangyari na yon sa kaibigan ay ayaw pa rin nila itong umiyak ulit ng ganun dahil kung may mas nakakakilala kay Brye ay sila iyon.

[Author’s POV]

Hello guysezes! Hahahaha. Baliw na ko!!!! Nagagawa ng puyat!!!!

Anyway. Inuna ko na po yung chapter 3 then mamaya na lang po ulit yung chapter 4. Sobrang niaantok na po kasi si ako talaga.

(yawn) ^o^. I really love Birdy and her songs. One of my favorite is ‘Terrible Love’. Pakinggan niyo po. Hihi. Grabe! Adik na ata ako sa mga kanta niya. At dahil ito sa isang kaibigan.

Well here’s about Nathe:

Nathe Cristof Dela Vega (Nathe) >> cousin of Jiminnah. Has a secret crush towards Bryella.

Love and Trivia --hiatus--Where stories live. Discover now