LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE

Start from the beginning
                                    

"I don't think I would be able to stand in front of you if that's the case. Have I told you I love you?"

Nagulat ako ng sabihin niya 'yon. Hindi naman ako nagmadaling marinig ang mga salitang 'yon sa kanya dahil alam ko ang sitwasyon naming dalawa. Ngayong narinig ko na, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko rin alam kung ginamit niya lang ang mga salitang 'yon para lumuwag ang pakiramdam ko o talagang seryoso siya. Hindi ko matantya.

"It takes time for me to say the words 'coz I have to show my gratitude first. I don't want to commit the same mistakes. I don't want to give you promises. I don't want to tell it to you yet dahil alam kong magdududa ka. Instead, I've shown you the real me and the things that I could do, the things that I could give up for us. So, I hope. . .I hope you'll stay, so we could make this work. Nandito na tayo, eh."

Taliwas ang mga sinabi niya sa inakala ko kaya hindi ako makapaniwala. He asked me to stay when I thought he's going to leave me right away. He's giving us a chance to make this work. I felt relief but the pain never subsided. Posible bang masaktan kapag sobrang saya? I guess so.

Hindi ako magiging hipokrita. Sino ba ang ang aayaw kapag ikaw na ang pinili ng taong mahal mo? Pinigilan ko. Pinigilan niya ang sarili niya. Hindi mahirap mahalin si Ren. Kahit sinong babae na mapalapit sa kanya, sigurado ako na malaki ang posibilidad na mahalin rin siya. Nagkataon lang na ako ang nakasama niya nung panahon na walang wala siya. Who wouldn't fall?

Ilang tao na ang nakaharap ko. Inuusig ako dahil sa relasyong meron kami. Pinamumukha sa akin na second choice lang ako, rebound, panakip-butas. 'Yon yung mga pagkakataong kung wala lang akong pagtitimpi ay napakasarap atang maging kriminal.

"See? Tama ako. Sinulot mo ang pinsan ko sa kaibigan ko." Naniningkit ang mata ng pinsan ni Ren habang nakatingin sa akin.

Wala akong ibang ginawa kundi patuyang ngumisi. Sino ba siya sa akala niya? Porke ba pinsan niya si Ren ay may karapatan na siyang pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi ko ata 'to mapapalampas. At mukhang hindi siya aware sa kasalanan niya noon. Pathetic.

"Ang tapang mo naman atang humarap sa akin pagtapos ng ginawa mo."

Sandali siyang natigilan ngunit agad ring dumiretso ng tayo. Kating-kati na ang kamay ko na sampalin siya pero gusto kong magsalita muna. Gusto ko ibalik sa kanya ang mga paratang.

"Ikaw yung klase ng tao na naniniwala sa kung ano ang nakikita mo. Ang galing mo ngang mag-conclude, di ba? Bakit hindi ka na lang maging manghuhula? Total naman mukhang masaya ka kapag ginagawa mo 'yan."

Tumiim ang bagang niya at humigpit ang hawak niya sa kanyang bag. Sarkastiko ko siyang nginitian.

"Bakit? Galit ka na? Mahirap bang tanggapin na ikaw ang nakasira sa relasyon ng pinsan mo at sa tinuturing mong kaibigan? Ang papel mo kasi. Pakiramdam mo ata porke't malapit ka sa kanilang dalawa, pwede ka na makialam? Ano ka? Councilor? Chaperon nila Ren at Rhea?"

"Kahit ano pang sabihin mo, naging kayo pa rin ni Ren." Mariin niyang sambit.

"Yes." Unti-unting numinipis ang pasensya ko. "Pero sana naisip mo na kahit naging kami man o hindi, ikaw pa rin ang unang sumira sa kanila. And you call yourself Ren's cousin when you didn't even let him explain? I bet you poisoned his ex-girlfriend's mind. Mukhang proud na proud ka pa, ha? I wonder if he feels the same na pinsan siyang ubod ng sawsawera. Kung hindi mo pinairal ang gano'ng ugali, di sana ay sila pa rin at walang kami."

Namula ang mukha niya at kumislap ang kanyang mata. Akmang hahakbang siya papunta sa akin at inunahan ko na ng salita.

"Ano? Nasaktan ka na? Nag-sink na ba sa'yo kaya gusto mo na akong saktan ng pisikal? Ikaw na nga ang may atraso, ikaw pa ang galit? Nakakaawa ka. Galit rin ako at hindi ako takot na bangasan ang mukha mo but that's just a waste of time. Bakit pa ako magsasayang ng lakas para sa mga tulad mong hindi maka-move on?"

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now