Chance
Ibubulsa ko ba o ibabalik? Sabi ng inner angel ko, ibalik ko raw kasi mabait akong tao. Ayaw ko namang maminusan sa langit. Minsan na nga lang magpakasanto. Tsaka malay mo social experiment pala 'to, 'di ba? Nakakahiya naman, baka bukas viral na 'ko.
Lumaki ang hakbang ko para habulin 'yung lalaking nauna sa 'kin. Naka-fitted black top siya at loose gray pants, dinagdagan pa ng leather jacket at edgy accessories. Simple lang sana 'yung pormahan niya pero grabe 'yung dating - parang lalaking hindi mo basta makakalimutan.
"Kuya! Wallet m—"
Naputol ang salita ko nang bigla siyang humarap, ang talas ng tingin at nakabusangot pa ang mukha. Wow. Nagmamagandang-loob na nga ako, parang kasalanan ko pa? Sana pala pinang-Milk Tea ko na lang 'yung laman ng wallet niya.
"Sorry, you're not my type."
Sabay talikod at lakad palayo na parang bida sa teleserye. He left me completely stunned.
Tangina mo po?
Ang kapal ng mukha, grabe! Mukha ba akong nagtatapat ng pag-ibig sa gitna ng daan?
Huminga ako nang malalim. Inhale. Exhale. Kalma, self. Mabait kang tao. Hindi tayo nananakit ng kapwa... pero sana masagasaan siya ng bike mamaya.
"Yung walle-"
Hindi ko na naman natapos sasabihin ko dahil tumigil ulit siya sa paglalakad at nilingon ako, isang kilay ang nakataas.
"I know I'm your type, but I don't like you."
Lord, paki-explain kung anong klaseng chemical imbalance sa utak ang meron sa lalaking 'to para mag-assume na type ko siya. O baka hindi chemical imbalance 'to, baka sadyang makapal lang talaga ang mukha niya?
Pagkasabi niya non, naglakad ulit siya palayo.
"YUNG WALLET MO KASI, TANGINA MO!!" sigaw ko sa buong lakas ng baga ko.
Right after kong sumigaw, doon lang nag-sink in sa akin na punuan ang sidewalk. Agad kong sinampal ang sarili kong bibig sa hiya habang nakatingin sa akin ang mga tsismosong dumadaan. Kung puwede lang lamunin ako ng lupa..
"Uh... wallet?" Pagtataka nitong tinignan ako.
Agad niyang kinapa bulsa niya para tingnan kung nando'n pa wallet niya. Napunta tingin niya sa hawak ko.
"Why are you holding that? What, are you a thief or something?"
Napagbintangan pa nga.
Sige, 'wag ko na kayang ibalik? Ba't ko pa kasi sinundan 'tong bakulaw na 'to? Dapat pala ginastos ko nalang, eh. Antaba pa naman ng wallet niya. Pautang nga! Tutal parehas naman kayong makapal.
"For your information, kuya, wala akong ninanakaw. Nahulog 'tong wallet mo," sabi ko nang may diin sa bawat salita. "'Wag kang mangbintang kung wala ka namang ebidensya. And lastly, hindi rin kita type. Kahit pogi ka, maangas pumorma, matangkad, at maputi-
may standards pa rin ako, 'no!"
"Give me my wallet back." Inilahad niya ang kamay niya, mukhang pikon na.
Tinitigan ko muna ang kamay niya bago ako ngumiti nang nakaka-asar.
"Aw, kawawa naman ang baby. 'Please, master' muna, dali," pang-aasar ko, sabay urong ng wallet nang konti para hindi niya maabot.
Napakunot-noo siya habang nakatingin sa 'kin.
Napahalakhak naman ako sa reaksyon niya. Mukha na siyang Angry Bird na pinagkaitan ng tadhana sa sobrang kunot ng noo niya. 'Yung dating seryosong mukha na pang-model ng pabango, ngayon mukha nang mascot na nalugi.
YOU ARE READING
When the Hurricane Melts
General FictionRAINBOWS AND BUTTERFLIES#1 bl story | on-going raven & zyler
