Activity #2: Introduction to Outlining and Structuring

44 0 0
                                    

Plot

Exposition

Si Andy ay isa nang ulila ngunit ganumpaman, masaya siya dahil nar'yan naman ang kan'yang matalik na kaibigan at nobyo na walang sawang sumusuporta sa kan'ya.

Rising Action

Pagkatungtong sa ikalabing-walong taon ni Andy, nalaman niya ang tunay niyang katauhan pati na rin ng ilan sa malapit na tao sa kan'ya. Nalaman niya rin ang tunay na katauhan ng kan'yang mga magulang at maging ang propesiyang nag-udyok sa mga ito upang siya'y abandunahin ng mga ito. Ito ang naging dahilan upang sumama siya sa magulong mundo ng Arcadia at makapaghiganti.

Climax

Nalaman ni Andy ang tunay na motibo ng kan'yang nobyo at matalik na kaibigan; ang gamitin siya laban sa kan'yang mga magulang. Hindi rin siya makapaniwala sa kan'yang nasaksihan at sa kapangahasaan ng dalawang ito sa kan'yang likuran.

Falling Action

Maibubunyag na sana ni Andy ang katotohanan sa kan'yang tunay na mga magulang at mapipigilan na sana niya ang kasamaan ng kan'yang nobyo at kaibigan. Ngunit, sa kasamaang palad, nadakip siya ng mga ito. Lahat ng ikinakatakot na mangyari ni Andy ay mukhang mangyayari na dahil nasa kalaban ang kanilang alas, walang iba kung 'di siya.

Conclusion/Denouement

Dumating sa punto na nais na lamang magpatiwakal ni Andy upang matapos na ang lahat, iyon na lamang ang tanging naiisip niyang solusyon. Ngunit may isang taong sumagip sa kan'ya na hindi niya inaasahan at naging daan upang maipanalo ng kan'yang pamilya ang digmaan. Dahil din sa pagkapanalo nila,  nagdulot ito ng kapayapaan sa buong mundo ng Arcadia na matagal na nilang inaasam.

Conflicts:

Internal

Man vs. Self

Ang pagkalito ni Andy kung alin nga ba ang kan'yang papaniwalaan; ang kan'yang mga magulang at ang nakikita niya o ang mga sinasabi ng kan'yang matalik na kaibigan at nobyo.

External

Man vs. Man

Pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan sa mga makasariling tao na may masamang hangarin at layunin na nagdulot ng matinding kaguluhan.

Man vs. Society

Pagkakaiba ng mga paniniwala at hangarin ng dalawang kaharian na nagdulot ng kaguluhan sa buong mundo ng Arcadia.

Theme:

- Poot at Galit

- Mapanlinlang na mundo

- Pagtitiwala

- Pagmamahal

Setting:

Lokasyon
Maynila at Arcadia

Panahon
Kasalukuyan

Characters:

Protagonists

Andy E. Familiaran / Prinsesa Andromeda  - isang ulila ngunit hindi iyon naging hadlang upang maging masaya siya.

Prinsipe Sky - kanang kamay ng hari ng Atlantia at ang lalaking naging kaibigan ni Andy habang namamalagi ito sa Atlantia.

Antagonists

Basty F. Pueda / Prinsipe Sebastian - nobyo ni Andy na nagbigay ng isang napakagandang ilusyon ngunit isang kasinungalingan sa prinsesa.

Elise G. Montenegro / Elizabeth - kaibigan at kasabwat ni Basty sa kan'yang tunay na motibo kay Andy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon