Chapter 1

10 0 0
                                        

Summer season ibig sabihin kaliwa't kanan ang reunion sa pamilya ni Luna Velaso at

gustuhin niya mang hindi umattend ay talagang hindi puwede. Dahil bukod sa nando'n

ang mga tita at tito niyang palaging may say sa lovelife niya, hindi rin talaga sila

papayag na wala siya.

"Luna, anak... kailan ka ba mag-aasawa?"

Ngumiti si Luna habang nilalagyan ng yelo ang baso ng iced tea ni Tita Belinda -self-

appointed Chairman of the Committee on Love Life. Reunion na naman ng pamilya nila.

Buong angkan ay present. Ibig sabihin ay tungkol sa love life niya na naman ang

highlight.

"Hindi pa po priority, sa ngayon tita" sagot niya sa kalmadong boses kahit gusto na

niyang sumigaw sa inis.

"Thirty ka na, hija. Sa edad mo ay dapat may plano ka na tsaka sayang ang ganda mo."

Dagdag ng isa pang tita niya na si Tita Amor.

"May plano naman po," matipid na sagot niya na may pilit na ngiti sa mukha.

"Talaga? Kailan at ng mapaghandaan namin?" Masayang tanong ni Tita Belinda.

"May plano po akong mag-expand ng café pero sa pag-aasawa po ay wala pa sa

ngayon." Nasamid ang Tita Carlota niya na asawa ng Tito Ramon niya dahil sa sagot

niya sa kanila.

"Hindi 'yon ang tinatanong namin. Boyfriend. May boyfriend ka ba?" Singit ng Tito

Ramon niya.

"Wala po."

"Bakit wala? Masyado ka bang choosy? O masyado kang busy?" Hindi niya alam kung

matatawa ba siya sa mga tanong nito sa kanya o maiinis kasi ito at ito na lang tanong

nila tuwing reunion.

Napangiti si Luna bago sumagot.

"Busy po talaga."

"Hija, walang titi ang kape. Hindi ka mabubuntis kung puro kape na lang ang nasa isip mo." Biro ni Tita Belinda, sabay tawa.

"Que Horror, ate!!" Natatawang komento ni Tita Carlota.

May ilang nakitawa. Pero siya? Gusto nang magtago sa ilalim ng mesa.

"Huwag kang mag-alala, Luna. May irereto ako sa'yo, seaman 'to. Anak ng kumapare ko. Galing sa maayos na pamilya, may stable na income at maayos na trabaho. Hindi nga lang kasing gandang lalaki ko pero ayos na 'yon." Pagbida ng Tito Ramon niya sa kung sino man ang lalaking 'yon.

"Ako rin may irereto sa'yo, hija. Haciendero ito, anak 'to ng pinagkukuhaan namin ng buko para sa buko pie namin sa Laguna. May coconut plantation sila at ito ang nagmamanage. Kaso may isa itong anak. Pero ayos lang 'yon just in case palyado na ang matres mo eh di may instant ka ng anak. Sabi naman ng Tita Amor niya."

Lord, bigyan Mo po ako ng fiance kahit pang-display lang. At doon siya nadulas bigla...

"Meron po. Meron po talaga akong boyfriend at ang totoo po niyan ay fiance ko na po siya nahihiya lang po akong mag-sabi."

Natahimik ang buong mesa. Parang hindi sila makapaniwala sa narinig nila.

"Meron?" ulit ng Tita Belinda niya na kitang-kita ang gulat sa mukha.

"Opo. May fiance na po ako."

"ANO?!" sabay-sabay nilang tanong sa kanya. Natatawa siya sa mga reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili niya.

"Oo po. Writer po siya. Busy lang ngayon kaya hindi nakasama." Sa utak niya ay iniisip niya kung bakit writer ang nasabi niyang trabaho ng fiance niya. Is she thinking of someone?

"Writer? May pera ba sa pagsusulat?" Ulit ni Tito Ramon na para bang nagku-compute na agad ng sweldo sa isip.

"Depende po sa kung gaano ka-in demand at kagaling ang writer," sagot ni Luna, sabay inom ng juice para hindi mahalata ang kaba niya.

"Sa makalawa may reunion ulit tayo sa Batangas, sa mga tiya at tiyo namin doon. Baka puwede mong isama ang fiance mo at ng makilala namin." Sabi ng Tita Amor niya.

Sa isip niya ay nagbibilang na siya ng mga araw. May more than two weeks pa siya sa paghahanap ng magiging "fake fiance" niya.

"Tita, baka po may deadline siya niyan hindi po muna ako magku-commit na pupunta kami pero sabihin ko na po sa kanya."

"Ay bakit hindi? Dapat pumunta siya..hindi ba mahalaga sa kanya na makilala ang pamilya ng magiging asawa niya?" Sabi naman ni Tito Ramon na sinang-ayunan ng mga tita niya.

"Hindi naman po sa gano'n kaso ay baka may deadline po siya pero sige po sasabihan ko po siya."

Tumayo ang Tita Belinda niya at lumapit sa kanya at niyakap siya nito.

"Alam mo ba hija pinagnonovena kita para makatagpo ka na ng lalaking papakasalan mo. Mukhang binigay na ni Lord ang panalangin ko. Congratulations sa'yo at sa fiance mo."

Alanganing napangiti si Luna. Saan siya ngayon kukuha ng fiance?

Sa loob-loob niya:

Congrats, Luna. Engaged ka na pero ang tanong sinong lalaki ang papayag na maging fake fiance niya?

Kape, Kontrata, at Kaunting Pag-IbigHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora