Chapter 18

1.4K 16 14
                                    

XVIII. Ang gulo!!!

Breathe in... Breathe ouT... Ah peste! Panu ba magpatahimik ng heartbeat na bongga kung magwala?

Hindi Psyche... Kaya mo yan. Stay cool! Kahit feeling ko eh sinisilaban na ako dito.

"a-anong pauso yan sir? Type mo na ko?" sa wakas eh nasabi ko nung maibalik ko yung composure ko. Dapat hindi ako magpadala sa kanya. Baka kasi todo na ang kilig ko,tapos pinagtitripan lang pala niya ko. Pahiya ang beauty ko pag nagkataon. Teka? Kilig?! San galing yun?

"a-asa ka naman!" narinig kong sabi niya bago ako tumilapon palayo sa kanya.

"aray naman! OA ka makatulak ha? Napaghahalataang guilty ka.." ayan... Umaayos na si heart. Mabuti naman. "may gusto ka na sakin noh?"

"don't jump into silly conclusions,will you? Haven't you heard about hang overs?" nakasimangot na sabi niya bago ako tinalikuran at lumayas ng kitchen.

"hala nagwalk-out? Abnoy" then relief came flooding in. Napahawak ako sa dibdib kong kanina pa nag-iingay. "isa ka pang abnoy ka! Shut up!" 

***

mukhang nasapian lang talaga siya kaninang umaga. Ngayon kasi daig pa niya ang nasa late fifties na nasa menopausal stage kung makasimangot.

"makipag-ayos ka na nga riyan sa pinsan mong pinaglihi yata sa sama ng loob! Kung nakamamatay lang ang tingin,bulagta na tayong lahat ngayon" sabi ko kay Lawrence nung nasa bukid na kami. And true enough, kulang na lang eh magbuga na ng apoy si Nico sa lahat ng nakakausap niya. Mabuti na lang pala at di niya ko kinakausap.

"hayaan mo siya. Besides,may dahilan naman siyang magalit" sagot naman ni Lawrence na nagpakunot sa flawless kong noo.

"anung sabi mo?"

"Wala,sabi ko ang ganda mo"

"eh?"

"kung nandito lang kayo para magligawan, pwede umuwi na lang kayo"

bigla yung lingon ko sa likod ko. Bat di ko man lang naramdamang may impakto na palang nasa likod ko.

"why so grumpy insan?" nakangisi pang sabi ni Lawrence. Ang sarap batukan! Bad mood na nga ang abnormal niyang pinsan mukhang gagatungan pa niya.

Mukha namang wa epek kay Nico ang pambubwisit ng pinsan niya at cool na cool pa ring kumuha ng bottled water.

"lahat ng trabahador dito, nagbabanat ng buto. Why don't you try working just like everybody else?" cool na cool na sabi ni Nico.

"sorry but i'm nOt a worker here? Bakit ako gagaya sa kanila." nakangisi pa ring sabi ng lawrence. Kahit nakakaloko yung ngiti ni lawrence, nakikipagsukatan pa rin siya ng tingin sa pinsan niya. Ayan na naman po sila. Naiimagine ko naman tuloy na may mga kuryenteng lumalabas sa mga mata nila. Whew...

"Nico sweetheart!"

naputol ung electrifying stares nila sa isa't isa nung marinig namin ang malanding boses na yun.

Kasunod niyon ang malasawang pagpulupot ng kamay ng bruha sa braso ni Nico.

Pano ba bumuga ng apoy?

"bakit mo naman ako iniwan?" maarteng sabi pa ng 'sawang' nag-anyong babae aka Adella.

"hindi mo naman gusto dito diba?" ever hinahon pa ang pagkakasabi ng lolo.

"hindi ah? Sinong may sabi?"

tinignan ko siya mula ulo hanggang paa... 3 inch na takong? Ano ba tingin niya dito,catwalk?

"sana sinabi mo naintay sana kita" at nagsmile. Teka,nagsmile?! Magugunaw na ba ang mundo?

Mukha namang na-excite ang bruha at lumapad lalo ang ngiti.

"bawal pala ang magligawan ah?" pabulong na sabi ko.

"you were saying?" ay narinig!

"naku wala sir. Gusto niyo ba ng sandwich?" sabay flash ng plastik na ngiti. Like... Paki ko ba sa kanila... Magsama sila! Hay!

***

"magtrabaho pala ha? Trabaho ba yan?" bubulong bulong pang sabi ko habang nakamasid sa nakakasukang pagpapasweet ng dakilang sawa at ni Nico habang kumakain ng sandwich. Bakit nga ba nakalimutan kong lagyan ng lason ang mga sandwiches na yun.

"maawa ka sa bato,hindi gaganti yan" narinig kong comment ni lawrence na nakaupo pa rin sa tabi ko.Saka ko lang napansin ang panggugulping ginagawa ko sa pobreng batong nasa harap ko. "ano ba kasing pinagmamarakulyo mo riyan?"

"ah wala. 'to kasing pesteng batong to! Haharang harang sa harap ko" sagot ko. "ikaw kasing bato ka,lumayas layas ka sa harap ko kung ayaw mong masipa kita ng ganito... At eto pa!" sige na naman ako sa panggigigil sa pobreng bato.

Narinig kong tumawa yung adik sa tabi ko. Lalo tuloy akong nanggigil sa ginagawa ko. Tawanan ba naman ako?

"tama na nga yan"Naramdaman ko naman ung paghawak niya sa braso ko at hinila ako paupo sa tabi niya. "kung gusto mong makaganti,wag mong ibunton sa bato okay? May alam akong mas magandang paraan." tinaas-taas pa niya kilay niya habang nakangisi.

"t-teka,anOng makaganti? Sino may sabing gaganti ako? At kanino?" pagdedeny ko naman.

"tsk... Tsk... Basta makisakay ka na lang okay?" tapos inakbayan niya ako.

"T-teka!"dulot ng aking reflexes eh napaiwas ako kaya lang sa kitid ng bench na kinauupuan namin eh di ko napansin na nasa dulo na ko hanggang sa hangin na lang ang kinauupuan ko.

"ah!"

"Psyche!"

sa sobrang bilis ng mga pangyayari eh wala na akong nasundan. Basta ang ending, Lawrence was on top of my body habang nakaalalay ang isa niyang kamay sa back ng ulo ko. Napatunganga na lang tuloy ako sa guwapong mukha niya. 

"are you okay?" tanong niya sakin,bakas sa mukha ang pag-aalala.

Ako namang tulala at speechless pa din sa lapit ng mukha niya sa mukha ko eh napatango na lang.

Kasabay niyon ang pagbagsak ng kung ano na narinig naming dalawa ni Lawrence.

Napalingon tuloy kami.

Ang pagtayo at paglakad palayo ni Nico sa kaninang kinauupuan niya ang nakita namin. 

"sweetheart,bakit--?"

"nawalan na ko ng gana" then he left.

Eh?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strangers Match-upWhere stories live. Discover now