Prologue

20 2 1
                                        

Welcome to Manila!

Sobrang sakit ng likod ko sa byahe. Pati ulo ko, ansakit! Sanay naman akong mag bus pero alam mo yung nag sabay yung antok at gutom? Ayon hindi na kinaya.

Hingang malalim, may isang Eliora Mae Flores na sa Manila!

Tinawagan ko na si Ate Grace, pinsan kong nag s-stay dito sa Manila, sabi niya kasi kapag naka baba na ako ay tawagan ko siya.at susunduin nila ako ng kaniyang baby girl na si Kyla! Ang aking cutie patutie na pamangkin! Miss na miss ko na nga 'yon eh

Sinagot naman ka-agad ni Ate yung tawag. "Oh ano? Buhay ka pa?"

"Terminal na po ako! Kakababa lang po" sagot ko sakaniya. "Siyempre no? Buhay na buhay pa, baka Eli 'to!"

"Sige sige punta na ako" aniya at pinutol na yung tawag.

Umupo na muna ako sa waiting dito sa terminal ng bus. Dito kasi ako sa Manila mag co-college, sa Starlight University ako nag enroll. Bachelor of Science in Accountancy ang kinuha kong course. Parang si Ate Grace, sa banko siya nag tra-trabaho at maganda ang trabaho niya roon. Malaki rin sahod!

Gusto sana ni Mama, Tourism o kaya Culinary, ayun lang... Hindi ako marunong mag luto. Masiyado ring mahal ang Tourism. Isang kainan lang naman ang meron kami sa Bulacan. Dinadayo rin kami kasi masarap ang pagkain, nasa generation ng side ni Mama ang masasarap mag luto. Nahinto na yata kay Mama kaya hindi na naipasa sa'kin. Tapos si Papa naman, nasa abroad, sa Japan. Ano siya doon, driver. Doon rin kami minsan nag ne-new year kapag hindi maka uwi si Papa.

May bumusina na sasakyan, halos malaglag ko cellphone ko sa gulat, nag s-scroll lang kasi ako sa Instagram, tamang chismis. Si Ate Grace na pala anjan na siya, dali-dali kong hinatak yung dalawang suitcase kong dala at inilagay 'yon sa likod. Umupo na rin ako sa Passenger seat ni ate.

"Sorry ah, hindi na kita nasundo sa Bulacan. 'di pa kasi sanay si Kyla sa byahe eh." saad niya nang makaupo na ako.

Inaayos ko yung seatbelt ko "Okay lang po ate, kaya ko naman po mag commute". Tinignan ko naman si Baby Kyla sa likod "hi babyyy kylaaaa koo I've missed you!"

"Pita!" Masigla niyang saad at tinaasan niya pa yung dalawa niyang kamay. Natawa naman ako, she's 2 years old, bulol pa rin

Dalawang suitcase lang ang dinala ko for clothes at mga libro ko. Shared condo ang nirentahan ni Papa sa Moon Residence. Fully furnished na rin naman na yung condo kaya less hassle na, more gastos naman.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Ate sa akin habang nasa daan ang focus niya

"Breakfast? Opo" sagot ko sakaniya, actually 'di talaga kumakain ng breakfast kasi wala lang, wala ako gana e. Pero kasi pinilit ako ni Mama

"Baliw, lunch time na kaya! Kain muna tayo" si ate natawa pa "kahit kailan ka talaga, baka sa condo mo hindi ka kumain nako sumbong kita kay Tita" pabirong banta niya pa

Natawa na rin tuloy ako. 18 na ako at si ate nasa 30 na. Taray no? 12 year age gap pero close? Siya kasi nag ba-bantay sa akin noon kasi busy si Mama sa kainan namin, close rin ang mama naming dalawa kaya ayon close rin kami. Si mama naman ang bunso sakanila.

"Kyla, where do you wanna eat?" Tanong niya kay Baby Kyla habang tinignan siya sa salamin.

"Jabili!" Masiglang sagot ni Kyla

"Okay lang sa'yo?" Tanong niya naman sa'kin

"Go lang, ate ano ka ba? Basta libre mo" pag bibiro ko sakaniya

She rolled her eyes playfully "oo libre ko, pa good luck ko sa college life mo"

Kumain na muna kami sa Jollibee pagkatapos ay hinatid na muna namin si Kyla sa kaniyang Papa para mabantayan.

"Good luck sa college life mo, Eli!" Saad sakin ng Papa slush asawa ni Ate Grace na si Kuya James bago kami umalis.

College sweethearts 'yan sila ni Ate Grace at Kuya James. Mag kaiba sila ng course pero ayon nga fate happens, nag meet sila, nag date tapos kinasal tapos ayan! May baby girl na! Sana all 'di ba? Ako rin kaya? Choss!

Pumunta na kami sa Moon Residents. Saktong nag text yung may ari ng Condo na si Ms. Kristina, nasa may Lobby raw siya

"Ms. Kristina?" I called out to a girl who's around 40's na naka upo sa may couch, palapit na rin kasi kami

"Oh yes, there you are" she stood up and glanced at me smiling para batiin kami

"Eliora Mae Flores" I said and handshakes her.

"Grace, her guardian here and cousin" she said and nag handshake rin sila

Miss Kristina toured us around the building. Mayroong outside pool, Kung saan p'wede mag invite ng friends or families kapag gagamitin 'yon. May outdoor Gym rin, open for all rin siya, guests or residents. Next sa 2nd floor, may indoor pool and gym, exclusive for residents only, mag sa-sabi lang sa Admins. Then may laundry na rin, para hindi na mahirapan mag laba-laba. 28th floor nga yung condo tapos B. Bali Unit 28-B ako.

Si Ate Grace na ang nakipag usap tungkol sa securities and whasoever pero nakikinig naman ako ah, pati about sa roommate ko. Parehas kami nagulat na lalaki pala roommate ko pero may separate bedroom naman.

Nasa unit na kami ni Ate, chinecheck nya lang yung unit. Ininform lang rin kami ni Miss Kristina na one year minimum rent rito at umalis na rin siya and she also wishes me na maganda ang maging tuloy ko dito.

"I think everything's good" si ate grace habang nag titingin sa paligid. "Lock your doors if you sleep and introduce your roommate to me if you guys get close" she reminded me gently

"Opo Ate" I said

"Oh siya, mag pahinga ka na. Baka umiiyak na rin si Kyla" pag paalam niya

Niyakap ko siya at nagpasalamat ako sakaniya bago siya tuluyang umalis.

I crossed my arms and entered the room on the left. I settled my things there. Yung isang kwarto kasi naka lock, baka ayon na kinuhang kwarto ng kasama ko rito.

Lumabas ako para uminom ng tubig and nagulat ako ng dumating na yung roommate ko. Matangkad siya at bulky ang build, baka jersey rin siya at may hawak na duffled bag. Basa pa yung buhok niya.

"Uh hi, I'm eli-" I stopped when he interrupted.

"Who are you? And what are you doing here?"

Aray, Englishero. Mag papakilala na nga ako umepal ka lang!

"Ay hehe, Eliora. I'm Eliora, bago mong roommate" pagpapakilala ko na medyo awkward yung tono

"Tch" siya sabay lakad palagpas sa akin sabay deretso sa kwarto niya

Huwaw. Okay. Mukhang hindi kami mag kaka sundo?

I took my water and drank it, nakasalubong ko uli siya papunta siyang CR, tuloy tuloy pa rin at hindi namansin.

Edi 'wag mamansin, natatapakan ko ba pagkatao mo.

Ayaw niya talaga beh eh, sige. Huwag na, akala ko ba naman magiging best friend ko ang roomie ko. Parang pang Enemy pala!

Pumasok na lang tuloy ako sa kwarto ko at natulog, bukas na ako mag u-unpack, at ako'y super duper ultra mega pagod na talaga tapos mashungit pa yung housemate ko dito, or baka ayaw niya ng housemate? Overthink yarn?

Shared Spaces, Interwined HeartsHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora