CHAPTER 25

22 3 0
                                        

"Nag-away ba kayong dalawa?" Mahinang tanong ni Lola sa akin.

"Po? Hindi po." Kunot noo kong sagot.

"Mukhang may problema kanina pa tahimik eh." Bulong naman ni Papa.

Napatingin ako kay Jerem na nag huhugas ng pinggan. "Susubukan ko po siyang kausapin. Nitong nagdaang araw po kasi hindi ko po siya nakakausap eh." Tumango lang sila at kumain na ulit kami.

Ano kayang problema niya?

Nag-away ba kami?

May nagawa ba ako?

Bakit parang ako lang ang hindi niya pinapansin?

Dahil ba 'to kay Ian...?

Sino 'yung babae na 'yun? Hindi ko pa siya nakikita dati. Hindi manlang pinakilala ni Jerem...

Ngayon naman ay araw na ng paggawa ng props, katatapos lang namin. Ang sakit ng likod ko. Tahimik akong nag gugupit ako ng karton at nakaupo sa sahig.

Tatlo lang kaming naiwan ngayong gumagawa ng props dahil lahat sila lumabas ng classroom para bumili at kumain. Next week kasi lesson na naman kami tapos next week non gawa ulit props tapos lesson ulit.

Umupo si Ian sa harapan ko pero hindi ko na pinansin. "Salonpas?" Nakangiting inilahad ni Ian ang salonpas sa harapan ko.

"Thanks." Ngumiti ako sa kaniya at kinuha 'yon.

"Want me to do it?" Umiling kaagad ako.

"No need, nandiyan naman si Jerem." Turo ko kay Jerem na nasa tabi ko at kasama kong naggugupit ng karton.

Humarap ako kay Jerem habang hawak ang salonpas na ibinigay ni Ian habang nakahawak sa braso niya. "Jerem, puwedeng ikaw 'yung maglagay nito?-"

"Jerem!" Napatingin kami nang dumating ulit ang babae kahapon, nandoon siya sa pinto ng classroom na kumakaway kay Jerem.

Sino ba 'to...? Bakit parehas kami ng nickname sa kaniya?

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong salonpas habang nakatingin kay Jerem na masayang naglalakad palapit doon sa babae. Inabutan pa siya nito ng juice at potato corner.

"Nakakainis..." Bulong ko.

"Looks like he's busy." Napatingin naman ako kay Ian nang magsalita siya habang nakatingin sa dalawa.

"'yaan mo na, ipapalagay ko na lang mamaya kay Lianne pagdating niya." Ngumiti ako nang pilit at inilagay sa bulsa ang salonpas.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya, "why?"

"Tinatanong lang kita, baka mamaya gutom ka na pala kasi lahat ng kasama mong officers sa section at strand mo umalis na eh." Pagdadaldal ko at kinuha ulit ang gunting na nasa harapan ko at ang karton para ipagpatuloy ang pagugupit.

"How about you?" Tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at bumusangot.

"Gutom na..." Sagot ko at humawak sa tiyan ko.

Natawa naman siya nang mahina, "let's go. My treat." Ngumiti siya sa akin.

"Sige ba!" Excited akong tumayo.

"Gusto ko nung carbonara." Tinuro ko ang tatlong carbonara na natitira.

"3 carbonara po." Agad na sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Huy!" Mahina kong hinatak ang braso niya para paharapin sa akin. "Makakain mo ba lahat 'yan?!"

"No. But you can. Two for you." Sagot niya at nagbayad.

Love the Player not the GameStories to obsess over. Discover now