CHAPTER 22

23 4 0
                                        

KINAUMAGAHAN

Nagising ako nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin, nang imulat ko ang mata ko nasinag ako sa liwanag at si Asher nasa harapan ko.

Don't tell me....

"Good morning, ate!" Masayang bati ni Asher, ngumiti ako sa kaniya.

"Good morning baby." Masayang bati ko.

Nasa kuwarto nga ako nila Jerem, binantayan ko lang siya at hindi na nakapag hapunan. Nang babangon na ako naramdaman ko ang brasong nakayakap sa akin tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Jerem na mahimbing pa ang tulog at nakayakap sa akin.

"Saan pala kayo natulog kagabi?" Tanong ko kay Asher na nag tatakang nakatingin sa akin.

"Kay Ate po."

"Ate?" Kunot noo kong tanong.

"Lianne. Sa kuwarto mo po." Sagot niya pa ulit.

FLASHBACK (Lianne's POV)

"Ate, I'm sleepy." Ashley said, looking up at me while hugging her Barbie. Her eyes were almost closed.

"Ako din po Ate..." I looked down at her and Asher. He was also holding a glass of milk. It was already 9 pm and Bri and Jerem hadn't come down yet.

Now I looked like a nanny of their kids!

"Okay, let's go upstairs na," I smiled at them and led the way upstairs.

When we got there, I slowly opened the door. What we saw was Jerem hugging Bri on the bed, they are sleeping.

ALREADY! LIKE? WHAT THE FCK? THEY DIDN'T EVEN INFORM ME NA I'M GOING TO TAKE CARE OF THESE KIDS TONIGHT??

"Oh..." I slowly closed the door. I crouched down. "Ate Bri and Kuya Jerem are already sleeping. Let's not disturb them, okay?" I smiled at them and they just nodded.

"Let's sleep in Ate Bri's room. I'll sleep with you guys for tonight."

"Okay po," masiglang sabi ni Ashley at Asher.

END OF FLASHBACK

"Ay..." Napasapo ako sa noo ko. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Jerem na nakayakap sa akin pero humigpit pa mas lalo 'yon.

Gising na 'to panigurado.

"Bangon na, tinanghali na tayo ng gising." Tumingin ako sa kaniya.

"Sakit ng ulo ko..." Nakapikit na sabi niya, napangiwi na lang ako.

"Nag umagahan na kayo?" Tanong ko kay Asher na nakangiting nakatingin sa amin.

"Opo, hinahanap ka po ni kuya Bryce kanina po." Sagot ni Asher at umupo sa gilid ng kama.

"Sige na, baby. Baba ka na, gisingin ko lang si Kuya Jerem mo." Ngumiti ako sa kaniya at tumango siya. Tumakbo siya palabas at sinara ang pinto.

"Jerem, bangon na." Mahinang sabi ko at pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"What happened yesterday...?" Tanong niya.

Nanahimik ako saglit, hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang nangyari o huwag na lang.

"Wala, natulog ka."

"Wala akong sinabi?" Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin, inalis niya rin ang pagkakayakap niya sa akin.

"Wala. Jerem, nagugutom na ako. Babangon na ako."

"Sabay na tayo." Malambing na sabi niya.

"Mauuna na ako bumaba." Paalam ko at nag madaling umalis.

Love the Player not the GameStories to obsess over. Discover now