"Bukas na pala uwi ni Tito ah," sabi ni Lianne at kumuha sa chichirya na nasa mangkok. "Surprise natin si Tito tomorrow?" Suggest ni Lianne.
"Puwede naman," sagot ko kaagad at tumango. "Susunduin namin siya ni Lola."
"Ipapasundo ko na lang siya kay Mommy at Daddy," singit naman kaagad ni Lianne. "Then us, mag prepare tayo!!!" Excited na sabi niya.
"Daming alam ng misis ni Matt." Natatawang sabi ni Bryce.
"Aba! You're treating me like that now, Bryce huh?!" Tinignan niya kaagad nang masama si Bryce.
"Joke lang! Peace!" Bawi niya at nakangiting nag peace si Bryce kay Lianne.
"Hoy, wait lang manood na tayo nanonood 'yung tao eh." Tonong naiinis na sabi ni Jerem at plinay ulit ang movie.
"Si Lianne kasi maingay eh." Pang-aasar ni Matt at tumawa.
Pagpatak ng 12 AM mabilis kong inopen ang codm ko at online na kaagad siya, hindi na ako nag hintay pa at agad kong pinindot ang ininvite pumuwesto kaagad ako sa kama ko at dumapa.
Pangalawang invite.
Pangatlong invite.
Invite accepted!
"Hoy! Bakit ang tagal mo iaccept?!" Sigaw ko sa kaniya nang i-accept niya ang invite ko.
"Miss me?" Mayabang na tanong niya.
"Ulol! Napaka kapal mo naman. Uhaw lang ako makaganti sa 'yo!' inis na sabi ko at pinindot ang loadout.
"Napaka in denial naman, tsk!"
"Aba, sira ulo ka pala eh." Pinindot ko na ang start game kahit hindi ko pa siya tinatanong.
Crossfire naman ang map ngayon, sakto lang ang laki puwede na. Marami pa rin akong mahahanap na puwesto rito as a sniper user.
"Tahimik mo ah, hindi mo ba talaga ako nami-miss?" Tanong niya na parang nang-aasar.
"Hindi. Ni wala nga akong pake kung nag eexist ka eh."
"Naf-fall ka lang eh."
Napairap na lang ako. Ayaw kong sayangin ang maganda kong boses sa kaniya.
Aminado akong magaling siya.
Pumuwesto kaagad ako sa building kung saan may malapit na bus. Biglaan siyang sumulpot sa gilid ko at muntik niya na akong mapatay. Pero hindi hitmark lang at agad din siyang nawala sa view ko.
"Where the fuck are you?!"
"Look at the map."
Nang tignan ko iyon nasa likuran ko na agad siya, mabilis ako humarap doon at tinutok ang scope ko sa kaniya at binaril. Nang mabuhay ulit siya lumipat ako sa tabing building.
"Alam ko kung nasaan ka, labas ka na."
Tumingin ako sa paligid ko kung nasaan siya pero wala siya, nang mahagip ng view ko sa labas sa gilid nandoon siya at nakatutok na kaagad ang baril.
BANG!
At bago pa ako maka-iwas nabaril niya na ako...
BANG!
Nag start ulit ang laro, random map lang ulit. At ang map? Snowy. IT'S S U M M I T. How annoying. I really hate this map. Makalipas ang ilang minuto hindi pa rin kami nagkikita.
"STOP RUNNING AWAY!" Sigaw ko sa kaniya.
"Stop hiding."
"DUDE, THIS IS WHAT I CALLED STRATEGY. WHAT'S THE POINT OF USING SNIPER?! DUH!"
YOU ARE READING
Love the Player not the Game
RomanceT A K O T. One word that defines their section. Pres. Brianna because of a rumours that she's a troublemaker back in her old school and her intimidating face makes her and their section scary. Pero ang hindi niya alam ay babaguhin siya ng taong ma...
