Chapter 1

1.6K 69 9
                                                  

Hi. So medyo ngongo ko lang kasi nakalimutan ko maglagay ng author's note kuno sa prologue. Hihi. First ko magsulat ng on-going series. Good luck naman sa utak ko. Hala bira na lang since magiging inactive ako hanggang September dahil... bakit ba ako nag-explain? Parang may pake kayo. HAHAHAHA. :)) Hello. Goodbye. Love you kung sino man makabasa. :D

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ma, una na po ako. Ito na po yung pambayad sa water and electric bills."

"Anak, salamat. Sorry ah? Palaging ikaw na lang ang gumagastos para sa pamilya natin. Wala akong kwentang ina."

"Ma naman! Ano ka ba? Hindi mo dapat sinasabi yan kasi obligasyon ko kayo. Simula namatay si papa nag-promise ako na babantayan ko kayo hanggang sa makatapos lahat ng mga kapatid ko."

"Pero kasi anak masyado mo na kaming iniisip ng mga kapatid mo. Ok lang ba kay Philip yun?"

"Oo naman po, Ma. Mahal niya ako kaya naiintindihan niya." Actually hindi Ma. Yun palagi pinag-aawayan namin pero hindi ko sasabihin, ayokong mag-alala ka.

"Nak, sorry talaga. Kung mayaman lang talaga tayo ngayon... 'lam mo nak, mayaman naman talaga ko nung kabataan ko." Hayy. Ito na naman po kami. Lagi yang sinasabi ni mama. Tinanong ko naman siya kung sino ang mga magulang niya pero sabi niya hindi niya raw alam. 

Malabo si mama. Ampon kasi siya eh so walang nakakaalam ng background niya. Minsan nag-aalala na ako na baka naumpog yung ulo ni mama yung bata siya kaya nagkaganyan siya. 

"Ma, ok lang. Anak mo ako at responsibilidad ko ito. No need to say sorry. Ok? Love you, Ma. Alis na po ako."

Actually wala naman akong problema kung ganito lang buhay namin. Hindi naman kami mahirap, limang beses pa nga kumakain sa isang araw yung bunso kong kapatid eh. May sasakyan naman ako, well actually third hand na siya but still, okay pa naman ang takbo at malakas pa ang aircon.

Wala naman talagang problema eh. Why do I sound so defensive? Anyway, wala naman talagang problema. Okay naman ang trabaho ko since secretary ako ng president ng isang group of companies. Matatapos na yung kasunod kong kapatid ng criminology dahil sa mga ipon at sweldo ko while may dalawa pa akong mas nakakabatang mga kapatid, yung isa first year college na ngayong taon while yung bunso eh elementary pa lang. Alam kong kakayanin ko yang pagipunan.

***

"Good morning Ms. Alvarez." Bati sa akin ng receptionist. I just gave her a nod as a response. Pumunta na ako ng elevator then clicked the 15th button, actually sa 20th floor pa ako pero may kailangan pa akong ibigay na documents sa HR sa floor na yun.

"Hahahaha! Ano kayang suot ni Candice ngayon? Ang ganda ganda ng pangalan tapos kung manamit parang Candelarya ang pangalan! Hahaha!" Sabi nung isang babae na labas na labas yung cleavage na hanggang pusod ata.

"Ehem. Ehem." Tikhim ko. Pasimpleng pagpapaalam na nasa likod niya na yung pinag-uusapan nila.

"Ca-candice? I mean, good morning Ms. Alvarez! What can we do for you?" Tanong niya na parang nakakita ng werewolf sa kanto. Masyado ng gasgas ang multo eh.

"Ito, pinapabigay ni Mr. Smith. Review it carefully then babalikan ko before 5 PM." After that umalis na ako ng walang lingon-lingon.

Sabi ko naman sa inyo di ba? Wala akong problema sa buhay ko kasi...

SILA ANG MAY PROBLEMA SA AKIN! Ewan ko, ayaw ko na lang paapekto pero minsan sarap abangan sa kanto then sagasaan mo tapos balik-balikan pa hanggang maging sisig na yung mga utak nila kung meron man.

Okay, kalma lang. So, I'm Candice Alvarez, 26 years old, secretary of Mr. Billy Smith the one and only president of one of the major group of companies here and abroad. Breadwinner of my family.

Hot. Sexy. Tease. Seductive. Gorgeous. Envied by many.

Joker. Ilusyonada. Feelingera. Charot lang yung hot, sexy eklavoo na yan. Maniwala ba kayo diyan sa envied by many? Kita niyo ngang inaalipusta nila yung suot ko.

Okay fine, I admit na medyo outdated na itong suot ko but can you blame me? I work hard for my family so yang mga shopping na yan ay nasa end ng list of priorities ko. Mamimili ako pero hindi sa mall kundi sa ukay-ukay, mahal masyado sa malls. NOT PRACTICAL. Kapag nga nakabili ako ng P100 sa ukay-ukay medyo labag pa sa loob ko yun eh.

Anyway, move on na tayo dyan sa fashion statement ko. May ipagmamalaki naman ako ah? I graduated with flying colors. Summa cum laude lang naman. Oops! Yabang ko pero kasi naman medyo yun na lang maipagmamayabang ko.

Currently, I'm in a relationship at nakadalawang ex na ako pero 'wag ka day! Virgin pa 'to! Hihihi. Actually, madalas naman muntik ng may nangyayari sa amin pero talagang nauudlot lang kasi kung hindi tatawag yung kapatid ko para manghingi ng allowance, magtetext si mama na kulang yung pambayad sa bills. 

Oh sige nga, ikaw ba nasa middle of romantic thingy tapos biglang text ng 'Ate! May project kami  tapos kailangan magbayad eh walang extra si mama, uwi ka na. Deadline na bukas yun e. Ingat. Love you.' Gaganahan ka pa ba?

So ayun, iniwan ako ng dalawang ex ko dahil sa reason na yun. Actually may isa pa, yun nga yung FASHION STATEMENT KO. LECHE. Does it matter? Bakit kapag ba nasa kama na kayo eh nakaporma ba? Geez.

Hindi ako affected. Promise pero sana ngayon habang nakukwento ko sila ay nagdudugo na yung mga dila nila.

On the other hand, iba si Philip. Mahal niya ako and naiintindihan niya situation ko. And he respects me too! Hindi niya ako pinipilit doon sa mga bagay na alam kong hindi pa talaga ako totally handa. 

SEX. Oo, yun yon. Sex. Seriously, hindi pa talaga ako handa so thankful pa rin ako sa pamilya ko sa pag-udlot madalas. Yung bata kasi ako sabi ko sa sarili ko na makikipag-make love lang ako sa mapapangasawa ko. So I'm actually grateful na iniwan ako ng dalawa kong damuhong na ex.

Shocks! Haba na ng monologue ko, back to reality na. Hindi na lang talaga ako nagpapaapekto sa mga backstabbers kong co-workers. Wala akong mapapala. 

"Good morning Ms. Alvarez, what floor po?" Sabi nung manong elevator operator.

"Good morning din. 20th po manong." I smiled at him then kinuha yung cellphone ko sa bag. Imma text Philip na.

To: Aa.sweetheart

Good morning sweetheart! I'm already in the office. See you later! Love you.

Busy ako sa pagtetext ng biglang may sumigaw.

"Manong! Sandali lang! Wait, wait." Hindi ko na inangat ulo ko kasi baka isa lang sa mga pasaway na nagtratrabaho rito na late 

From: Aa.sweetheart

Good morning too sweetheart. I'm sorry may dinner meeting sa company later so I think I have to pass? Sorry talaga. Love you na may kasamang hug.

Gosh! Nakakakilig yung 'love you na may kasamang hug' niya!

"Hindi ka na nga imi-meet mamaya nakukuha mo pang ngumiti?"

Nagulat ako, sino yung nagsalita? And ako ba kausap niya?

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon