Chapter 8

640 31 0
                                    

Nagme-meryenda kami ni Candy sa Razon's habang iniisip ko yung mga nangyari kani-kanina lang sa department store.

"Ate, huwag mo na masyado isipin yung pagkikita niyo ni Phillip, move-on ka na. Kita mo nga sinasamahan niya yung bago niyang girlfriend sa mall, eh ikaw? Kailan ka ba sinamahan niyan?"

Napabuntong-hininga ako.

"Candy..."

"Ate, ayoko marinig yang mga sasabihin mo. Stop being bitter sa Phillip na yun!"

"Candy, kasi---"

"Ay nako, Ate!" Kahit makasuhan akong child abuse, binatukan ko pa rin ng yung kapatid ko, daldal eh.

"Pagsalitain mo nga ako, hindi naman si Phillip or yung pa-puberty pa lang na gf niya yung iniisip ko eh."

"Eh, ano?"

"Yung lalaki kanina, yung naka-shades parang pamilyar siya sa akin."

"Naiisip mo lang yan Ate kasi nako-konsyensiya ka!"

"Aba't bakit?"

"Umutot ka ng buong tapang tapos isisi mo raw ba sa kanya 'di ba? Hashtag medyo bad ass ka Ate, literal na bad ass. Hahahahaha!" Tinakpan ko yung bibig agad ni Candy, baka may makarinig kasi tapos kakilala pala ni Shades Guy.

"Baka nga 'no? Pero kasi eh... hindi naman siguro na-obvious na ako yun 'no?"

"Hindi kasi based sa kwento mo pang-best actress yung akting mo. Kabogera ka Ate talaga! I'm so proud to be your sister," ngumiti na lang ako nang alanganin sa kapatid ko.

"Kumain ka na lang, dami mong sinasabi eh." 

Siguro mga limang minuto na akong ngumangasab ng halo-halo ko nang may maalala ako bigla.

"Bebe, very good pala ako," sabi ko kay Candy habang nangingiti-ngiti pa.

"Bakit naman, Ate?"

"Four out of five na pala ng bucket list ko ang nagagawa ko. Naglakad patalikod tapos umutot at tinuro ko sa iba!"

"Hala, oo nga Ate! Ang galing galing kasi hindi naman natin na-plano. Waaa! Super galing, Ate!"

"Oo nga! Omigosh! Isa na lang, isa na lang then tapos ko na! Hindi naman pala mahirap ito, ang saya pala kapag may nafu-fulfill kang goals."

"Sige, Ate tapusin mo na yan at mamili na tayo ng mga dapat mong bilhin. Hihihi."

Dahil sa realizations ko na isa na lang pala okay na ang bucketlist ko, ginanahan akong mag-shopping at namili na rin ako para kila Mama at sa mga kapatid ko.

"Ate Candice, ang dami mo naman atang pinamili? Hindi ka na ba uulit ng mga panty at bra?" Sita ni Calvin pagkapasok namin ng bahay.

"Alam mo ikaw Calvin, basag trip ka palagi. Tignan mo kasi muna yung lahat ng mga pinamili ko bago ka mag-conclude d'yan," sagot ko sa kanya. Sarap tuktukan ng pangalawa kong kapatid eh.

"Wow 'Te Cands, binilhan mo rin kami ng mga polo ni Kuya? Salamat 'Te! May pamporma na naman ako sa mga date namin ni Mimi ko."

"Uy ikaw Caleb ah? Atupagin mo muna pag-aaral mo hindi yung puro landi lang. Bata ka pa," sita ko naman kay Caleb, puro na lang girlfriend niya iniintindi. 

"Hindi naman landi yun, mahal ko yun Ate. Mabilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita at nakakasama ko siya."

"Hala, talaga Kuya? Sabi mo mabilis din tibok ng puso mo kapag labasan na ng grades niyo, ibig sabihin mahal mo rin ang grades mo?" Kitang-kita ko kung paano tinakpan ni Caleb ang bibig ni Candy at kung paanong pasimpleng batok sa ulo yung binigay niya rito.

My Childish Bucket List [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon