"Bakit sa dami-dami pa namang gagawin, eh eto pang research talaga?"
Napabuntong hininga nalang ako sa pagod habang umaayos ng aking rrl at mga chapters ng upcoming research namin, halos sumakit na ang ulo at mata ko kakatutok ng laptop, tapos hindi pa ako tutulongan, wow ha just because matalino ako, gagawin na nila akong robot, nakakapagod kaya gawin to, hindi man lang sila tutulong.
It's already 11:00 o clock in the night, Hindi ko pa ito natapos kasi hindi naman lang ako tinulungan, ang taray non ha?, akala nila super simple lang gumawa ng research, putik ang hirap halos lalabas na mga mata ko sa antok at pagod.
Nakahiga ako ngayon sa bed ko, hawak ko ang laptop ko, 4 hours ko itong ginawa, at hanggang ngayon ay hindi ko parin natapos, may ipinagawa naman na ako sa members ko, pero ang bagal talaga nila kumilos.
—
*/The phone ring
"Hello?"—sabi ko ng may galit
"Faela, tapos kana ba jan?, punta tayo seven eleven hihi.."—sabi ni Azie
"Pwede ba zie, susunod nalang look oh hirap na hirap nako sa research nato eh, bubugshok na talaga ulo ko nito.."
"Bat ba kasi yan pinili mong course?, kami dito super chill lang hayst."
"Ginusto ko to eh, kaya wala kang magagawa bye babush na susunod nalang.."
"sige beh"—at agad ko nang pinatay ang cellphone ko at nagpatuloy sa pag gawa.
—FAST FORWARD
Makalipas ang ilang oras, ay malapit na akong matapos sa rrl at sa tatlong chapters, aabot talaga ng hours yung pag gawa ko dito eh, kino correct ko pa yung grammar tsaka yung spelling baka kasi magkamali nanaman ako.
Hindi ko na namalayang 12:00 am na pala tapos di pa ako natulog, ganon talaga eh, kapag may pake ka sa acads mo, dimo talaga magawang tulugan yan lahat, lalo na't mataas expectations ng mga tao sakin, except kay mama, siya lang din naman nakakagets sakin eh, hindi niya ako pine-pressure, pero sarili ko naman pinapagod ko, kasi if I failed academically, ano nalang reactions ng mga taong may tiwala sakin?.
Okay, move on na tayo jan, ang mahalaga makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng stable job, yun lang talaga pangarap ko ngayon. Lalaki? that's out of my vocabulary, wala akong panahon makipag pekpekan sa mga lalaki ngayon, hindi naman talaga pure love ang gusto nila, kundi laro lamang. Kaya wala na akong panahon sa mga ganyan, nakakainis masyado.
But what if someone enters your life, the type who couldn't care less about you? He doesn't even acknowledge your presence, yet you’re the one who can’t stay composed when he’s around. It’s like this intense desire to make him yours... I don't know, is it an urge to seduce him? I’m not even sure.
I usually ignore every guy here at the university, but this one specific guy is different. He’s the only one who makes my heart race every time I spot him on campus. And on top of that, he’s incredibly brilliant, he could probably outsmart Albert Einstein.
the only catch is, he spends most of the class just sleeping.
Paano ko ba talaga e-explain lahat ng feelings ko sa lalaking yun, bakit siya lang ang nag iisang kumuha ng atensiyon ko?, pilit ko naman siyang iwasan pero, hindi eh.
Sa tuwing may mga lumalapit sa kanya, nalulungkot at nakakafeel ako ng selos, na para bang kasal na kami, tangina parang gago.
Am I going to be insane naba?, jusmeyo 1st year college palang ako pero ginagago na talaga ako ng mundo, bakit pa kasi dumating yung lalaking yun, bakit dito pa talaga siya nag-aaral?.
—
"Anak, bakit gising ka pa?"—tawag ni mama saakin
"Ahmm, malapit naman po itong matapos eh, mamaya nalang po"—sabi ko.
YOU ARE READING
Love In Between Papers (college series #1)
Teen FictionThis story follows two college students whose relationship blossoms through a simple letter. What started as a seemingly ordinary note-perhaps a passing thought or a misplaced message-eventually became the very proof of their enduring love for one a...
