"Eh ano ba yan" lumapit naman siya sa akin. Malaki kasi yung kama ko, yung bed na kasya ay dalawang tao. Pati itong room ko parang nasa bahay lang ako. Kahit white yung background ko yung ambiance nung room parang nasa  bahay lang. Ganoon kasi yung architecture nitong Hospital na ito sa mga rooms.

"Wag kang magulo nagbabasa ako" eh kasi naman humiga siya sa tabi ko tapos niyayapos niya ako.

"Mas mahal mo na ata yang binabasa mo kesa sa akin. Ano ba kasi yan? Para ka namang highschool tanda mo na eh"

"Grabe ka naman.. Cherish You yung title nung binabasa ko. Naloloka ako sa lovelife ni Serah kasi nalaman na niya yung dahilan ni Zac kung bakit siya nililigawan noon. Ang sakit nga eh! After niyang umamin doon na gusto niya si Zac. BOOM! Nalaman naman niya yung truth.. Ang sakit!"

"Ano ba kasi yung dahilan kung bakit siya nililigawan?"

"Pinagpupustahan. Kapag daw sinagot ni Serah si Zac, magkakaroon daw ng Lamborghini si Zac"

"Ngee, yun lang pala. Eh mas mahal pa yung kotse ko doon eh"

"Yabang mo naman!" tinabi ko na yung laptop sa table at pinagsusuntok yung tyan ni Sean. Tamang tama nakahiga siya.

"Ahh! Masakit! Kiss mo na lang ako!" sabi niya kaya sinuntok suntok ko pa siya.

"Isa!" sabi niya tapos sinampal sampal ko naman yung mukha niya. Hindi naman ganoon kalakas. Mahal ko ito eh, bakit ko sasaktan ito? Hihihi..

"Dalawa!" tapos pinisa ko yung ilong niya ng napakahigpit. Ang ginawa naman niya tinaggal niya yung kamay ko doon at hinigit niya ako pahiga sa kanya. Teka, yung dextrose ko! Pero hayaan na nating ka face to face ko naman si Sean ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakadapa ako dibdib niya.

Pinindot pindot ko yung pisngi niya.

"Wow ang ganda ng mukha ni KoKo Kruch ko ang kinis!" tapos siya naman nakatingin lang sa akin ng seryoso. Ano ba?! Natatakot ako sa ginagawa niya eh. Tapos hinawi niya yung buhok ko, sinipit niya yung strand ng hair ko sa tenga ko. At hinaplos haplos yung pisngi ko.

"May problema ba?" tanong ko pero bigla na lang niya nilagay yung kamay niya sa likod ng ulo ko at dinikit naman niya ang labi niya sa akin. Kaya napapikit na lang ako..

I'm gonna miss him. Nagulat na lang ako nung umikot si Sean. Kaya naman nakahiga na ako habang siya naman ay nasa ibabaw ko. Hinahalikan pa din ako at binabalik ko naman sa kanya iyon.

Ang sarap lang sa pakiramdam, ramdam na ramdam ko kasi na mahal niya ako. At ganoon din ako sa kanya.

"Ma'am, Ay sorry po!!!" tapos bigla naman nag sarado yung pintuan. Napahiga na lang si Sean sa tabi ko. Tapos napatingin ako sa kanya... Hanggang sa natawa kami. Hahaha, pumasok kasi yung Nurse. Nakita niya kaya iyon. HAHAH

"HAHAHAHAH.. Sean, sa susunod nga wag mo ng gagawin iyon" sabi ko sa kanya nag iba naman yung expression niya. Pati ako napaisip sa sinabi ko, naiiyak na naman ako. Kasi alam ko na hindi na niya iyon magagawa sa susunod.

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon