POV: Sam
Kalapastangan sa ating dalawa…
Ang iwan ka nang nag-iisa…
Rooftop, The Grand Ballroom Tagaytay
10:47 PM, 8 Years Later
Hindi dapat ako umakyat.
Sabi ni Cheska, “Nasa taas si Gabe. Wag ka umakyat kung hindi ka handa.”
Umakyat pa rin ako. Kasi akala ko, handa na ako. CEO na ako. Kaya ko nang harapin lahat.
Mali ako.
Nakatayo siya sa railings. Nakatalikod. Naka-barong. Hawak yung beer. San Mig Light pa rin. Yung hat na binigay ko sa kanya sa airport 8 years ago, suot niya. Luma na. Kupas. May tahi sa gilid, tinahi niya siguro nung napunit.
Ako yung nagbigay. Ako rin yung sumira.
“Gabe,”tawag ko.
Hindi siya lumingon agad. Uminom muna siya. Isang lagok. Mahaba. Pag binaba niya yung bote, saka lang siya humarap.
At doon ko nakita.
Hindi siya galit.
Mas malala.
Wala.
Wala nang Gabe na nakilala ko. Walang Elzo na nang-aasar. Walang bestfriend na laging may extra ballpen. Walang lalaki na nagsabing “Lifetime” sa akin.
Merong Engineer Mendoza. Mendoza Builders. Stranger.
“Oh,” sabi niya. Parang nagulat pa. Parang hindi niya ako hinihintay ng 8 years. “Umuwi ka pala. Congrats sa kasal ni Cheska.”
Umuwi ka pala. Hindi “Nandito ka na”. Hindi “Namiss kita”.
Umuwi ka pala. Parang bisita lang ako. Parang hindi ako yung nangako.
“Gabe, pwede ba tayo mag-usap?” Tanong ko. CEO voice. Firm. Walang basag. Pero nanginginig yung tuhod ko.
Tumango siya. “Sige. Usap?” Tapos sumandal siya sa railings. “Ano pag-uusapan natin, Ms. Villareal? Stock market? Inflation? O kung bakit hindi ka nagreply sa kahit isa sa 47 na birthday greetings ko sa’yo for 8 years?”
Binilang niya. 47. Kasi 8 years = 8 birthdays niya. Plus 39 na random “Kamusta” na hindi ko sinagot.
“Busy ako—”
“Alam ko,” putol niya. Ngumiti pa. Pero yung ngiti na masakit pa sa mura. “Busy ka maging CEO. Busy ka tuparin yung pangarap mo. Naiintindihan ko, Sam. Lahat kami.”
Lahat kami. Hindi lang siya. Sila Cheska. Si Tino. Si Mira. Si Raf. Si Iggy. Si Dani.
Yung barkada na pinangakuan ko sa airport.
“Hindi ko kayo iiwan. Babalik ako. Tayo pa rin. Lifetime, diba?”
Tapos umalis ako kinabukasan. At hindi na bumalik. Kahit nung namatay yung tatay ni Tino. Kahit nung na-hospital si Mira. Kahit nung nanganak si Ate Sab, kapatid ni Gabe.
Wala ako. Kasi busy ako.
------
Pov: GABE
Busy siya.
Yan yung rason niya. For 2,922 days, busy siya.
Nung una, dinedefend ko pa siya sa barkada. “Intindihin niyo, pangarap niya ‘yon. Babalik din ‘yon.”
Year 1: “Baka next year.”
Year 2: “Marami lang siyang ginagawa.”
Year 3: Si Cheska na nagsabi, “Gabe, tama na. Hindi na siya babalik.”
Year 4: Tinigil ko na magreply sa Christmas greetings niya.
Year 5: Binura ko number niya.
Year 6: Nakita ko siya sa Forbes. May kasamang lalaki. Naka-akbay.
Year 7: Tinanggap ko na.
Year 8: Heto siya.
Nakatayo sa harap ko. Umiiyak na. Pero hindi ko na alam kung para saan yung luha niya. Para sa akin? Para sa sarili niya? Para sa konsensya?
“Sabi mo hindi mo kami iiwan, Sam,” sabi ko. Boses ko, pagod. Hindi galit. Pagod na kasi ako magalit. “Sabi mo babalik ka. Sabi mo lifetime.”
Yumuko siya. “Gabe, sorry. Hindi ko sinasadya”
“Hindi mo sinadya?” Tumawa ako. Sa wakas, may tunog. Mapait. “Sam, 8 years. Hindi ‘yan aksidente. Choice ‘yan. Araw-araw, pinili mong hindi bumalik. Araw-araw, pinili mong hindi mag-reply. Araw-araw, pinili mo yung pangarap mo over sa amin.”
“Kasi akala ko maiintindihan niyo!” Sigaw niya nya. Sa wakas. “Akala ko sasabihin niyo, ‘Go Sam! Tuparin mo pangarap mo!’ Hindi yung maghihintay kayo!”
“Gusto naming maghintay!” Sigaw ko pabalik. Ngayon lang ako sumigaw sa kanya. Sa loob ng 8 years. “Tangina, Sam! Gusto ka naming hintayin! Pero hindi mo kami binigyan ng chance! Umalis ka. Nangako ka. Tapos iniwan mo kaming nakabitin!”
Tahimik. Umuulan na. Hindi ko napansin kailan nagsimula.
“Ang sabi mo,” bulong ko na lang. Basang-basa na yung hat ko. “‘Tayo pa rin.’ Pero iniwan mo ako, Sam. Iniwan mo kaming lahat. Kaya wala nang ‘tayo’.”
Tinanggal ko yung hat. Yung bigay niya. Inabot ko sa kanya.
“Sa’yo ‘to. Dati. Binalik ko lang. Kasi tapos na kong maghintay.”
Hindi niya kinuha. Umiiyak lang siya.
“Hindi pa huli, Gabe,” bulong niya. “Please.”
Umiling ako. “Huli na, Sam. Nung sinabi mong ‘hindi mo kami iiwan’ tapos umalis ka? Doon pa lang, huli na.”
Tumalikod na ako.
At ngayon, alam kong hindi na ako lilingon.
Kasi yung babaeng nilingon ko for 8 years, hindi ako nilingon pabalik.
Kalapastangan sa ating dalawa…
Ang iwan ka nang nag-iisa…
"Paano na tayo?" Bulong nya habang umiiyak
"Wala nang tayo, Sam."
"Kalapastangan mo, Kalapastangan ko."
"Kalapastangan nating lahat."
End of Prologue
ESTÁS LEYENDO
Lifetime
RomanceDESCRIPTION "Lifetime," sabi niya. "Ikaw at ako. Hanggang dulo." Yun ang pangako ni Samantha Elise Villareal kay Gabriel Lorenzo Mendoza. First year college. Bestfriends. Partners sa P.E., sa projects at sa buhay. LIFETIME Isang kwento ng pangakon...
