CHAPTER 79 : BELLAROCCA

Start from the beginning
                                    

"Ohh. Akala ko hindi ka na papasok." Tinalikuran niya na ako pagsabi niya no'n.

Mabilis akong nagligo at nagbihis. Patuloy kong tinatawagan ang numero ni George kahit out of reach pa rin. I might get lucky. Pagdating ko sa opisina ay nagulat ako nang makitang nando'n si Rhea at nakupo sa couch. Nakita ko rin ang gulat sa mukha niya nang lumapit ako.

"Why are you here?"

Tinuro niya ang paper bag na nasa table. Alright. Hindi ko na kailangang magtanong kung ano 'yon.

"Is Shai your spy?"

Umawang ang bibig niya. "S-Shai?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Don't deny it."

"Masama na ba magtanong sa kanya kung kumain ka? And why are you skipping your meals? Hindi ka naman model para mag-diet."

Nagpakawala ako ng naiiritang paghinga. Bago pa ako magsalita ay inunahan niya ako.

"Oo na. Ang tanga mo talaga, Rhea. Ba't ka ba naghahanda ng almusal at lunch sa taong 'to? Ang sungit-sungit. Lagi na lang. Hindi na lang magpasalamat na pinagluluto mo siya. Hindi niya ba nakikita 'to?" Tinaas niya ang dalawang kamay niya na may ilang band-aid. Napanganga ako nang makita ko 'yon. Kinuha ko ang kamay niya pagtapos ay tinitigan siya.

"What the fuck?"

"What the fuck ka rin!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ayan! Makonsensya ka. Hirap na hirap akong magluto ng kakainin mo, alam mo ba? Nakakasama ka talaga ng loob. Ang arte-arte mo." Hingal na hingal siya pagsasalita at bumaling sa ibang direksyon.

Natahimik kami sa loob ng ilang minuto. Napatingin ako sa kamay niya at napabuntong hininga. Marahan akong nagsalita. "You don't have to do this."

Bumaling siya ulit sa akin. "Kung 'di lang masakit ang kamay ko, kanina pa 'yan lumipad sa mukha mo." Hinila niya ang kamay niya at muling nag-iwas ng tingin. "Just eat it, okay? Para hindi sayang. Kahit 'yon man lang." Napalunok siya.

"Why are you doing this?"

"I already told you the reason."

"Why?" Pag-uulit ko. I believe there's more.

"I just want to say sorry. It's more of a peace offering to what Shinn did." Pumikit siya nang mariin. "Ako na ang magsosorry kasi never niyang hihingi ng tawad sa ginawa. He's too proud."

"Arrogant bastard."

"Just like you." Mahina niyang sambit. Natigilan ako.

"Are you comparing me to him?" Hindi ako makapaniwala.

"No. I'm stating that there are some similarities-"

"What difference does it make?"

Pumikit nang mariin si Rhea at napakagat siya sa kanyang labi. "At least, I didn't love him. I never fall for him."

Nagulat ako sa sagot niya. Napalunok si Rhea at tumalikod. Bago pa niya mabuksan ang pinto ay hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Hinarap ko siyang muli.

"I'm sorry, okay? I didn't mean it. Nabigla rin ako. I. . .I know you love her because that's her. Not because. . ." Hindi niya itinuloy. Do'n lang nag-sink in sa akin na napansin pala niya o baka natandaan niya ang minsanang pagkakasabi ko na si Georgia ay para ring siya.

"I'm so sorry, Ren." Saka niya tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso at lumabas nang tuluyan.

I'm seeking for answers. May nangyari bang hindi ko alam? Naghihinala ako na baka meron nga.

I still call George. Pumupunta rin ako ng aparment niya para i-check kung umuwi ba siya. Dalawang araw ang lumipas pero wala pa rin. Mukhang matatagalan nga siya kung saan man siya nagbabakasyon ngayon.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now