CHAPTER 78 : INSTEAD

Start from the beginning
                                    

"Who's your priority, Ren?"

Bumaling ako sa kanya. Nakatitig siya sa kamay naming dalawa.

"Don't you know the answer?" Marahan kong tanong.

"You never asked me the same question. Paano kung magkaiba pala tayo ng sagot and we're not on the same page?"

"Does it matter?"

"You told me your priority is me. What if I prioritize someone else than you? Magagalit ka ba?"

Napatiim ako ng bagang. Magagalit nga ba ako kung gano'n? In this realationship, we're chained but not caged. Hindi naghigpit sa akin si Geore kaya gano'n rin ako sa kanya. Malaya pero alam kung sino ang dapat balikan. We're adults who never talked about rules. Parehas lang kaming nakikiramdam at sumasabay sa daloy ng relasyon naming dalawa. And I feel good about it. Hindi nakakasakal. Pero madali ko nga bang matatanggap kung hindi ako ang priority ng taong inuuna ko?

"Why are you asking me these questions? May problema ba tayo, George?"

Siya naman ang hindi makasagot. Paglipas ng ilang sandali ay saka siya umiling at ngumiti. "Wala. Naisip ko lang."

"You're acting strange." Puna ko.

Nagkibit balikat siya. "Lately, ang dami kong naiisip na hindi dapat isipin."

Huminga ako nang malalim. "May sasabihin rin ako sa'yo."

Tumaas ang kilay niya. Nagsimula akong magkwento tungkol kay Rhea. I just hope George wouldn't get pissed by the idea. Kailangan ko 'to sabihin dahil ayokong sarilinin. Ayoko maguluhan.

"Just let her be." Nagulat ako sa sagot ni George. "Mapapagod rin siya. Kagaya nung nangyari sa'yo. Madaling bumitaw kapag hindi na talaga niya kaya."

"What do you want me to do?" Pabulong kong tanong.

"Not me. But you. What do you have to do, Ren?"

"I tried to stop her. Ayaw niya makinig."

"I don't want to talk to her again." Umiling si George at tumiim ang bagang. "Hayaan mo na lang siyang magsawa sa ginagawa niya."

Hayaan siya hanggang magsawa? Hindi ko matantya kung dapat ko bang ipagpasalamat na ayaw na kausapin ni George si Rhea. Napakabato ko kung gano'n ang gagawin niya at napaka-inconsiderate ko kung hahayaan ko na mangyari 'yon. Siguro ay hindi ko rin maatim na gano'n ang gawin ni Rhea sa sarili niya. What if she became suicidal again? What if depression takes over? Naranasan na niya kaya hindi malabong bumalik.

I was torn between what is proper and improper. Dahil kahit iyon pa ang ikakasaya niya, mali pa rin. The proper thing to do is to make her stop. I still care. Pag-aaksayahan ko bang pag-isipan 'to kung wala akong pakialam kanya? Kailangan ko ba iparanas kay Rhea yung naranasan ko dati para umabot rin siya sa puntong makakahanap rin siya ng iba?

Siguro ang swerte ko lang. Maswerte ako na ako yung unang nakaahon sa aming dalawa. Naisip ko kung paano kung siya ang unang naka-move on. Gano'n rin kaya ang kahahantungan ko?

George assured that we're okay. Saka lang ako napanatag. Siguro ay ang paranoid ko lang para isiping may problema kami. Siguro ay gano'n rin siya.

Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili ko. Nagpapadala pa rin si Rhea ng lunch sa opisina ko. Hinayaan ko na lang kahit may pagkakataong hindi ko kinakain. Pero pag tinutusok ako ng konsensya, hindi rin ako nakakatiis.

Madalas nakikita ko siyang nakatingin sa akin at pag gano'n ay kailangan ko umaktong malamig sa kanya. Iniiwasan kong komprontahin siya dahil baka may masabi lang akong hindi maganda. May instances na hindi naiiwasan dahil nasa trabaho kami and we have to be professional.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now