Bulok na ang Ardent Academy.
Ramdam ito sa bawat sulok—sa mga bintanang may lamat, sa mga ceiling fan na maingay pero hindi na umiikot, at sa mga hallway na halos wala nang ilaw. Kumakalat na ang balita na sa katapusan ng buwan ay tuluyan na itong magsasara.
Sa madaling salita, bankrupt na ang school.
Sa faculty room, makikita ang mga gurong nag-aayos na ng gamit. Marami na ang hindi pumapasok. Ang mga estudyante, kumpol-kumpol sa corridor, hindi para mag-aral kundi para magtanong kung saan sila lilipat. Balisa ang lahat. Malungkot ang paligid, lalo na’t umuulan pa sa labas.
Pero sa ilalim ng lumang administration building, sa loob ng isang soundproof na boardroom, iba ang hangin.
Malamig.
Malinis.
At puno ng mga taong hindi mo makikita sa kahit anong classroom. Nakaupo sila sa paligid ng isang mahabang lamesa, kalmado habang humihigop ng kape.
“The academy is collapsing financially,” panimula ng isa.
Walang emosyon sa boses niya.
“Then we use it,” sagot ng lalaki sa dulo.
“Turn it into a controlled environment.”
May inilapag silang tablet sa gitna. Lumitaw ang blueprint ng school.
“Isang illegal experiment sa gitna ng siyudad?” tanong ng babaeng naka-suit. “Paano ang mga bata?”
“Bakit ka ba nag-aalala? Madali lang ʼyan. If they survive, they are valuable,” sagot ng lalaki.
Binuksan niya ang isang folder na puno ng profiles ng mga estudyante.
“If they break… they are data.”
Nagkatinginan sila. Isang pirma lang ang kailangan.
“Initiate it,” desidido niyang utos.
YOU ARE READING
The Bride Protocol
ActionA young girl and a cold, observant boy stand before Ardent Academy, where everything looks normal but feels wrong. Behind them, the quiet school hides a dangerous system that has already begun without their knowledge. #enemiestolovers #romance #thri...
