Prologue

7 1 0
                                        

Malamig ang simoy ng hangin, pero wala ‘yon kumpara sa lamig na unti-unting bumabalot sa buong pagkatao ko. Dumadaloy ang dugo mula sa mga sugat ko, bawat patak parang paalala kung gaano ako kahina sa laban na ‘to.

Pero wala ni isa sa mga ‘yon ang hihigit sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sakit na galing sa puso.

Sa harapan ko, unti-unti siyang inilalayo sa akin.
Ang babaeng minahal ko ng buong buo.
Ang babaeng handa kong ipaglaban, kahit laban pa sa buong mundo.

“Bitawan niyo siya…” mahina kong sambit, pilit tumatayo kahit halos hindi na kaya ng katawan ko.

Pero huli na.

Habang papalapit siya sa kanila, pakiramdam ko ako naman ang nahuhulog—diretso sa isang bangin na wala nang babalikan.

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na dulo ng baril na nakatutok sa ulo ko.

“Ive warned you,” malamig niyang wika. “Huwag kang magka gusto sa kanya.”

Napapikit ako.

Hindi dahil sa takot… kundi dahil sa sakit.

Kasi sa lahat ng pwedeng mangyari, ito pa yung hindi ko kayang tanggapin.

Ang mawala siya.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, pilit hinahanap ang mukha niya sa gitna ng kaguluhan. At nang magtagpo ang mga mata namin, doon ko nakita

Takot.
Lungkot.
At pagmamahal.

Ngumiti ako, kahit masakit.

“Kahit anong mangyari…” mahina kong sabi, halos pabulong na lang, “ikaw pa rin.”

At sa mga sandaling ‘yon, kahit nakatutok ang baril sa ulo ko

Isa lang ang sigurado ako.

Mas pipiliin kong masaktan…
kaysa mabuhay sa mundong wala siya.

Echoes Beneath the same skyStories to obsess over. Discover now