IT WAS her cousin John's wedding. Nagkakasayahan ang mga kadalagahan habang hinihintay ang paghahagis ng bride ng bouquet nito. Bawat isa ay nagnanais na siyang makasalo sa mga bulaklak.
Maliban sa kanya na tahimik at
nakangiting nanonood sa kasiyahan. As usual, siya ang bridesmaid sa tuwing may kaibigan na ikinakasal. Sabi nga, "always the bridesmaid, never a bride."
She watched the ladies with mild amusement. Wondering who would catch the bouquet.
Hindi siya naniniwalang ang makasasalo ng bulaklak ng ikinasal ay siya namang susunod na magpapakasal.
Kahit alin sa mga kaibigang naroroon ay hindi kataka-takang mag-anunsiyo na
ikakasal na ito sa susunod na mga araw. Pare-parehong may mga kasintahan ang
mga ito na kasama rin sa okasyong iyon. Subalit sa pagtataka ng lahat ay hindi
inihagis ng bride ang bulaklak, sa halip ay nakangiting lumakad ito patungo sa kinatatayuan niya.
"Sabi ni John ay hindi ka sasali sa grupo para makiagaw sa bulalak nakangisi ito. "It was his idea that I hand these flowers
to you, Giana Nilingon nito ang asawang nakangiting lumapit kanila.
Hindi malaman ni Giana kung matatawa o mapapahiya sa ginawa ni Margo. Nang lingunin niy ang mga kaibigan ay nagpalakpakan ang mga ito. She smiled
good-naturedly.
"I wish you all the happiness in the world, guys Madaliin ninyo ang pagbibigay sa akin ng mga pamangkin
"You bet!" nakatawang sabi ni John. Masuyong tinitigan ang asawa. "Nakapagdeposito na ako, d ba, hon?"
Siniko ito ni Margo. GianA laughed. Pagkuwan ay bumulong muli si John na
Ikinawala ng tawa niya. "Huwag mong
ubusin ang panahon sa pagtatrabaho, my
dear. Look at you, hindi makuhang takpan ng makeup ang nangingitim mong mga mata."
"I... I had a delivery last night," she said defensively, na totoo naman.
"It isn't just your biological clock that's ticking, Giana" wika nito. At hindi
malaman ni Giana kung nanunukso ito o
nagpapahiwatig.
"Oh." She swayed dizzily. Hindi niya
matiyak kung dahil sa sinabi nito o dahil sa sunod-sunod niyang pagpupuyat nitong nakalipas na linggo.
Agad siyang inalalayan ng pinsan at
iginiya patungo sa isang upuan malayo sa karamihan. Kasunod nito ang asawa.
Pinaupo siya rúto sa isang mahabang sofa.
"Gusto mo bang ipahatid kita sa ospital,
Giana?" He was worried.
"Silly," wika niya rito, nagpilit ngumiti. "I'm a doctor remember? Now shoot Go back to your guest. I'm fine, John, really.
"Are you sure?" si Margo, who was also her friend, a colleague in fact. Siya ang instrumento kung bakit nagkakilala ang
dalawa. "Let me check your"
"Hey, hey!" natatawang sabi niya at iniiwas ang brasong aabutin sana ni Margo. "Don't spoil this day. Anyway, I'll relax for a minute, then babalik ako sa reception.
Okay?"
Atubiling inakay ni John ang asawa pabalik sa mga bisita. Itinuon naman niya ang pansin sa bunsong kapatid na si Ann na nasa isang sulok ng function room at nakikipaglaro sa mga pamangkin ni Margo. Maaaring ang sinabi ni John ang dahilan kung bakit bigla siyang nahilo.
John Esteban was a lawyer and seven
years her senior. Ito na lang ang natitirang kamag-anak nila ni Ann. Ang mama niya at ang papa nito ay magkapatid. Magkasunod na namatay ang mga magulang nito ilang
taon na ang nakararaan. Si John ang humalili sa ama nito bilang senior lawyer sa Garcia and Esteban Law office na itinayo ng mga ama nila na parehong mga abogado,
ESTÁS LEYENDO
Wild Heart Under The Moonlight
RomanceSanay si Giana sa mga lalaking dumarating lang para tumingin, humawak, at pagkatapos ay umalis. Kaya bago pa sila makapanakit, siya na ang unang pumuputol. No strings. No promises. No love.. Pero nagbago ang lahat nang dumating si Kian. Ang cowboy n...
