CHAPTER 1

53 3 0
                                        

The Arrival

Hindi lahat ng pagdating ay may kasamang simula. Minsan... may dala itong wakas.

Mahinang humahampas ang alon sa dalampasigan habang unti-unting lumalapit ang bus sa maliit na coastal town. Nakadikit ang noo ni Darwin Alistair sa malamig na bintana, tahimik na pinagmamasdan ang dagat na tila ba may sariling kwento - malalim, magulo, at hindi kailanman kayang ipaliwanag nang buo.

Huminga nang malalim si Darwin.
Bagong lugar. Bagong buhay. Bagong simula. O iyon lang ang gusto niyang paniwalaan.

Pagkababa niya ng bus, agad siyang sinalubong ng maalat na hangin. Iba ang pakiramdam niya, para bang may bahagi sa kanya na gustong kumawala.. pero may mas malakas na humihila pabalik.

Hinila niya ang maliit niyang maleta saka maayos na isinukbit sa balikat ang gitarang dala. dahan-dahan siyang naglakad papunta sa entrance ng Azure Coast University -- isang kilalang paaralan na nakatayo hindi kalayuan sa dagat. Maganda. Tahimik. Pero may kakaibang bigat sa hangin. Parang ang bawat hampas ng tubig sa dagat ay may tinatago.

"New student?"

Napahinto si Darwin, paglingon niya, bumungad ang isang lalaking may maliwanag na ngiti at parang walang problema dinadala sa mundo. Nakasuot ng simpleng polo at may bitbit na skateboard sa isang kamay.

"Ah... yeah," maikli sagot ni Darwin.

"First year?" tanong ulit ng lalaki at lumapit pa ng kaunti sa kanya. "Mukha kang naliligaw."

"Something like that."

Ngumiti ang lalaki. "Rafael. Pero tawagin mo na lang akong Raffy."

Saglit na natigilan si Darwin bago siya nag-abot ng kamay. "Darwin."

"Nice to meet you, Darwin." Mahigpit pero magaan ang pagkakamay ni Raffy.
"Tour guide na rin ako ngayon, libre lang." Nakangiting dagdag pa nito.

Hindi napigilan ni Darwin ang bahagyang pag-angat ng labi niya -- isang ngiti na halos hindi niya rin napansin.

"Hindi ako nawawala," sabi ni Darwin.

"Sure ka?" nakangising sagot ni Raffy. "Mukha kasing hindi mo pa alam kung saan ka pupunta."

Napatingin si Darwin sa paligid. Sa totoo lang... wala nga siyang ideya.

"Okay, fine," mahina niyang sabi.

"Good choice," ani Raffy, sabay talikod at nagsimulang maglakad. "Sumunod ka lang. Promise, hindi kita ililigaw... masyado."

Habang naglalakad sila sa campus, napansin ni Darwin ang kakaibang buhay ng lugar. May mga estudyanteng nagtatawanan, may nagpa-practice ng sayaw malapit sa open field, at sa di kalayuan... tanaw ang dagat. Pero kahit ganoon, nanatili siyang tahimik.

"Hindi ka ba masalita?" tanong ni Raffy, habang naglalakad.

"Depende." Sagot ni Darwin.

"Sa?" Tanong ni Raffy.

"Sa tao." Sagot ni Darwin.

Napangiti si Raffy. "So...pasado ba ako?"

Hindi agad sumagot si Darwin, pero sa loob-loob niya...hindi pa niya alam.

Pagdating nila sa main building, biglang bumagal ang lakad ni Raffy.

"By the way," sabi niya, bahagyang bumaba ang boses, "may mga tao dito na dapat mong iwasan." Ani Raffy.

Tumaas ang kilay ni Darwin. "Like?"

Hindi pa nakakasagot si Raffy nang biglang may dumaan sa harap nila at sa isang iglap... parang huminto ang mundo.

Matangkad din Ito at halos hindi nalalayo ang taas sa kanya. Maayos ang postura. Halatang sanay sa atensyon at ang bawat hakbang nito ay may kasamang kumpiyansa na hindi mo kayang balewalain.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata parang may kumuryente sa dibdib ni Darwin. Hindi siya agad nakahinga.

The stranger's gaze lingered. Tahimik. Matalim. Parang sinusuri siya... binabasa ang bawat lihim na pilit niyang itinatago.

"Charles!" Tawag mula sa likod pero
Hindi agad umalis ang tingin nito kay Darwin.

Hanggang sa tuluyan siyang tumalikod.

Napakurap si Darwin, saka napatingin sa lupa, nang tapikin Siya ni Raffy sa balikat. "Bakit...?

"Yeah," mahinang sabi ni Raffy sa tabi niya. "Siya 'yon."

"Sino?" tanong ni Darwin, na pilit binabalik ang normal niyang boses.

"Charles Bright Whitmore." Turan ni Raffy.

Hindi niya alam kung bakit... pero parang may bumigat sa hangin.

"Anong meron sa kanya?" tanong ni Darwin.

Napabuntong-hininga si Raffy. "Let's just say... hindi siya yung tipo ng taong gusto mong makilala."

"Why?" Muling tanong ni Darwin.

"Because people like him?" bahagyang ngumiti si Raffy, pero may lungkot sa mata niya. "They don't just enter your life..." Saglit siyang tumigil."They ruin it."

Tahimik na napatingin si Darwin sa direksyon kung saan nawala si Charles.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya maalis ang imahe nito sa isip niya.
Isang tingin lang, pero bakit parang may nabago na?

Nanatiling nakatitig si Darwin sa kawalan, parang hinahabol pa rin ng isip niya ang presensya ng lalaking kakadaan lang.

Isang segundo. Isang tingin. Pero parang may iniwang marka.

"Uy," mahinang tawag ni Raffy, na bahagyang kumaway sa harap ng mukha niya. "Nandiyan ka pa ba?"

Napakurap si Darwin at bahagyang umiling. "Yeah... sorry."

Hindi nagsalita agad si Raffy, sa halip ay pinagmasdan niya lang si Darwin na parang may gustong sabihin pero pinipigilan. Sa huli, ngumiti na lang siya -- pero hindi na kasing gaan ng kanina.

"Come on," sabi ni raffy. "Ipakita ko na sa'yo dorm mo."

Tumango si Darwin at tahimik silang naglakad, pero sa bawat hakbang ni Darwin, may kung anong pakiramdam na sumusunod sa kanya -- parang anino na hindi niya makita. Isang malamig na presensya na dumikit sa balat niya simula nang magtagpo ang mga mata nila.

Pagdating sa dorm building, huminto si Raffy sa tapat ng isang pinto.

"Room 214," sabi ni raffy. "Dito ka."

Tumango si Darwin at hinawakan ang doorknob, pero bago niya ito tuluyang buksan--

"Darwin." Tawag ni Raffy.

Napalingon siya at sa sandaling iyon hindi na nakangiti si Raffy. "Hindi ako nagbibiro kanina," dagdag niya, mahina pero seryoso ang tono. "Kung kaya mong umiwas..umiwas ka."

Saglit na natahimik si Darwin, pagkatapos, bahagya siyang ngumiti -- isang ngiting hindi sigurado kung paniniwala o pagtanggi.

"Hindi naman ako madaling ma attached," sagot ni Darwin.

Napatitig si Raffy kay Darwin... at sa pagkakataong iyon, parang gusto niyang tumawa -- pero hindi niya ginawa.

"Lahat naman ng tao ganyan ang iniisip sa simula," mahina niyang sabi.

Ngumiti si Darwin saka dahan-dahang binuksan ang pinto at habang pumapasok siya sa loob ng bago niyang mundo... hindi niya napansin--

Sa kabilang dulo ng hallway, may isang pares ng matang tahimik na nakamasid.
Hindi umaalis, hindi kumukurap at tila... naghihintay.

To be continued

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

🌊 WAVES OF LOVE Stories to obsess over. Discover now