V. The Encounter

24 1 0
                                    

June 6, 2014. 1st day of School ko ngayon. Nakapag-enroll na ako last week. About sa mission ko kay Terrence, well, wala pang improvements kasi wala pang pasok that time. Nalaman ko ring same school lang ang pinapasukan namin kaya alam kong hindi ako mahihirapan nito.

For sure, nagkabati na sila ng GF niya. Magpakasaya muna sila ngayon kasi nalalapit na ang pagtatapos ng love story nila. BWAHAHA!

“Oh, may pinaplano ka naman ba, Jade? Alam ko ang mukhang iyan. Aba magpakatino kang bata ka ha. 18 years old kana.” –Yaya

“Yaya naman. I’m a good girl kaya. Wala akong pinaplano. Iniisip ko lang kung ano yung magiging first day ko ngayon. You know. Iba kasi ang system at atmosphere sa Scotland.”

“Talaga? Oh sige. Isang linggo ka atang hindi lumalabas ng bahay. Mabuti naman at magsisimula na ang klase niyo ngayon. Pinagluto na kita ng breakfast. Kumain kana nang hindi ka manghina mamaya.”

“Okay Ya, thanks. Wow! Adobong baboy!! Thanks talaga. Namiss ko to. Kakain na ‘ko.” Favorite ko kasi ‘to eh. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang naisipang magluto ni Yaya ng adobong baboy.

“Kumain ka ng marami. Paborito mo iyan nung bata kapa. Mabuti naman at hindi nagbago ang taste mo, Iha.” – Taste talaga? Anyway, hindi naman talaga ako totally nagbago. Siguro sa ugali. May pagkamladita na ako ngayon. Hindi na ako ang dating Jade na ala-cinderella. Tss.

Ika nga nila, change is the only permanent in this world.

It’s 7:30 am na. Nagpahatid lang ako ulit sa driver namin. I know hindi papayag ang parents ko magdrive. Tss.  Pagdating ko sa university, naglakad-lakad muna ako sa hallway. Napapansin ko ang mga matang nakatitig sa akin. Sige lang, tingnan niyo lang ako! As if I care.

Hmp! Napadaan ako sa cafeteria. Dito nalang muna ako. Nag-order ako ng spaghetti at cheese cake. Kakakain ko lang ng agahan but gusto ko pa ring kumain nito. They’re just my favorites.  I texted Khrissa to meet me here. Nakakabagot naman kasi, wala akong kasama. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito.

Khrissa is my only bestfriend in Scotland. Actually, last week lang siya bumalik ng Pilipinas. Same course kami at ang mga barkada ko naman, ibang courses sila at malayo ang building nila sa amin ni Khrissa. I think minsan nalang kami magkikita pero I know hindi nila ako tatantanan sa bet namin. 

After 15 minutes, dumating na rin siya. Actually, napakagirly niya, super! Hindi ko nga alam kung paano ko ‘to natatagalan eh. Energetic all the time. Hindi pa siya namimeet ng barkada ko but I know magkakasundo talaga sila ng bonggang bongga.

“Teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeerrrrrrrrrrrr!!!!!!!!” (--__--) Siya na yan. Si Antonnette Donna Khrissa Montecillo.

“Khrissa! Pakipulot nga ng eardrums ko! Basag na ee” >.< I said with an annoyed voice. Sanay na yan sa kamalditahan ko kasi mas maldita siya.

“Yuck! Why would I do that? Don’t worry, Natasha dear, I’ll buy another set of eardrums” She’s really from New York pero she pursued her tertiary education sa Scotland kaya doon kami nagkakilala.

Nothing But A BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon