Chapter 1

4 0 0
                                        

While I was looking at the mirror, napansin ko na nawawala yung favorite lipstick ko. Baka na-misplace ko lang kasi ang gulo-gulo ng apartment ko ngayon because nag-halungkat pa ako ng damit na babagay sa dinner date ko tonight.

I live alone sa apartment ko na malapit lang sa work. I teach college students sa isang private university, pero hindi pa permanent since I’m freshly grad.

Tumingin ako sa reflection ko. Tapos na ang make-up ko, kulang na lang yung lipstick. Wala na akong choice kundi gamitin yung lipstick na hindi ko masyadong bet, color red kasi but it's giving confidence. Pero okay na, done. Ready to go.

Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Bumagay naman yung red dress ko sa make-up ko, especially sa red lips kong laban na laban.

It's not my first date with Evan, pero with him, it always feels like it’s our first, every smile, every laugh, parang bagong simula lagi. We’ve been together for 8 months, and I can honestly say, Evan is the first guy I’ve ever fallen this deep for.

Tinignan ko ang oras, 6:45 PM na, I only have 15 minutes to get ready, pero I know Evan well. Sure akong naka-park na yung car niya sa harap ng apartment ko, waiting for me.

Biglang tumunog ang cellphone ko, may nag message. It's from Evan.

Evan:

“Hey, just got here. Take your time, don’t rush, I’ll be here when you’re ready. Can’t wait to see you.”

Thank God, I’m finally done. I won’t let him wait, kahit sinabi niya na it’s okay. Sinuot ko na ang heels ko at nag-spray ng pabango.

Nasa 3rd floor pa ang apartment ko kaya hustle talaga sa pag baba and pag akyat pero kinaya ko naman makababa agad kahit ang taas ng heels ko.

Then there he is, Evan. Naka-smile siya mula sa malayo habang pinapanood ako papalapit. Grabe, this man, sobrang gwapo niya, hindi mo talaga mapigilang titigan. I smile and wave at him, lumapit na siya sakin to hold my hand dahil napansin niya atang medyo nahihirapan ako sa sikip ng dress ko and sa taas ng heels ko.

“You look amazing. Sobrang ganda mo,” he said softly, his eyes fixed on mine.

Hinampas ko siya nang mahina. “Ang OA mo naman. Tara na, baka ma-stuck pa tayo sa traffic.”

Tumawa siya pero hindi agad kumilos. Nakatingin lang siya sa akin na parang kinakabisado niya ang buong mukha ko.

“God…” he muttered under his breath, a small smirk forming on his lips. “Nakaka adik ka."

He gently held my chin, lifting it just enough for me to meet his gaze. I softly took his hand and placed it back down, smiling.

“Tama na yan. Alam ko na, in love na in love ka sa’kin. Pero umalis na tayo.”

“Whatever you say, gorgeous.” sagot niya, saka niya ako pinag-buksan ng pinto ng kotse.

Mabuti na lang at walang traffic congestion. Twenty minutes away yung restaurant na pupuntahan namin, at saktong twenty minutes din nakarating na kami sa restaurant.

Agad siyang umikot sa side ko at binuksan ang pinto ng kotse. Inabot niya ang kamay ko para alalayan akong makababa, parang automatic na sa kanya yung ganung gestures.

“Careful,” mahina niyang sabi, eyes on me the whole time.

Napatingin ako sa paligid, everything looked elegant. Soft lights, tahimik ang ambiance, at may tumutugtog ng violin sa gilid. Hindi rin ganoon karami ang tao, kaya mas intimate yung dating ng lugar.

Pagpasok namin sa loob, mas lalo kong na-feel yung elegance ng place, he pulled out a chair for me, steady and effortless. Napangiti na lang ako as I sat down. It was such a simple gesture, yet it made my chest feel warm in a way I couldn’t quite explain.

Elsewhere Where stories live. Discover now