THAT ETHEREAL BOY

127 7 2
                                        

THAT handsome face seems too perfect for this world. So I therefore conclude that he's not human. And I mean that literally.

Dahil wala pang bumibili ng tinitindang popcorn ni Juda, heto siya't tinititigan ang guwapong lalaki na nakatayo sa tapat niya pero sa stage nakatingin. May mahabang hilera ng mga monoblock chairs sa pagitan nila. Nasa labas din ito ng barricade na nakapalibot sa events stage ng mall na iyon habang nasa loob naman siya. Pero nakuha pa rin nito ang atensiyon niya dahil matangkad ito at napakaguwapo pa. So, tatawagin niya itong "Ethereal Boy."

Siguradong hindi siya tagarito.

Maliit lang ang Malolos, Bulacan kaya kung may ganito kaguwapong lalaki sa area nila, imposibleng hindi niya ito makilala. Hindi niya alam kung bakit pero may fascination talaga siya sa mga nilalang na may kakaibang ganda. At kapag sinabi niyang guwapo ang isang lalaki, walang duda iyon. Wala ngang ibubuga kay Ethereal Boy ang mga local teen stars ngayon.

Only a boy that handsome could pull off a pale blonde modern mullet hair that would look funny on average guys. To be honest, his outfit was ridiculous for a tropical country in its summer season. Yet, thanks to his face, he could still give supermodels a run for their money.

Well, malamig dito sa mall pero nasa Pilipinas pa rin siya.

Mapapalagpas niya ang maroon beret hat nito pero hindi ang porma nito. Nakasuot kasi ito ng black trench coat at dark gray V-necked shirt sa ilalim. Black ripped jeans at burgundy leather boots naman ang kumumpleto sa mainit nitong outfit. Pero bumagay pa rin dito ang suot nito dahil magaling itong magdala ng damit.

It must be because he's as lanky as a runway model.

Mukha ring inosente ang lalaki habang may nakaipit na puting straw sa mga labi nito mula sa iniinom nitong gatas na naka-tetra pack.

He was cute, but a particular accessory seemed to make him hot at the same time: a necklace. Seriously, that thick black leather choker collar on his slim neck should seriously be illegal because it looked too sexy on him. Basing it on his face value, it was safe to assume that he was probably around her age. And teenagers weren't supposed to look this good already.

Mahirap mamili ng pinakamagandang parte ng mukha nito dahil wala siyang hindi nagustuhan dito. His profile specifically looked good since it emphasized his high-bridged nose and sharp jaw. Also, he had a V-shaped face, reddish lips, and pale yet clear skin.

Malayo siya rito pero nagliliwanag ang makinis nitong mukha na parang walang pores. Pero kung papipiliin siya, ang mga mata nito ang masasabi niyang best asset ng face genius na ito.

Yep, his best feature is definitely those pale blue eyes.

Ngayong na-assess na niya ang physical appearance ng lalaki, mas nakakasiguro na siya sa hinala niya.

Hindi tao ang lalaking 'to.

Hindi nga siya nagulat na wala halos pumapansin dito kahit pa nangingibabaw ito sa lahat ng mga tao sa paligid. Siya nga lang yata ang nakakapansin dito. Sigurado siyang may ginawa ito para ikubli ang presensiya nito sa mga ordinaryong mortal.

"Ate, can I have a bag of popcorn?"

Inalis ni Juda ang tingin niya sa Ethereal Boy para harapin ang batang babae (na tingin niya ay three o four years old lang) na nakatayo sa harap ng stall niya habang nakatingala sa kanya. Binigyan niya ng business smile ang first customer niya. Pero aaminin niyang napangiti talaga siya nang napansin niyang iwinawagayway nito sa kanya ang hawak nitong one hundred peso bill habang naka-tiptoe. Kinuha agad niya ang pera para hindi na ito mahirapan.

Cinnamon BoyWhere stories live. Discover now