Chapter 21
Days have passed at unti-unti na ring nagiging payapa ang lahat. I'm still living in my apartment, but Kuya, Kaleb and even Rosy were frequent there especially every weekend.
Kapag nasa trabaho ako, minsan bumibisita rin sila doon.
Madalas ko na ring kasama ang dalawang magbestfriend sa university, minsan kasama namin si Jared pero dahil sa nangyayaring problema sa bahay nila, madalas nauuna syang umuwi.
Pumayag na rin daw makipaghiwalay ang mama nya. Kaya alam kong mas lalong kailangan ang presensya nya sa bahay nila.
"I'll go now love." Jared kissed the top of my head. I nodded at him, waving my hand as he started walking towards his car.
Nang tuluyan na syang makaalis ay saka lamang ako pumasok sa apartment.
Hinatid nya muna ako bago umuwi sakanila. He was supposed to stay here with me pero tumawag ang mama nya while we're driving here, pinapauwi sya.
Nasa loob na ako nang maalala kong kailangan ko na palang bumili ng materials para sa project ko.
Sana pala naalala ko na kanina pa para sa mall nalang ako bumaba, doon pa naman mabibili ang ibang kakailanganin ko.
The moment I went inside the stationery section. I could already feel my eyes twinkling in excitement seeing cute things.
Kung marami lang akong pera baka araw-araw akong pupunta rito para makabili ng kung ano-ano.
"Look who's here, aren't you Cian's girlfriend?" Nanlaki ang mata kong napatingin sa kung sino mang nagsabi nun.
There I saw Mariel and her friends.
Isa sa mga kaibigan nya ang nagsalita, ngunit pareho sila noong isa pang kaibigan nya na nakataas ang isang kilay.
Humigpit ang hawak ko sa wallet habang tinititigan nila ako mula ulo hanggang paa.
Alam na pala nila pati ang mukha ko. I don't know if I'd be glad or scared by the fact that Mariel already knew my identity, o baka nga matagal na nyang alam.
"Stop it girls, don't waste your time looking at Ci's... Playmate." Madiing sabi ni Mariel sa huling salita bago ako tinitigan sa mata na parang may pinapahiwatig saka tuluyang umalis.
Sumunod ang dalawa na bahagya pa akong tinulak.
Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa papalayo nilang bulto.
Should I be glad that she didn't do anything bad to me? Or at least not yet.
Mariel was aggressive to any women flirting with Jared. Kagaya ng kuwento ng lalaki, palagi syang gumagawa ng paraan para lumayo sila rito.
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari noong kasama ko si Rosy, paano nga kung kilala nya na pala ako sa mga oras na iyon at sinadya nya ang pagtulak saakin.
If she does, baka nga hindi lang iyon ang pwede nyang gawin saakin.
Wala syang takot na makasakit ng tao para lang sa boyfriend ko. Lalo't malaki ang kumpyansa nya sa sarili.
The more reason I can't tell Jared about it. Dahil baka kapag sabihin ko sakanya, baka ikumpronta nya ang babae.
There were so many possibilities that she might blackmail him, or worse, he will choose her words over mine.
No, Jared will believe me, stop doubting your boyfriend Kallista!
Buong araw yun lamang ang naging laman ng isip ko at nawala lamang iyon nang tumawag si Jared telling me about his days with his mom.
STAI LEGGENDO
Just The Girlfriend (Vergara Trilogy)
Storie d'amoreVERGARA TRILOGY #1 Being cherished and loved were the only things Kallista Rori had ever wished for. After her aunt died, she had no choice but to learn how to survive on her own, growing up with no one to hold her when the world felt too heavy. The...
