Ending Part 3: Invitations

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tsk, magpapakasal na sila ni achi Kysha, tayo kelan??" 

Nanlaki yung mata ko doon sa tanong ni Ken sa kapatid ko. Mas napabilis tuloy yung pagbaba ko ng hagdan.  Pagbaba ko, sinilip ko sila at nakita ko yung pagsingkit ng mata ni shobe.

"Tsk, be a licensed doctor first. Di ba yan yung kasunduan natin?" paalala ni shobe.

"Promise yan Z ha. Pagkakuhang pagkakuha ko ng lisensya ko, papakasal agad tayo." hinawakan ni Ken yung mga kamay ni shobe at hinalikan ito, "I just can't wait to change your surname into mine. Xhianne Zyra Tan-Young.." itinaas pa ni Ken yung kamay niya at kinumpas, "O di ba bagay baby Z?"

Nakita ko naman yung palihim na ngiti ni shobe, "Oo na lang ako, bagay----"

"Eavesdropping?" 

Napatingin ako sa likod ko dahil sa biglang nagsalita, "Mom."

"Aren't they cute?" mom giggled, "I'm really happy that both of you found your 'The One'."

Kahit ako, masaya na. Gaya ng sabi ko, wala na akong mahihiling pa bukod sa isang bagay. Masaya ako para kay shobe dahil nakahanap siya ng katulad ni Ken na mahal na mahal siya, na kayang sabayan yung kakaiba niyang ugali at higit sa lahat, kaya siyang hintayin.

"Oonga pala anak, aalis ka na?" tanong ni mom.

Agad naman akong tumango, "Yes mom. Ihahatid ko lang yung invitation sa kanila."

"Ikaw kasi ayaw mo na lang via delivery.."

I just smiled, "Gusto ko lang imbitahin yung mga kaibigan namin personally."

Mom nodded, "Sabagay mas okay nga yun. O sige na, go now and I know you have alot to deliver."

I smiled and suddenly, I had this urge to hug my mom, "Mom, thank you. Thank you..."

She hugged back, "Ilang beses ka bang magpapasalamat sa akin anak? I didn't do anything. Siguro nga pinagkasundo ko kayo noon pero wala naman yun eh.. It's your hearts that decided to love each other."

At kahit kailan hinding-hindi ko pagsisisihang siya ang minahal ko.

Humiwalay ako kay mom at hinalikan ang pisngi niya. Paglabas ko, napatigil sa paghaharutan yung dalawa.

"O ahia!" 

-__- "Lul dude, ahia ka dyan." 

Napakamot naman siya ng batok, "Tanggapin mo na kasi Captain, magiging ahia din kita soon! Wahahaha! Di mo na ko pwedeng apihin! Wahahahaha."

Wow, saya niya ah.  -__-

"Tsss, di bale, si shobe naman mang-aapi sayo." nginisian ko na lang siya at tumawa naman si shobe.

Bitter CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon