Prologue

16 1 0
                                        

Asher

"Gusto kita, Asher." nag-echo sa aking tenga ang sinabi ng babae sa malambot na tinig. Nakatulala akong nag-iisip at pinoproseso ang kanyang sinabi. Ano raw? gusto niya ako? paano at ano nalang ang nagustuhan niya sa akin dahil kung tutuusin, hindi niya naman ako lubos na kilala. Nginitian ko na lamang siya at dali-daling umalis sa kinatatayuan namin dahil meron pa akong next subject na Calculus.

Habang naglalakad ako papuntang classroom, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng babaeng 'yon. Ano ba ang nagustuhan no'n sa'kin? eh hindi ko nga siya kilala. Lakas ng tama no'n ah?

Hindi ko talaga maintindihan yung mga taong nagkakagusto sa isang tao kahit hindi mo pala sila lubusan na kilala. Kahit anong isip at intindi ko, hindi ko talaga ma-gets. Siguro kung may subject kaming ganito, bumagsak na'ko. Buti nalang talaga wala. hah!

Pero seryoso, hindi ko talaga ma-gets yung concept ng pag-ibig. Ewan, basta sa tuwing may naririnig akong seryosong usapan tungkol d'yan, tumatayo balahibo ko. Cringe. Basta ayokong pinag-uusapan yung mga gano'n. Kaya hindi na ako magtataka kung masasabihan akong bitter eh.

Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na nagkakagusto sa isang tao o kaya pumasok sa isang relasyon. Wala pa nga akong nagiging crush simula no'ng baby pa ako eh.

Nakarating ako sa classrom ng saktong 10 a.m ng umaga pero wala pa rin ang teacher namin. Kaya ang mga kaklase ko ay maingay na nag-uusap, meron naman mga naglalaro, mga nag-aaral, at s'yempre, hindi mawawala d'yan ang mga nagc-chismisan. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at inilapag ang aking ulo sa mesa ng upuan upang magpahinga saglit, napagod din kasi sa paglalakad. Ang layo ba naman ng canteen sa classrom namin!

At dahil malayo, binilisan ko talaga yung lakad ko kanina, ayoko kasi ma-late eh. Strict pa naman 'to si miss. Ma-late ka lang ng isang minuto, sa labas ng classroom ka talaga magkaklase. Kaya walang pang nalalate sa klase nito ni miss eh, lahat kasi kami takot sa kanya. Pero kahit gan'yan siya, favorite teacher ko pa rin siya! Pasalamat siya favorite subject ko ang Mathematics.

Maya-maya, may naramdaman na akong pagbukas ng pinto at mabigat na yapak ng mga paa sa sahig namin na bagong floorwax lang. "Good morning, Miss Grace!" bati ko at ng mga kaklase ko sa kakapasok lang na teacher namin. As usual, naglesson lang ulit siya at nagpasagot ng mga example problems tungkol sa lesson namin. Nagparticipate rin ako kasi sayang plus points eh. Madali lang din naman yung mga kailangang i-solve sa blackboard.

Natapos din ang klase namin bandang 12 p.m at nagpaalam na ang teacher namin. Meron pa dapat akong next subject–which is Chemistry. Pero hindi raw makakapasok yung teacher namin d'on, may seminar daw kasi. Pero okay na rin 'yon, maaga ako makakauwi, heh! Gusto ko pa kasi matulog, napuyat kasi ako kagabi kakanood ng ghibli.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, nakita ko agad si Floryn–ang mama ko. Nagdidilig si mama ng mga halaman niya. Magutom na talaga ang lahat, 'wag lang ang mga halaman niya. Mas mahal niya pa nga ata 'yan kaysa sa'kin eh.

"Nak, may pagkain na r'on sa mesa. Tinakpan ko lang baka kasi galawin ni Oreo. Kumain ka na lang at linisin mo ang mesa pagkatapos mo." Ang nakangiting salubong sa'kin ni mama na nginitian ko rin at tinanguan at dali-daling pumasok sa bahay at diretso sa kusina. Kanina pa talaga ako gutom.

Pagkarating ko sa kusina, naabutan ko pa si Oreo, ang siamese na alaga naming pusa na sinusubukan tanggalin ang takip sa ulam na tinakpan ni mama. Kakulay kasi ng Oreo na biscuit kaya 'yon nalang din ipinangalan namin sa kanya. Sinaway ko agad ito at binigyan ng kaonting piraso para hindi manggulo sa'kin habang kumakain.

Ito talaga yung the best feeling eh, yung uuwi ka galing school tapos may nakahandang pagkain na para sa'yo na luto ng magulang mo. Adobong Manok pa yung ulam! kaya love na love ko talaga mama ko eh. Alam niya kasi mga paborito kong ulam. Kumbaga, kabisado niya na ako.

BluemingWhere stories live. Discover now