CHAPTER 15 of 15: "Dexter" (Finale)

Începe de la început
                                    

Tumabi sa'kin si Melody. Tiningnan muna niya ang damit ko na punong puno ng dugo, bago siya umupo..

"Hi Dexter! What happened?" Tanong niya sa'kin.

"Ah. May itinakbo kasi akong pasyente. Nasagasaan. Tinakbuhan nung nakasagasa." Matipid kong sagot sa kanya.

"Ah, hit and run din. Parang eto," kuwento ni Melody sabay turo sa pinto ng katabing kuwarto. "Eh nasaan yung pamilya ng taong tinakbo mo?"

"Wala pa nga eh. Kinontak na daw sila ng ospital. Mag iisang oras na hindi pa rin sila dumarating." Sagot ko naman.

Kinumusta ni Melody ang trabaho ko. Reporter siya. Kaya sigurado akong alam niya na wala na ako sa istasyon na nakadiskubre sa akin.

"Eh bakit di ka makipag negotiate sa ibang network?" Tanong ni Melody sa akin.

Nginitian ko lang siya.

Maya-maya pa umalis na si Melody. Iba daw kasi ang assignment niya. May hinatid lang daw siyang mga files sa kasamahan niya.

Makalipas ang ilang minuto..

May lumabas sa kuwarto ni Mr. Mariano. Isang doktor at isang nurse. Hinarang ko yung doktor para tanungin kung kumusta na yung pasyente.

At gaya nga ng sinabi ng nurse sa lobby, pinaliwanag sa akin ng doktor kung bakit imposible nang mabuhay si Mr. Mariano.

"Nasa nurse sa baba ang mga personal belongings ng pasyente, yung cellphone niya, yung wallet, at yung bulaklak na dala-dala niya." Sabi ng doktor bago nagpaalam. May aasikasuhin pa daw kasi siya.

Agad akong dumeretso sa lobby. Tinanong ko si Miss Espinosa sa baba kung nasaan yung mga gamit ni Mr. Mariano. Agad naman niyang inabot sa akin ang lahat. Sinabi ko kasing gusto kong gamitin ang cellphone ni Mr. Mariano para tawagan ang kahit sino sa mga kamag-anak niya.

Hindi sumasagot ang mga tinawagan ko.

Napatingin ako sa cellphone ni Mr. Mariano. Na-curious ako sa laman ng cellphone niya. Gusto kong makita ang mukha ng mga taong iiwan niya. Baka may mga litratong naka save dito..

Tama nga ang hinala ko. May mga pictures. May mga video.

Pinanuod ko ang isang video.

Isang babae ang nakita ko sa isang video. Kumakanta siya ng "Until The Time Is Through", isang lumang kanta ng isang boyband.

Yung isang video naman, kumakanta pa rin yung babae, "If You Come Back" naman. Kanta din ng isang boyband.

Parang pamilyar yung babae. Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan, at kung kelan.

May isa pa akong video na pinanuod. Nag-uusap si Mr. Mariano at yung babaeng kumanta sa mga video na pinanuod ko.

"Hi Tay, oh kanta ulit ako ha... Hahaha.." Sabi nung babae. Si Mr. Mariano yung nag-rerecord ng video.

Ang saya-saya nung babae.

Halatang mahal na mahal niya ang tatay niya.. Ang tatay niya na ilang oras na lang eh iiwan na siya..

Passport to Lurve (Love) [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum