Prologue

6 0 0
                                        

Prologue: The Mission

"Aray 'Nay!"

"Jusko naman Ibyang! Hindi ka na natuto! Kebabae mong tao, nakikipagbasag-ulo ka sa kanto. Talagang gusto mo kaming tumanda agad ng tatay mo, 'no?"

Heto na naman siya. Parang hindi na nasanay si nanay. Buhay pa naman ako. Hahayaan ko bang mamatay ako diyan sa kanto? Subukan lang nila. At saka 'di ko pinangarap na diyan sa kanto mamatay.

"'Nay, sila nga sabi ang nauna-"

"Kahit sino pa ang nauna wala ka pa ring karapatan na makipagsuntukan. Tingnan mo nga nangyari sa labi mo, putok oh!"

Hindi ko alam kung saan ako magpo-pokus. Kung sa sugat ko ba sa labi na kada dampi ng nanay ko ay may kasamang hinanakit o sa talak niya na paulit-ulit ko nang naririnig.

Kahit pa ganito sila sa akin na galit na galit kada mapapalaban ako, hinahayaan pa rin nila akong lumabas at gawin ang gusto ko. Kaya hindi ko rin hinahayaan ang sarili ko na mapuruhan dahil may uuwian pa akong pamilya.

Simple lang ang pamilya namin. Literal na simple. Si nanay, si tatay, at ako. Mula pagkasilang, dito na talaga ako sa bayan ng Mariluna lumaki. Kaya kilalang kilala na ako ng bawat tao na namumuhay dito. Syempre, kaakibat no'n ay chismis. Wala naman akong pakialam kung pagchismisan nila ako. Sa ganda ko ba namang 'to.

Matapos ang paggamot at pagsermon sa akin ni nanay ay siya namang pagdating ng aking ama. Syempre, another sermon ulit. Ibang version nga lang. Point of view naman ni tatay.

"Isabella ha, baka hindi mo alam may internal damage pala yang mga nakukuha mong pasa. Umiwas ka na sa gulo, anak."

Lagot, nagsalita na si master Antonio. Si nanay ay pumunta na sa kusina upang ipainit at ihain na ang pagkain sa lamesa. Naiwan kami ni tatay sa sala. Paano ko tatakasan ang sermon ni tatay? Basic.

"Opo, 'Tay. Sandali po, tulungan ko lang ang nanay sa paghahain ng pagkain." Bago pa siya magsalita ay dali dali na akong tumayo upang pumunta ng kusina.

Mas deep kasi makipag-usap si tatay. Tapos maya maya, i-bi-bring-up niya pa ang boypren boypren na kesyo magboypren na lang daw ako para siya na makipagsuntukan para sa akin. Eh kaya ko naman kahit ako lang! Independent 'to boi!

Kahit masakit pa ang mga tama ko, pinilit ko pa ring tulungan si nanay. This is my routine. Kapag may pwedeng maitulong, tutulong at tutulong ako. Hindi pwedeng hindi. Iyan ang isa sa turo sa akin ni nanay at tatay-ang maging matulungin. Well, kaya ako napapaaway 'e. Kahit hindi ko laban, lumalaban ako. Baka kasi kailangan nila ako.

"Sabado pala bukas, Isabella. Marami tayong gagawin sa mansiyon ng mga Cordova. Balita ko ay may uuwing mga bisita ang Donya."

Ang mga Cordova ang pinakamayaman at makapangyarihan sa Mariluna. Sila ang pangunahing pinagkukunan ng mga gulay na inaangkat at dinadala sa karatig na mga bayan. Sila rin ang may-ari ng pinakamalawak na hacienda. Si Donya Adel na lamang ang natitirang Cordova na nakatira rito sa Mariluna. Ang kaniyang mga anak ay mayroon nang mga pamilya at mas piniling manirahan sa syudad. Bumibisita naman sila rito tuwing bakasyon kasama ang kaniyang mga apo ngunit hindi rin sila pinapayagang lumabas ng mansiyon. Himala nga yata kung ituring na may darating na mga bisita ngayon ang Donya. Katatapos lamang kasi ng summer. Pasukan na nga namin kung tutuusin.

"Sino ang darating na mga bisita, 'Nay? Alam mo ho ba?"

Umiling si nanay.

"Wala akong ideya. Makikita na lamang natin."

Mabait si Donya Adel. Ang nanay ko ang isa sa pinakamatagal nang nagtatrabaho doon bilang katulong. Kaya't nang nagkaroon na ako ng muwang, hiniling ko sa aking nanay na magtrabaho rin doon. Kilalang kilala na rin ako ng Donya. Tuwing summer at weekends lang ako nakakapagtrabaho. Okay na rin yun para kahit papaano, may pera akong matatawag na sa akin at makakatulong din ako sa aking mga magulang.

Strawberries and CigarettesStories to obsess over. Discover now