1

5.9K 150 21
                                    

A/N:

I deleted the first update. Maraming mali po kase. Sareeehhh tao lang... hehehe
BOBO lang po talaga ang otor. (*^﹏^*)

Sino nanood ng YaKie wedding? Yeheyyyy peke ang kasal.

AlDub you all... hakhak

So, ito na...

"ANGELINEEEE..."malakas na tawag ni San Jimmy sa pangalan ko.

Mukhang alam ko na kung bakit ako nito tinatawag.Si San Jimmy ang taga bantay ng langit at pinuno ng mga anghel.

Dinig kong tinawag ulit ako ni taga bantay. Natigil ang lahat ng anghel sa kani -kanilang ginagawa, nakita nilang paparating ang taga bantay.

Lumapit ako kay taga-bantay.
"Ano po iyon taga-bantay? Dinig ko pong tinatawag ninyo ako. "Yumukod ako bilang paggalang.

Seryoso akong tinitigan ni taga -bantay. Sabay tanong ."Saan ka nanggaling?"sabi ko na nga ba alam ko na ang pakay nito sa akin.

Lagot!

"Sa-"napalunok ako, para bang may nakabara sa lalamunan ko. "Sa lupa po ,taga -bantay. "Yukung-yuko ang ulo ko ng magsalita ako.

"Sa lupa,... alam mo naman na mahigpit na ipinagbabawal sa inyo ang pagbaba sa lupa, lalo na sa isang baguhang tulad mo. Pwede kayong bumaba sa lupa kung may misyon kayo o utos mula sa ating Dakilang Lumikha. Pangatlong beses mo na itong ginawa Angeline, hindi na namin ito mapapalagpas pa."sermon ni Taga-bantay. Oo, tama ang sinabi niya pangatlong beses ko na itong pagbaba sa lupa na walang pahintulot.

At, Oo bago pa lang akong anghel, makikita ito sa kulay at laki ng aking pakpak. Ang sa akin ay pinagsamang kulay ng puti at dilaw at maliit ito, ang sa kanila ay malaki at purong kulay puti na kumikinang kinang pa.

"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan, di ko lamang po napigilan ang udyok sa aking sarili na bumaba sa lupa para po hinihila ako ng sarili kong mga pakpak na pumunta sa lupa. "Tumingin ako kay Taga -bantay, nakatingin din ito sa akin naka kunot -noo.

"Ano ang ibig mong sabihin? "Tanong nito.

"Kase po sa tuwing bababa ako sa lupa, iisang lugar lang po ang pinupuntahan ko. Parang ay sariling isip ang aking pakpak at doon nito ako dinadala,sa isang ospital."

"Ano ang yung mga nakita? "

"Wala naman pong kakaiba, bukod sa mga paroo't parito na mga tao, sasakyan, mga doktor at nurse, yun lang. Kaya nga po ako nagtataka,anong meron sa ospital na yun. "Naguguluhan kong sagot. Kung nakakausap ko lang ang aking pakpak ay matagal ko ng ginawa. Gusto kong malaman kung bakit, at ano meron sa ospital na yun.

"Pakiramdam ko po ay may kung ano sa ospital na yun na konektado sa akin. "Pagpapatuloy ko.

Nanlaki ang mga mata ni taga-bantay ng marinig ang sinabi ko. Tila bang ito'y gulat na gulat sa narinig.

"Bakit po taga-bantay, may mali po ba sa aking sinabi? Bakit tila gulat na gulat kayo?"

"Wala naman. "At nag-iiwas ito ng tingin.

May tinatago sa akin si taga-bantay, ramdam ko. Sa ekspresyon pa lang nito kanina ay halatang may itinatago ito sa akin.

"Dahil nakagawian mo rin lamang ang bumaba sa lupa, binibigyan ka ng ating Dakilang Lumikha ng isang misyon, bilang parusa na rin sa kapangahasan mo. "Pag-iiba nito sa usapan.

Misyon? Anong klaseng misyon?

"Ano pong misyon ko?
Ito ang kauna -unahang misyon ko. Kinakaban ako.

May iniabot si taga -bantay na puting sobre sa akin.

Kinuha ko yun at binuksan. Larawan. Isang larawan ang laman ng sobre. Larawan ng isang lalake.

"Sino po ang lalakeng ito?"tanong ko at ipinakita ko pa ang larawan.

"Siya si Nico Mendoza. Siya ang magiging misyon mo. "

Tinitigan ko ang larawan. Magandang lalake. Maputi. Napakaganda ng kanyang ngiti na mas lalo pang naging kaakit akit dahil sa biloy nito sa pisngi. Makinis ang balat,parang artista.

"Ano po ang magiging misyon ko sa kanya? "Tanong ko kay taga-bantay at ibinalik ko sa loob ng sobre ang larawan.

"May papel diyan sa loob, nakasulat lahat ng detalye tungkol sa lalakeng yan. At nakasulat din diyan kung ano ang magiging misyon mo sa kanya. "

"Kelan ko naman po sisimulan ang aking misyon? "

"Ngayon din. "

"Ngayon pala,eh-,...A-ano po ngayon na?gulat na gulat ako.Ngayon na talaga?Seryoso?

"Oo,ngayon na.At bago ko makalimutan,gagawin mo ang misyon mo hindi bilang anghel,magiging tao ka.Ibig sabihin,walang kapangyarihan at wala din yang mga pakpak mo."hala!Paano ko gagawin ang misyon ko kung wala ang mga ito.

Siguro parte pa rin ito ng parusa sa akin ng Dakilang Lumikha.

"BAkit naman po taga-bantay.Wag naman po-"

"Ang utos Niya ay di mababali ANgeline.GAwin mo na lamang ang iyong misyon."

Ano pa nga ba ang aking magagawa.

"Ngayon din,ora mismo...bababa kana sa lupa."dugtong ni taga-bantay.

"Ha?Sandali lamang-"naputol ang iba ko pang sasabihin ng biglang bumuka ang ulap na kinatatayuan ko.

Nawalan ako ng balanse,di ko kase napaghandaan.Buti na lamang at di ko nabitawan ang sobre .Ikinampay ko ang aking mga pakpak.

Bakit ganito?NAhihirapan akong lumipad?At habang papalapit ako sa lupa,paliit ng paliit ang mga pakpak ko.

NAalala ko ang sinabi ni taga-bantay.Mawawala pala ang pakpak ko.at ang kapangyarihan ko.

Wala ng saysay ang pagkampay ko.Mahuhulog ako.

Nanlaki mga mata ko ng makita ko kung ano ang.aking kababagsakan.

Tubig!

"Ahhhhhhhhhh....!!!"

My Maid from Heaven    (AlDub/MaiDen/MaiChard) (Book 1 Complete)Where stories live. Discover now