Chapter 14: Isang Panaginip

Start bij het begin
                                    

Hindi ko na siya kinausap hangga't nakarating kami ng pavillion. Nang malapag na namin ang mga pagkain sa mesa, magsasalita na sana ako para magpasalamat sa kanya kaso mukhang magaling magbasa ng utak ang mayabang.

"Alam ko na 'yan. You are welcome Ms. Secretary." Sabi niya. "Ang lakas mo kaya sa akin." Kininditan niya muna ako at saka siya tuluyang umalis.

Nakumpirma ko nga na mayabang nga ang Edison na iyon pero simula noon aaminin ko medyo crush ko na siya.

Akala ko 'yun na ang una at huli namin pag-uusap. After kasi nun, parang balik lahat sa normal. Sino nga ba naman ako para pansinin niya? Isa lang naman din ako sa mga typical na estudyante. May pagka-nerd pa. Baka naman siguro sadyang nasapian siya ng kunting kabaitan ng araw na iyon kaya niya ako tinulungan.

Until dumating ang Zone Meet, it was an annual competition among private schools sa aming province. May iba't ibang category na pwede ka makipag-compete, academics, sports, literary, dance, singing or even arts. At dahil nga may pagka-nerd ako, sa academics ako isinabak particularly sa General Information quiz bee.

Dalawa ang contestants from each schools. I was wondering kung sino ang partner ko. Nasa may library ako noon at hinihintay ang coach namin.

"Akalain mo nga naman Ms. Secretary, mag-partner tayo." He pulled a chair beside me at umupo. "Hello!"

"Si Edison nga pala ang partner mo Gene." Sabi ng coach namin. Seryoso ba siya? Anong alam nitong lalaking 'to? Eh mukhang puro kayabangan lang ang alam nito.

"Okay po." Matipid na sagot ko.

"Aww . Ayaw niya ata ako kapartner sir."

Napatingin tuloy si Coach sa akin. "Hindi po gusto ko." Loko 'tong mayabang na 'to.

"Eh gusto ka naman pala." Sabi ni coach.

"Alam ko sir. Naninigurado lang. Gusto talaga ako nito." Sabay kindat sa akin. Bigla naman akong nag-blush. Bakit parang may iba pang kahulugan 'yung sinabi niya? Ang feeling talaga eh.

"O wag mo na asarin Edison 'yan si Gene. Let's have a warm up. I'll start asking you questions at padamihan ng tamang masasagot okay?"

Hindi naman pala puro kayabangan ang alam ni Edison. Pero may maipag-yayabang talaga siya. He was so good. Halos lahat ata ng tinanong ni Coach nasagot niya. Mukhang ang dami niyang alam from World and Philippine History to Current Events, saulo niya ata. Nakakasagot din naman ako pero siya kasi he has well detailed explanations pa sa answers niya. And I was amazed. May tinatagong katalinuhan pala ang mokong.

Everyday after class ang training namin for the contest. I was looking forward for it every single day. Feeling ko mas nakikilala ko lalo si Edison. Bukod kay coach, everyday may mga articles and facts siya na shine-share sa akin. Kung minsan kung makapagkwento siya ng isang historical event akala mo eh talagang nabubuhay siya sa panahong iyon. Ang galing niya kasi. Akala ko nerd na ako pero mas nerd pala siya.

After ng training namin for the quiz bee, diretso siya agad sa gym para naman sa basketball practice nila. Wala nga siyang kapaguran. Naisip ko tuloy ang sipag naman niya. One time, ininvite niya ako manood ng pratice nila. Wala ako alam sa basketball pero masasabi ko magaling siya maglaro. At dahil sa kanya na-appreciate ko na ang basketball. Hanggang sa everyday after ng training namin for quiz bee eh sumasama na ako manood ng basketball practice nila.

After ng practice nila, sabay kami lagi umuuwi. Kung anu-ano minsan napagkwe-kwentuhan namin. He has a lot of sense of humor. Kaya tuloy mas lalo ko siya naging crush.

BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYARE?! ( TAGLISH EXO Fan Fiction)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu