Chapter 1:

147 7 4
                                        

Becky's POV

“Becky! Rebecca Patricia Armstrong! Gising na! Isang oras nang naghihintay ang girlfriend mo sa baba!”

Naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni Mommy habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko. Nagtaklob ako ng kumot, ninanamnam yung lamig ng aircon at yung antok na ayaw ko pang iwan.

“Mom, five minutes...” I groaned, kahit alam kong wala nang talab ‘yon sa kanya.

“Anong five minutes? Kanina pa tapos mag-kape si Freen. Huwag mong paghintayin ang paborito kong manugang. Baka bawiin ko ang basbas ko!” natatawang hirit ni Mommy.

Doon ako napadilat. Si Freen.

Mabilis pa kay Flash akong napabangon. I checked the clock—7:30 AM na! 8:00 AM ang first class ko sa university! Halos madapa ako patakbong banyo. I brushed my teeth, washed my face, and fixed myself in just ten minutes. Kahit medyo messy pa ang hair ko, sinuot ko agad ang uniform ko at mabilis na bumaba ng hagdan.

Pagdating ko sa dining area, napatigil ako at napangiti.

Freen was leaning against the kitchen counter while holding a mug of coffee, nakikipag-usap siya kay Mommy. She looked so neat in her polo, and her glasses were slightly sliding down the bridge of her nose.

Siya talaga ang definition ko ng perfect morning.

“Finally! The sleeping beauty is awake,” nakangiting sabi ni Freen nang makita ako. Hindi alintana kahit nasa harap namin si Mommy, she kissed my forehead and cheek. “Good morning, love. Did you sleep well last night?”

“Good morning,” sagot ko habang nakapulupot ang kamay sa bewang niya. “Sorry, napuyat kasi ako kagabi doing my project. Bakit hindi mo ako ginising pagdating mo?”

“Ayaw kitang maistorbo, I know you need your rest,” she said softly. Inabot niya sa akin ang isang pink lunchbox. “I prepared your breakfast. Sa kotse mo na kainin para hindi ka ma-late sa Major class mo.”

“Aalis na kami, Mom. Love you!” sigaw ko habang hila-hila si Freen palabas ng pinto.

“Mag-ingat kayo, ha? Freen, bantayan mo ang anak ko!” pahabol ni Mommy.

Pagdating sa loob ng sasakyan, hindi ko agad ito pinaandar. I watched Freen as she adjusted my seatbelt and locked the door. Humarap siya sa akin and gently caressed my cheek.

“You look extra beautiful today, Becbec,” mahina niyang sabi. That voice... it always calms me down.

“Kahit magulo ang buhok ko?”

“Kahit bagong gising ka pa, ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko,” she replied before kissing the tip of my nose.

Pinagsiklop ko ang mga kamay namin habang nakapatong ito sa gear ng kotse.

“Let’s go? Baka ikaw naman ang ma-late sa class mo.”

Habang nagmamaneho, pasulyap-sulyap ako sa kanya. She was just leaning back, happily listening to the music. Paminsan-minsan, sinusubuan niya ako ng egg sandwich na niluto niya.

Pagkaparada ko sa university parking lot, hindi agad bumaba si Freen. She grabbed a comb from my bag and started fixing my hair.

“Ayan, mas mukhang tao ka na ulit, Becbec,” biro niya habang pinagmamasdan ang gawa niya.

“Grabe ka! Pero salamat, love,” sabi ko sabay hablot ng bag ko sa backseat.

Magkahawak ang aming mga kamay, isang bagay na naging normal na sa amin dito sa campus. Sanay na ang mga tao na makita kaming laging magkasama—ang paboritong power couple ng batch.

“Wait, let me carry that,” prisinta ni Freen nang mapansin niyang medyo mabigat ang bitbit kong laptop at bag.

“Kaya ko naman, freen” Sabi ko.

“I know, but I'm here. Bakit mo papagurin ang sarili mo kung nandito naman ang girlfriend mo?” Kindat niya bago sinabit sa balikat niya ang bag ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Paminsan-minsan ay may bumabati sa amin na mga kaklase, at laging nakangiti si Freen sa kanila. Iba talaga ang dating niya—mabait, matalino, at laging maayos dalhin ang sarili.
Nang makarating kami sa tapat ng room ko, hahawakan ko nasa yung door handle pero hinila niya ako pabalik.

“Wait love. take a breath first,” Sabi ni freen habang inaayos ang collar ng uniform ko. “I know you're stressed about your major project, but don't forget to breathe, okay? Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo.”

Napabuntong-hininga ako. Siya lang talaga ang nakakaalam kung kailan ako kailangan pakalmahin.

“I’ll try, Freen. Pero alam mo naman si Prof, right? Sobrang strict.”

“I know. kaya nga I made sure na favorite breakfast mo yung nasa lunchbox mo. Para kahit paano Humanda ang mood mo mamaya," she winked. “If you need anything—kahit quick call lang during break—just let me know. I'm always here, okay?

I felt my heart melt.

“How did I get so lucky to have you?”

“Actually, ako ang lucky,” Sagot niya sabay pisil ng ilong ko. “Now go. Baka I-lock na ni proof yung pinto. Malate kapa lalo.”

“Kiss muna,” hirit ko, trying to act cute.

Natawa siya nang mahina bago mabilis na hinalikan ang labi ko.

“There. Energy boost for my favorite person. See you later, Becbec. I’ll pick you up after your last class.”

“See you later, love! Mag-ingat ka rin sa class mo!”

Pumasok na ako ng room na may malawak na ngiti. Kahit gaano pa kahirap ang araw na ito, alam kong Everything will be fine basta’t nasa tabi ko siya.

The scripted tragedyWhere stories live. Discover now