"Hindi, babae..." I told her. "I need medic here!" I said, mabilis naman na may dumating sa pwesto namin. Nakita ko pa ang mga lalaking humabol sa amin ay hawak na ng mga pulis. Isa-isa silang pinapasok nito.

"Babae, bubuhatin lang kita." hindi sumagot si Ashley. Binuhat ko si'ya at ako na mismo ang umakyat at naglagay sa kanya sa emergenciy bed. Natataranta ako dahil sa iyak niya. Ayaw nadin tumigil ng mga luha niya.

Agad naman chineck ng medic mula sa loob si Ashley.

"Okay lang ba si'ya?" hindi nila ako sinagot.

Tiningnan nila ang mata ni Ashley pati ang ibang parte ng katawan nito kung may galos. Wala. Tanging ang binti lang. Palakas padin ng palakas ang iyak ni Ashley. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Babae, don't cry... Andito lang ako." parang hindi niya ako naririnig. She kept on crying. Binigyan si'ya ng pamapakalma, maya-maya nakatulog si Ashley. Tinitigan ko si'ya sa buong byahe. How her face looks so stress lately.

Alam kong isa ako sa mga taong nagbigay nito sa kanya. But please God... Sana mapatawad niya ako. Nang makarating kami sa hospita ang daming media. Mukhang nakita na ng buong mundo ang nangyari. Agad akong sumunod sa kung saan kwarto inilagay si Ashley pero hinarang lang ako ng boss ko para tanungin ako sa mga nangyari. I told him my answer.

**

"Gising na si'ya." sabi sa akin ng nurse. Pagkarating ko mula sa office dumeretso agad ako sa hospital. Good thing, nahuli na ang lahat na may kinalaman sa kasong 'to. Pwera lang kay Garreth, he's hiding somewhere. And of course, I won't tell anyone where he is. He's still my brother. Kahit parang gago kami na nag-aagawan sa isang babae palagi.

When he came back to save me. I know our brotherhood came back too. Gaya ng mga bata pa kami. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Ashley. Ngumiti si'ya ng pilit sa akin. Binigay ko naman ang mga prutas na binili ko para sa kanya.

"Gusto ko na umuwi. Hatid mo ko."

Natatakot ako sa tono ng pananalita niya. She's not her usual self. Hindi niya ako sinigawa o sinisisi. Napatango na lang ako. Inalalayan ko si'ya hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Ihahatid ko si'ya pagkatapos...

"I guess nabalitaan na ng family ko 'yung kalokohan ko na naman." aniya, habang nagdadrive ako.

Kinakabahan padin ako. Hindi ko alam paano magsisimula magpaliwanag sa kanya. "I'm sorry, babae..."

"Okay lang," tumingin si'ya sa bintana. "Sanay na naman ako. It's just I freaking hate myself for being too stubborn."

Napalunok ako. "Nahuli na silang lahat, babae."

"Good. Hehe." pilit ang tawa niya.

"Babae.."

"Hehehe." ako na nagsasabi sa inyo ang creepy ng tawa niya ngayon. Ibang kabaliwan na naman siguro ni Ashley 'to.

"May eexplain lang ako sa'yo."

"Oo nga pala." tumingin si'ya sa akin ng nakangiti pero hindi umaabot sa mata. "Yung kay Josa, right? Oh, Hunter. Don't worry. Okay na sa akin nagmove on na ako."

"Move on?"

"Kanina lang. Napagisip-isip ko na kung bakit nga ba pinagsisiksikan ko sarili ko sa'yo, kahit kitang kita naman ng lahat kung sino gusto mo."

"Babae, hindi ganon. Si Josa... Nung araw na sasabihin mo 'yung sagot mo. Tumakbo si'ya palayo sa akin at sinabi magpapakamatay si'ya."

"Good thing sinagip mo si'ya, noh?"

"Babae naman..."

"I'm serious, Hunter. Just this once. Seryosohin mo pagiging seryoso ko. Wala man sa mukha ko... Pero kanina, nung sumabog 'yung sasakyan. When I'm in the middle of life and death."

"You had first degree---"

"Kahit na!" sigaw nito. "Hindi mo alam pakiramdam kung paano matakot ng ganito. Hindi ko alam kung sa kalandian ko ba o sa pagiging maldita ko. Kanina nung akala ko nasusunog na buong katawan ko. Akala ko katapusan na ng buhay ko! And there's too much running in my mind, kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Dahil ba sa kakulitan ko o katigasan ng ulo ko? All I want is to be happy pero bakit ganito 'yung outcome? Bakit laging may conflict? Hindi ba pwedeng simpleng kwento lang?"

I don't want to tell her that it's her fault. Because I know it is mine too. Kung dumating lang ako ng mas maaga. Kung hindi ko muna kinausap si Josa. Kung hindi ako nagpadala sa emosyon ko noong gabi na 'yon. None of this would happen. But it did. Wala na akong magawa.

"Sorry... I didn't really mean to hurt you. Kung dumatng lang talaga ako ng mas maaga."

"Hindi sana ako matatauhan ng ganito." tumingin si Ashley sa akin. "You did a very nice job making me see everything. Pero Hunter kasi... Ayoko na ng ganito. Nakakatakot. Ayoko na... Ilan beses na akong umasa sa'yo. Ilan beses akong napahamak. Ewan ko ba, perfect match ata tayo ngkamalasan. Baka nga hindi ikaw para sa'kin."

"Babae naman.. It's not like that. Kaya nga nandito na ako para magpaliwanag." inihinto ko ang sasakyan. Because fuck, she's crying again. Natrauma ba si'ya sa nangyari? Siguro sobra. Kasalanan ko nga. "Wala na 'yung sa amin ni Josa."

"Freaking Hunter." natatawang sabi ni Ashley habang umiiyak. "Ilan beses mo na nasabi 'yan. Ilan beses nakong umasa. Last na talaga 'yung nangyari. Last na last na 'yon, quits na 'diba? You did your job. And I did everything just to save you both. . ."

"Babae, don't say that. I am here, let's start over." sabi ko sa kanya.

Umiling si'ya sa akin. "Ayoko na. Please Ayoko na talaga. Hindi na naman ako sasaya. Saka nakakatakot, baka may kumidnapna naman sa akin. Diba nga, you're supposed to be my bodyguard. Pero ayoko ng ganito, alam mo 'yon? Ayoko ng komplikado. I'm sorry... for saying this. Sorry kung ang bilis nagbago ng isip ko. Kanina lang, it hit me hard. Kung gaano nasisira ang buhay ko dahil sa kalandian ko the past weeks. I hate it."

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. She hated it. She hated me.

"But to tell you the turth, nagenjoy ako sa probinsya niyo. The atmoshphere and how welcome I am in your family.. Please tell them na nagpapasalamat ako Hunter. Gusto ko na lang muna talaga magpahinga. My brother's right. I need to act my age. That's why I'm doing this. I need to grow up first."

"Babae..." sabi ko sa kanya. "If that's what you want."

Ngumiti si'ya. "Yes... and thank you."

Sa buong byahe wala na nagsasalita sa amin. Ang hikbi niya lang ang nariringi namin dalawa. At kapag napapatingin si'ya sa binti niya naiiyak na naman si'ya. I think it remind her how much she suffered from the outcome of my job. Or Garreth's job.

Nadamay lang si Ashley sa alitan namin ni Garreth. Nagamit si'ya upang makuha ako. Pero sa bandang huli naransan niya kung gaano kahirap ang trabaho na pinapasukan ko. If I want her to be still involve with me there's a chance in the future that she'll experience this again.

I don't want her to see like this. Inihinto ko ang sasakyan sa malaking gate nila.

"Dito na lang, I can walk." lumabas si Ashley at huminto. "Hunter..." napalunok si'ya. "You're fired. Thank you sa pagligtas sa akin." she closed the door.

Hindi ako nakagalaw ng ilan minuto. Kahit nakapasok na si'ya. Kinuha ko sa likod ang illustration board na ginawa niya sa akin nung gabi na sasabihin niya ang sagot niya sa'kin. Napamura na lang ako habang binasa ulit ang nakasulat.

Yes, I choose you.

I thought she'll forgive me kaya ko dinala ito, akal ko rin mapapansin niya ito sa likuran ng sasakyan which can lighten her mood. Pero hindi. It's over.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now