"Ayeeeee!" naghihiyawan ang mga kaklase ko

Enebeyen! Kiligfufu!

"Here." Isinabit ni Dane ang bag ko sa balikat ko saka ako hinalikan sa forehead.

"See you later." Sabay tulak ng bahagya sa akin papasok sa loob ng room

Gosh hindi ko alam ang irereact ko.

Masyado bang PDA?

Nagpatuloy naman si Sir sa pagtuturo.

"Kayo ha! Ano yun?" bulong ni Bes

Itinaas ko ng bahagya ang kamay ko. Sign na mamaya nalang.

Hindi nya naman ako kinulit pa.

Hanggang sa matapos ang klase ng mga guro lutang parin ang isip ko.

****

Lunch Time!

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng biglang nagging busy bee ang room namin.

Siniko naman ako ni Jaja.

"Masyado mo atang inisip ang ginawa ko kanina?"

Iniangat ko ang ulo ko to see kung sya nga talaga ang nagsasalita.

He hold my hand.

"Lets go." Kinuha nya na ang bag ko tsaka ako hinila

Nilingon ko naman si Jaja. Ang lapad ng ngiti. Nag AJA pa sya sa akin.

Dinala nya ako sa department nila. Dun kami maglulunch.

Alam nyo yun?! Pagdating naming sa cafeteria nila hawak-hawak ya parin ang kamay ko kahit na maraming nagtitinginan.

Naloloka na ako.

"Wait here." Pinaupo nya ako.

Pagbalik nya may dala na syang pagkain.

"Lets eat!" masaya nyang alok sa akin.

Naninibago parin ako.

"Nextweek irerelease na ng school paper ang magazine. Ikaw ang front cover of course."

"Ahh." Wala akong maisip isagot.

"Baka bukas iinterviewhin ka nila."

Napatingin naman ako agad sa kanya.

"Ako?! Bat pa?!"

"Ikaw kaya ang student of the year. Haha! Ayos naman ang mga questions e!" he said

Hindi ko na sya pinatulan. Iniisip ko na ngayon ang mga itatanong nila sa akin bukas! Maloloka na talaga ako ng bongga!

****

Pagkauwian naman, hinatid parin ako ni Dane.

"Dane nilaklak mo ba ang asukal?" I asked habang papunta kami sa parking lot.

"Why?"

"Ang sweet mo kasi lately." I said

"Talaga? Im just being a good boyfriend. Hop in." he said

Sumakay naman ako agad sa kotse nya.

Feel ko hindi pa kami uuwi. Sa ibang daan kasi kami dumaan e.

"Don't worry nagpaalam na ako sa mom mo."

"San tayo pupunta sweetie patotie?" I asked

"Magnanakaw." He said seriously dahilan para titigan ko sya.

"Anong nanakawin natin?" Waa. Kinakabahan na ako! Hue! Imposibleng mahirap sila Dane. Hindi pwede! Papaano nalang ang future namin!

He hold my hand. Isang kamay nya naman sa manibela.

"Happiness." Nakangiti nyang sagot.

Phew! Akala ko ano na.

Nanakawin namin ang kasiyahan? Sounds fun.

Nag joy ride kami, hanggang sa makarating kami dito sa—ewan san to.

Bumaba kami sa kotse. Mahangin ang lugar. Malayo sa polusyon ng syudad. Napakarelaxing.

Sementado ang bridge and tanaw mo ang sunset. Ang ganda ng view. Ang ganda ng dagat.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sumigaw bigla si Dane

Tumabi ako sakanya

"Try to shout. Gagaan pakiramdam mo." He said ng nakatingin ng diretso.

I took a deep breath.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" I shouted

"I used to go here when Im sad, confused, mad..." Hinayaan ko syang mag emote. Minsanan lang naman e.

"So malungkot ka ngayon?" I asked

"You said I'm strange lately. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko." He said

I looked at him.

Pakiramdam ko maraming gumugulo sa isipan nya.

"I am mad at you." He looked at me na nakakunot ang noo.

"G-galit ka sakin?" Waaa! Bat naman sya magagalit sa akin. Huhu!

He looked away saka nagpatuloy magsalita.

"I guess, you don't need to teach me to love you back because Louie," this time nakaharap na sya sa akin.

Tumingala ako ng bahagya para matitigan din sya.

"I think I'm falling inlove with you." Pagkatapos nyang sinabi yun—hinalikan nya ako.

It's so passionate. Nakapulupot ang kamay nya sa waist ko and ako naman sa leeg nya.

Nagrurumble na sa isip ko ang mga nangyayare sa araw na to.

Dane just admitted na nafa-fall na sya sa akin. Tama nga namang let the gravity do the work. Hindi mo kailangang pilitin o diktahan ang damdamin ng isang tao dahil magmamahal ito ng kusa.

After that kiss, nakapikit lang si Dane and pinaglapat ang noo namin.

"Lets stay like this for a while." Sabay yakap sa akin.

Kahit lifetime pa Dane.

Kahit lifetime pa.

Status: Pseudo RelationshipDonde viven las historias. Descúbrelo ahora