CHAPTER 13 of 15: "White Lie"

Start from the beginning
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Feeling ko inunahan na ni nanay si Dexter. Parang na judge na niya yung tao.

On one hand, tama si nanay. Malaki ang posibilidad na masaktan nga ako. On the other, mabait naman si Dexter. Pero more than week ko pa lang siya kilala, kaya puwedeng lokohin lang niya ako.

Nakaupo ako sa sala, sa harap ng TV. Si nanay nasa taas pa rin, kasama si kuya.

Binuksan ko na lang yung TV, gusto kong mawala muna sa isip ko yung nangyari.

Si Maureen at Daryl ang guest ng morning TV show. Iniinterview sila. Mukhang nagkatotoo nga ang sinabi ni Dexter na mas sisikat silang dalawa dahil dun sa video.

"Oh, looking forward na ang sambayanan sa next teleserye niyo," tanong ng host.

Obvious nga na sikat na sikat sila ngayon -- as in, sikat na sikat. At tuwang tuwa silang dalawa, lalo na si Maureen, kasi lahat ng tao nakatutok sa kanilang dalawa ngayon.

Parang biniyayaan ng langit ang fans nilang dalawa.

Pinatay ko yung TV, parang ayoko munang makita ang kahit sino na connected kay Dexter.

Biyernes na ngayon. Bukas na ng umaga ang flight ng kapatid at father ni Dexter pa-Amerika.

Si Dexter naman, may tsansang makasabay sa kanila, lalo na kung may replacement passport na siya.

Nahihiya naman ako na tanungin si Dexter, o si Zonya kung meron na yung passport. Siguro pag bumalik si Dexter dito, tatanungin ko siya. Pero hindi ako sigurado.. Parang iba kasi yung itsura niya kanina nung bumaba siya after nila mag usap ni nanay.

Maya-maya pa, nakatanggap na ako ng text kay Dexter.

"Kahit binigyan kita ng flowers, you're still my personal assistant. 10 AM na wala ka pa sa condo.."

Nagulat ako. Bigla akong dumeretso sa CR para maligo.

Naka-ayos na ako nang umakyat si nanay.

Tinanong ni nanay kung saan ako pupunta. Hindi ko siya agad sinagot.

"Oo, alam ko anak gusto mo yung tao. Pero ang gusto ko lang naman eh walang mangyari sa'yong masama. Tingnan mo nga sa tuwing nagpupunta ang mga kagaya niya dito, sangkaterbang tao ang sumusugod sa bahay." Paliwanag ni nanay.

"Isipin mo na lang kung nagpapaligaw ka na sa kanya. Kahit may maskara pa siya o wala, malalaman ng tao yan. Kawawa ka rin. Kawawa tayong lahat."

Tiningnan ko si nanay. Niyakap ko siya.

"Alam ko nay, iniisip mo lang ang kapakanan ko kaya mo kinausap si Dexter. Bahala na kung anung mangyari. Basta ang importante eh kahit papaano, may magandang naidulot din ang lahat."

"Totoo yan. Lumakas ang laing ko," sabi naman ni nanay na natawa.

Masaya naman ako na kahit medyo nag tampo ako kay nanay kanina, eh nagagawa pa rin naming tumawa.

Umalis na ako ng bahay. Hindi ko na sinabi kay nanay kung saan ako pupunta, pero sigurado naman akong alam na niya.

Dumating ako sa condo. Si Manang Luz ang nagbukas ng pinto. Wala daw si Dexter, si Tito lang at si Zonya.

Dumeretso na ako sa kuwarto ni Zonya. Nakangiti siya.

"Ate, super happy ko kasi nakuha na ni kuya yung passport niya. Dumating kanina."

Nagulat ako.

Parang na-disappoint ako.

Dumating na pala yung replacement passport..

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now