CHAPTER 3: Baby Thalia

Magsimula sa umpisa
                                    



Determinado si Enrique na umamin sa mga parents niya by the time umabot ng four months ang dinadala ni Krista. Pinatapos muna nila ang mga exams at mga responsibilities sa school.


Then one day, hindi pumasok si Krista.


"Hmmm... baka tinamad lang 'yun. Papasok din 'yun."



Absent pa rin ito the next day, and the next, and the next until it reached the whole week. Naalarma na si Enrique. He then decided to talk to his Ate Sol.



"Ate Sol, I badly need your help.."



"What is it my little brother?" 



"I-I'll be a dad soon."


"Of course you will be a dad! Lahat naman ng lalaki nagpplano talagang magpakasal kapag tumatanda.." she replied with no malice while putting some jewelries on.



"No, that's not what I meant. I really mean na I'll be a dad soon."



Tinitigan siya ng kapatid. "Nakabuntis ka?"



Tumango lang ito.


Nabigla ang kanyang Ate Sol. Niyakap nito ang kapatid saka sinabi ang kanyang suspetsya. "You'll be okay. Akala ko pa man din bading ka. Glad to know that you're straight after all."



"Ate, that's another problem. Wala akong maalala sa nangyari sa amin ni Krista and one week na siyang hindi pumapasok sa school. Pwede mo ba akong samahan sa kanila? Please?"



"Wait... Krista your bestfriend? Gusto ka pala nun. Sige, sasamahan kita. Next time na lang kita sesermonan. Maybe it's better na puntahan muna natin siya."



Muli nitong niyakap ang kapatid. "Thank you Ate. I love you!" 




"Sus. Basta para sa'yo!"



~0~

Isang oras na sina Enrique at Sol sa tapat ng bahay ng pamilya Krista, pero walang sumasagot. Nagtanong na ang mga ito sa mga kapit-bahay, pero wala silang makuhang impormasyon. Maya-maya'y tinapik sila ng lalaking lasing – ang tatay ni Krista na si Mang Phillip.



"Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito?" 



"Hinahanap ko po si Krista. Matagal na po kasi siyang hindi pumapasok sa school. Nag-aalala nap o kasi kami..." paliwanag ni Enrique.



'Tila parang nagising bigla ang diwa ni Mang Phillip. "Wala na dito ang anak ko. Nilayasan na ako! Sinundan niya yung walang kwenta niyang ina! Umalis na nga kayo nakakairita!"


Bago pa man makapagsalita si Sol ay sinarahan na sila ng gate at binalaan pa na huwag nang babalik dahil itinatakwil na raw niya ang anak.



"Kapag makita niyo si Krista, pakisabi na lang na ayoko nang makita ang pagmumukha niya!"

The Drag Queen's Daughter [Wattys2015] [TNTPanalo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon