CAPRICE'S POV
Ang hirap pala manirahan sa Manila, 'no?
Natanggap kasi si mama sa in-applyan niyang trabaho sa Manila, kaya kailangan niyang manirahan doon. Ngunit hindi niya ako maiwan-iwan sa probinsya na mag-isa, kaya isinama na rin niya ako.
Mag-iisang buwan na mula ng manirahan kami ni mama sa Manila. Hindi pa rin ako sanay rito, iba talaga sa probinsya. Sa probinsya naman, tahimik lang, maraming mga puno, at halos lahat kilala mo naroon. Dito, kahit saan ka tumingin, napakaraming sasakyan, mausok, at sobrang traffic.
Naiilang ako sa dami ng tao at ingay, pero medyo exciting rin kasi parang bagong simula ko na rin ito.
Habang naglalakad papuntang school, napatigil ako nang mapansin ko na nasa harapan na pala ako ng gate. Ang bilis pala ng oras, halos hindi ko namalayan. Pagpasok ko sa gate, napansin ko ang maraming estudyante sa hallway.
"Ang dami." bulong ko.
Ngayon pa lang ako papasok kahit na dalawang linggo na nakalipas mula magsimula ang pasukan. Bagong lipat pa lang kasi kami ni Mama, inaasikaso pa lang niya ang pag-transfer ko rito. Kaya ngayon pa lang ako makakapasok.
Napaisip tuloy ako kung sino kaya ang magiging kaklase ko.
Mababait kaya sila? Sana naman, oo.
Sana may maging kaibigan ako sa mga kaklase ko. Hinanap ko agad ang ABM building at classroom ko.
Pagkarating ko sa harapan ng classroom ko pumasok kaagad ako sa loob, biglang tumahimik ang ingay na meron sa loob.
Napalunok ako at hindi ko pinansin ang tingin ng mga kalalakihan sa akin. Sa halip, nilibot ko ang paningin ko sa room. May nakita akong empty seat sa pinakadulo, kaya naglakad na ako papunta roon.
"Hi! I'm Caprice. Can I sit here?"
Tinignan niya ako saglit.
"That seat's not mine, do whatever you want." malamig niyang sagot, sabay irap sa akin.
Hindi ako nabigla. Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko habang nakangiti pa rin ako sa kaniya ngunit hindi niya ako nilingunan.
Hindi ba siya nakakaintindi ng tagalog?
Tahimik lang siya, pero ramdam ko na may aura siya na parang may kamalditahan. May something sa mga mata niya na parang kayang magpa-shut up ng kahit sino.
Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya, sinusuri kung bakit ang init na ng ulo niya sa ganitong kaaga.
Natauhan ako nang biglang pumasok ang teacher namin. Nilibot niya ang paningin sa amin, "Nandito na ba 'yong bago niyong kaklase?" tanong niya.
Itinaas ko kaagad ang kamay ko at sinenyasan niya akong pumunta sa harapan.
"Class, meet your new classmate. Pakilala ka sa kanila," saad niya pagkarating ko sa harapan.
"Good morning po. I'm Caprice Cayetano, 17 years old." ngiting pakilala ko sa kanila.
Nabigla ako nang naghiyawan ang mga kalalakihan. "Ayan, alam mo na pangalan niya. Tumigil ka na sana sa kakatanong mo," asar ng lalaking mukhang badboy sa katabi niya.
"Ang ingay mo, Anton!"
Hindi ko pinansin ang asaran nila. Bumalik na ako sa upuan ko at habang naglalakad pabalik, napansin kong nakatitig sa akin ang babaeng katabi ko.
Inirap niya ulit ako pagkatingin ko sa kaniya, pero ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko ulit sa kaniya, ngunit wala na naman akong natanggap na tugon mula sa kaniya.
YOU ARE READING
SINUNGITAN NA NGA AKO, NGINITIAN KO PA
RomanceA quiet and soft-hearted girl named Caprice transfers to a new school in Manila and finds herself seated beside Krystal, the most intimidating, cold, and sharp-tongued girl in class. But what happens when the girl who hates attention slowly finds he...
