CHAPTER 12 of 15: "Family"

Start from the beginning
                                    

Makalipas ang ilang minutong paghahanap, may dumating na maid. Kasama daw ni Dexter si Manang Luz. On-call daw siya. Pumupunta siya dito sa condo pag nasa Pilipinas si Dexter.

"Ay Manang Luz, wag na po. Ako na lang po magluto. Okay lang po." Sabi ko naman. 

"Ay sige. Maglilinis na lang ako ng kuwarto ni sir Dexter." Pagpapa alam naman niya.

Napagdesisyunan ko na sinigang na baboy na lang ang lulutuin ko kasi yun ang perfect sa mga rekadong nakita ko sa refrigerator. 

"Wow, sinigang. My favorite. Na miss ko din yan." Sabi naman ni Zonya na pinapanuod akong maghiwa-hiwa, at mag ayus ng kung anu-ano.

Habang nagluluto ako, nagtanong si Zonya kung kumusta na ang mga magulang ko.

"Patay na tatay ko eh. Yung nanay ko naman, nasa bahay lang. Laing in a bottle ang business niya." Kuwento ko naman.

Tinanong ni Zonya kung anu kinamatay ng tatay ko. Kinuwento ko naman.

Last year, na hit and run si tatay. Pero hindi siya on the spot na namatay, nadala pa siya sa hospital.

"At dun siya namatay? Ang lungkot naman ate. Pero naabutan mo ba siyang buhay sa ospital?" 

"Hindi eh. Si kuya at nanay lang." Sagot ko naman.

Pero bago ko pa makumpleto ang kuwento eh dumating si Tito Boy, "anu yang niluluto niyo?" Tanong niya.

"Dad, nagluluto si ate ng sinigang na baboy. Favorite natin." Sagot naman ng dalaga.

Ngumiti si Tito Boy. "Naku, sana pag nag asawa kuya mo magaling din mag luto gaya ni Ed."

Itong si Tito Boy naman, halatang inaasar din ako. Ngumiti siya sa akin, ngumiti din naman ako, at tinuloy na ang pagluluto.

"Si kuya mo pupunta dun sa network niya mamaya. May interviews siya at mga shows na bibisitahin. Sasamahan ko na lang." Kuwento ni Tito.

"Ed, samahan mo na lang si Zonya dito ha?" 

"Opo, wag po kayong mag alala. Ako bahala kay Zonya." Sagot ko naman.

Ngumiti si Zonya at si Tito Boy sa akin.

"Pero bago kami umalis, kakain muna kami ni Dexter dito. Mukhang masarap yang niluluto mo."

Kinabahan tuloy ako. Sana masarap ang kinalabasan ng sinigang ko. Yung sinigang mix lang kasi ang ginamit ko. Oh well, bubudburan ko na lang ito ng pagmamahal. Chos.

Tinulungan ako ni Manang Luz na ayusin yung pagkakainan namin. Sa bakanteng upuan daw sa tabi ni Tito Boy uupo si Dexter na naliligo pa, at kami naman ni Zonya magkatabi. Medyo magkalayo nga lang kami dahil sa wheelchair niya. 

For the first time, kaharap kong kakain si Dexter. Sana masarapan naman siya sa luto ko. 

Nakaupo na kaming tatlo ni Zonya at Tito Boy sa dining table. Tinawag na ni Manang Luz si Dexter na nasa kuwarto pa.

After a minute, dumating na siya, basa pa ang buhok pero nakabihis na. 

"Dadaan muna ako sa salon dad. Kailangan ko magpagupit." Pang bungad ni Dexter.

"Wow, sino nagluto neto? Si Manang Luz? Ang bango ah." 

Tumingin si Zonya kay Dexter. 

"Kuya, si ate Ed ang nagluto."

"Masarap ba to?" Tanong naman ni Dexter na tumabi na sa kanyang ama. Si Dexter ang naunang kumuha ng kanin, at nag salok ng sinigang. 

Kumuha na rin ng kanin si Tito Boy, at nahalata ko na nahihirapan si Zonya na abutin yung kanin -- pero bago ko pa matulungan si Zonya na kumuha, eh nauna na si Dexter.

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now