Hindi lang kasi si Madonna ang nagpapahirap sa’kin. Marami sila. May mga kaklase ko na palagi ako ang napagdidiskitahan. ‘yong iba, schoolmates lang din.

Ang dahilan?

Dahil rapist ‘yong ama ko.

At anak niya ako.

Mahal ko ang aking ama. Kahit na ganoon siya, ama ko pa rin siya eh. Kaso nung mawala siya at nalaman nilang lahat ang katotohanan, may mga pagkakataon na kinukwestyon ko na ang sarili ko kung bakit nagkaroon pa ako ng ganoong klase ng ama. Hindi ko maintindihan kung may nagawa ba akong mali noon para bigyan ako ng ganitong klase ng buhay na meron ako ngayon. Ang hirap na kasi. Para bang pinagkakaitan ako ng langit na mabuhay ng normal tulad ng iba dahil sa naging sitwasyon ng aking magulang.

Hay. Bakit pa ba ako nagrereklamo? Para namang mapapatigil nito lahat ng nang-bu-bully sa’kin.

Nakarating na ako sa aking destinasyon - sa old chapel nitong paaralan. Isa ito sa pinakatahimik na lugar sa buong campus dahil na rin walang pumupunta dito maliban sa’kin. May bago na kasing pinatayo malapit sa mga buildings kaya hindi na ito ginagamit pa.

Sobrang pasasalamat ko nga’t hindi ito pinagiba. Para kasi sa mga taong tulad ko na hindi naman masyadong tanggap ng nakakarami dito sa paaralan, kailangan ko talaga makahanap ng isang lugar kung saan may kalayaan ako at wala akong takot na masaktan.

Itinulak ko ang pinto at sumalubong sa’kin ang mga ibong nagsiliparan palabas.

Sa pinakaunahang bahagi ako naupo, ‘yong malapit sa altar. At tulad nang aking nakagawian ay kinuha ko ang aking cellphone at binalikan ang app para makapagbigay ako ng mensahe sa aking Destiny.

Ito ang tinatawag na Email Your Destiny. Isa s’yang application na bigla na lang sumulpot sa isang desktop dito sa paraalan. Nang subukan ng kung sino mang nakadiskubre nito ‘yon ay kaagad niyang ipinagkalat ito sa lahat. Sa isang iglap, halos lahat ng estudyante dito sumubok nito at kinalimutan ‘yong ibang pamahiin pero hindi rin ito nagtagal dahil ni isa sa’ming sumubok, hindi pa nire-reply-an ng mga destiny nila. Kaya ngayon, ako nalang siguro ang gumagamit nito. At walang nakakaalam nito maliban nalang siguro do’n sa nagpasa ng app sa phone ko.

Muli kong binasa ang naisulat ko kanina sa aking email.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagsawa sa app na ito. Kung fake man ito, okay lang. Basta may parang imaginary friend ako sa likod ng screen ng phone, masaya na ako.

Dudugtongan ko na sana ang email ko nang may masagi ako sa aking tabi sa aking pag-usog. Isa itong libro. Manipis, maalikabok, at higit sa lahat... “Walang laman?”

Sinuri ko bawat pahina ng nasabing libro ngunit ni isang letra man lang ay walang nakaimprinta dito. Napakalinis nito.

Isinara ko ang libro at tinitigan ng maigi ang takip nito. Do’n ko lang napansin na may nakasulat sa ibabang bahagi nito. Kulay ginto ang mga salita na mas lalong tumitingkad dahil sa itim nitong palibot.

I’m your genie. Summon me.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang mabasa ito. Parang ginising ng limang salita ang aking diwa.

Ngunit naisip ko... Genie? As in ‘yong nagbibigay katuparan sa mga hiling mo? Teka, totoo ba sila? Akala ko ba tanging sa imahinasyon lang sila nagiging totoo?

Matagal-tagal ko ring tinitigan ang libro, iniisip kung ano ba ang aking dapat gawin. Kung susubukan ko bang tawagin ang genie sa loob nito? O aalis nalang ako at iiwan ito dito sa chapel?

Tila inakit naman ako ng nasabing libro nang makita ko nalang ang sarili ko na hinihimas ito tulad nang mga nakita kong pelikula noon. Lalabas kaya ang genie dito tulad nong sa Aladdin?

He's my Genie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon