Building IV

37 0 0
                                    

Request nung abnormal kong pakner. Haha, gawa daw ako ng horror eh alam namang pa-deep lang ako at hindi puno ng thrill at suspense story ang buhay ko, pero sige, ipipilit ko xD.

-----------------------------------------------------

"Hillary, 'wag na 'wag kang maglalakad ng mag-isa doon sa hallway ng bagong pinturang building ng school na  'to ah" paalala mo sa akin noong malaman mong magta-transfer na ako sa school kung saan ka nag-aaral

"Huh?Bakit naman?"

Alangan mong nilingon 'yung building na bagong pintura... tapos ung mukha mo parang chalk na sa puti noong ibalik mo ang tingin mo sa akin. "Basta... kung pupunta ka doon, isama mo ko o ung mga magiging kaibigan mo. Kahit busy ako tawagan mo ko kapag mapapagawi ka doon at magtatangka kang dumaan o maglakad"

bagaman naguguluhan ako sa mga sinasabi mo Rachelle, agad akong tumango as a sign na tinatanggap ko ang reminder mo.

Pero sana sinabi mo na lang agad kung bakit mo ko nire-remind.

Bago lang ako sa school niyo, at bilang bago marami akong tanong tungkol sa bagong school na papasukan ko. Kaya noong first day pa lang naglibot-libot na ako, nagpaalam naman ako sa administration officer na kikilalanin ko muna ung place bago ako tuluyang mag-start sa class ko, then she gave me one day para gawin din 'yun.

"Basta hija, magpasama ka na lang kay Rachelle hangga't maaari ah, lalo na kung pupunta ka sa bagong paint na building. 'Yun building sa tapat ng gazebo... hmm building IV to be exact" na-bother na naman ako noong banggitin nung admin. officer 'yung building na 'yun. Ano bang meron dun? Bakit bawal maglagalag dun ng mag-isa? 

"Ah sige po" marami man akong gustong itanong sa kanya, wala na akong ibang nagawa kundi ang ngumiti at sumang-ayon. 

Nagsimula na akong maglakad lakad sa school, tinext kita Rachelle na samahan mo 'ko, sabi mo hintayin na lang muna kits na matapos  ung first subject mo tapos i-tetext mo na lang ako uli kapag okay na.

Hinintay kita sa quadrangle at sa paghihintay ko, sinimulan kong ilibot ang mga mata ko sa school. Hindi siya kalakihan. Mula sa bleachers kung saan ako naka-upo matatanaw na ang kabuuan ng school. Sa right side ng quadrangle makikita ang isang building na tatlong palapag, may kalumaan na siya at tuklap tuklap na rin ang mga pintura. Siguro doon ung room ng mga freshmen. Sa likod ng stage ng quadrangle may isa ring building, same color dun sa nauna kong sinabing building pero kung ikukumpara mas maganda itong tignan, green ang kulay ng grills tsaka nung gate ng entrance nung building, parang mga sophomores yata 'yung mga nagro-room dun kasi may nakita akong teacher na may hawak na intermediate algebra na book.

Lumingon naman ako sa dulong part nung quadrangle at doon may mahabang pathwalk na hindi ko alam kung saan papunta tapos sa tapat noon ay 'yung building na bawal daw puntahan ng nag-iisa. Mukhang ang tahimik, dahil siguro walang katao-tao. Ramdam mong mahangin dun sa part na 'yun kasi walang nakaharang sa kabuuan nung building bukod dun sa katabi niyang malaking puno na parang hindi naman bagay sa isang institution na katulad ng school. Parang mas bagay ung puno dun sa mga gubat na napapanood ko sa mga horror stories. 

Igagala ko na sana ang mata ko sa ibang lugar ng mahagip ko sa peripheral vision ko ang isang image dun sa may building bago ko pa ito mailipat sa ibang bagay. Agad kong ibinalik ang tingin ko dun sa 4th floor ng building kung saan ko nakita ung parang image ng tao? dalagitang babae to be exact, around 11 or 12 years old siguro siya, pero wala na siya, baka bumaba na. Ibinaba ko ang tingin ko and much to my surprise, bumaba na nga ung babae. Nasa hallway siya, nakahawak ung kamay niya sa ibabang bahagi nung grills ng hallway. Ang puti puti niya tapos ang amo ng mukha, kaya lang parang ang kapal ng eyebags niya, halatang halata tapos nakatanaw lang siya sa malayo. Kaibiganin ko kaya? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Building IVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon