91-97

44.3K 967 169
                                    

Entry 91

Paano ba ako magsisimula? Ang daming nangyari pagkatapos ng pasko kaya naman ngayon nalang ulit ako nakapagsulat dito. Sobrang busy kasi at naitago kong maigi ang diary na ito. Single pa din naman ako. Jem reporting! Haha

Entry 92

Medyo nalulungkot ako. Nakuha na namin ang result ng mga pinag-exam-an namin. Pasado naman kami sa magkakaibang school at course nga lang. Ang kapareho ko ng school ay si crush kaya lang iba kami ng course. Sina Mr. Abs at Aya naman ang napahiwalay saamin. Sino na magiging best friend ko?

Entry 93

Naisip ko na hwag ko muna isipin ang college. Mag-enjoy muna ako sa pagiging high school student! Anyway cleaner nanaman ako ngayon pero tinulungan naman ako ni Mr. Abs kaya mas napabilis ang paglilinis. Madami nagsasabi na bagay daw kaming dalawa at parang mas nagiging close pa kami lalo sa isa’t-isa pero hindi nila alam parang mas lumalayo nga kami. Yung tipong ang lapit niya pero ang layo naman.

Entry 94

Dati lagi kaming nagtatawagan ni Mr. Abs pero ngayon hindi na. Napagod na ba siya sa kakasuyo saakin o dahil awkward kasi nabasa niya dati ang diary ko? Infairness, namimiss ko siya katawagan tuwing gabi.

Entry 95

Crush ko pa din naman si crush pero narealize ko na hanggang doon lang talaga. Crush ko lang talaga siya kahit pa sinabi niyang gusto niya ako. Hanggang crush lang talaga ang tingin ko sakanya. Physical attraction ba? Isa pa bata pa ako!

Entry 96

Booooooooring! Actually nagseselos ako! Hahaha. Okay nagseselos ako.

February 2 ang araw na naramdaman ko ang selos.

Entry 97

Hey diary! March na! Ang tagal ko ding hindi nagsulat sayo busy kasi at wala talagang balak magsulat! Graduation na namin bukas! Sasabihin ko bang gusto ko siya? Kaso hindi na pwede.

Mahal ko na siya at masakit pala. Congratulations graduates! Wooohooo! Hindi ko na siya makikita. Hindi na din ako masasaktan! Aaminin kong duwag talaga ako.

Diary. Tutal nasayo lahat ang sikreto ko. Siguro kakalimutan na din kita. Syempre college na ako sa susunod na pasukan. Hindi ko naman na sila makikita, I hope so, kaya iiwanan na kita sa basurahan mamaya. Bye bye.

***

oh no!!! Ano na ang mangyayari sa Lost diary? TToTT Hindi man lang niya sinaktong 100! Paano na tayong mag chismosa? XDDD oha! Diba may drama din dito! hahahaha

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon