________________________________________________________

 KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

 

TAHIMIK na nakatanaw sa labas ng bintana ng sports car si Kath. She felt guilty. Naipahiya niya si Kiko kanina. Pero kung hindi naman niya ginawa iyon ay mababalewala ang ipinunta niya doon sa party. She wanted to give DJ a chance.

Sinulyapan niya ito. Nakatutok ang mga mata nito sa daan. Parang ang lalim ng iniisip.

She let out a soft sigh. Isinandal niya ang ulo sa headrest at pumikit. Sa isip ay inaalala ang nangyari sa hotel. Ang sari-saring emosyon na nabasa niya sa mga mata ni DJ. Pagkalito, takot, sakit… lahat ng iyon at ilan pang hindi niya kayang pangalanan na emosyon. Lahat ng iyon ay bunga ng paniniwala nito na nagtaksil siya noon dito. Mabubura pa ba niya ang paniniwalang iyon? Kung sasabihin niya dito ang totoo ay paniniwalaaan ba siya nito?

She shook her head. Maaari niyang sabihin dito ang totoo, Oo, pero malamang sa hindi na hindi maniwala ito. Nabubulag pa ng galit ito. Ni hindi nga maamin kahit sa sarili na mahal pa rin siya kahit iyon naman ang nakikita at nararamdaman niya dito. She should wait. Iyon ang mas tamang gawin. Kapag naamin na nito sa sarili na mahal pa rin siya ay madali nang matatanggap nito ang katotohanan. Mas madaling maniwala ang pusong nagmamahal.

“Bakit  ka sumama sa akin?”

 

 

 

 

 

Pinutol ng tanong na iyon ang pagiisip niya. She opened her eyes and looked at him. Sandaling nagsalubong ang mga mata nila bago nagbawi ng tingin ito.

“Hindi ba’t iyon ang gusto mo?” Balik tanong niya dito.

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon