CHAPTER 11 of 15: "Personal Assistant"

Start from the beginning
                                    

"Gusto mo pagselosin natin si Dexter? Sa tingin ko kasi gusto ka niya eh. Tingnan mo, bibigay yan."

Tinanong ko si Daryl kung bakit niya nasabi yon. Ang sagot niya, lalaki daw kasi siya kaya alam niya, and "it's obvious" daw.

Pero naisip ko naman. Sinabi na ni Dexter kanina na gusto niya ako, pero he's not romantically attracted. Medyo magulo di ba? Siguro he likes me as "a person" -- nothing more, nothing less.

Naka ilang sayaw na kami ni Daryl, pero walang effect kay Dexter.

Oo, aaminin ko, umaasa ako na magseselos si Dexter.

Pagkatapos ng pang apat na sayaw namin ni Daryl, umupo na kami.

Walang violent reaction si Dexter. Hindi siya affected. Another hopya (paasa).

"Pagod na ako," sabi ni Daryl, sabay punas sa pawis niya. "Hindi lang nagpapahalata yan. Promise. Gusto ka niyan."

"Hay nako, sabi ko sa'yo eh. Mabait lang talaga siya sa akin." Sabi ko naman.

Patapos na ang ball nung bumulong sa akin si Daryl. "Mauna na tayo umalis. Baka kasi ma-corner pa ako ng press."

Sumama na ako sa kanya. Inalalayan naman niya ako.

Pagdating sa kotse, tinanong ako ni Daryl kung saan ko pa gustong pumunta. Parang pagod na ako, at disappointed. Kaya sinabi ko na lang na gusto ko nang umuwi.

Hindi na yata superstar ang tingin ko kay Dexter -- parang ordinaryong tao na siya sa paningin ko. Gets niyo? Pero ang masaklap, parang nagugustuhan ko na siya.

Tinamaan na yata talaga ang puso ko.

Alam ko masasaktan ako, kaya naiinis ako.

Nakita niyang uuwi na kami ni Daryl, hindi man lang siya pumalag. Hindi man lang niya kami pinigilan. Wapakels (walang pakialam).

Ito na nga ba sinasabi ko eh, nag e-expect kasi ako masyado. Naalala ko tuloy yung sinabi ni nanay na wag ako "masyadong umasa."

Siguro, sila pa rin ni Maureen. O siguro, mahal pa rin niya si Maureen at plano niyang ayusin ang lahat.

Pero nagtataka ako kasi hindi man lang niya kinompronta si Daryl dun sa video.

Siguro, napatawad na ni Dexter si Maureen.

"Si Maureen, kumusta?" Tanong ko kay Daryl na busy sa pagmamaneho.

"Di ba kagagaling sa sakit? Nasabi ko na sa'yo kanina. Kaya nga ikaw ka partner ko eh. Destiny yun." Sagot niya, sabay tawa.

"Pero yung video? Anu yun?"

Hindi ko na natiis. Tinanong ko na si Daryl. Gusto kong malaman kung nagkaayos si Dexter at si Maureen.

"Kanina ko pa inaantay na tanungin mo ako tungkol diyan. Gusto mong malaman ang sagot?" Tanong ni Daryl.

"Oo. Ikaw ba ang may pakana doon?"

Tumawa si Daryl.

"Obvious naman di ba? Pero hindi lang ako ang nakaisip nun. May kasabwat ako."

Napaisip ako bigla. Sino kaya ang kasabwat niya?

"So anu yung video? Sino ang kumuha nun? Alam ba ni Maureen na nagvideo ka nung ginagawa niyo nun?"

Biglang itinabi ni Daryl ang kotse. Tumingin siya sakin.

"Teka lang ha. Pinagbibintangan mo na ako niyan eh. Para kang pulis." Depensa ni Daryl.

"Gusto mo ba talaga malaman ang buong kuwento ng video na yun?"

Passport to Lurve (Love) [Completed]Where stories live. Discover now